Aminado si Katya Santos na pinagsisisihan niya ang pagpapakasal sa estranged husband na si Anton de los Reyes.
Si Katya ay dating Viva Hot Babe na nakilala sa sexy films na Radyo, Sex Drive, at Keka noong early 2000.
Aktibo pa rin siya sa showbiz hanggang ngayon, at isang mentor sa Vivamax sexy reality show na Pantaxa Laiya.
Si Anton ay miyembro ng coaching staff ng Mapua University.
Sa PEP Live guest appearance ni Katya, diretsahan niyang sinabi na nagpakasal siya nang hindi lubusang naiintindihan ang pinasok niyang commitment.
"Nagpakasal ako knowing na akala ko fairytale. Naku, it's a nightmare!" bulalas ni Katya.
Taong 2013 nang magpakasal ang couple, pero nag-break sila noong 2016. Masyado raw na-romanticize ni Katya ang idea ng marriage.
Paliwanag ni Katya: "Siguro yung biggest challenge talagang nangyari sa akin was the marriage.
"Tanggalin natin sa equation yung ex-husband ko, but the whole belief, the whole understanding of marriage before sa akin.
"Kasi masyado akong, 'Shucks, gusto ko magpakasal. Gusto ko ng happily ever after.'
"Masyado ako napaniwala sa ganun kasi yun din sa family ko, e. Mga kapatid ko maayos [yung marriage], ganyan. So gusto ko ganun din.
"Ending talaga, nag-fail, e. Wala akong magagawa, nag-fail talaga. Talagang I've tried and alam ng mga taong kilala ako na I tried my best."
Sana raw ay kinilala niya muna ang mister kung swak ba talaga sila.
Lahad pa ng 41-year-old actress: "Eto, napakapraktikal ng ibibigay ko na advice kasi na-experience ko siya.
"Sa akin lang, bago kayo magpakasal, e kilalanin niyo nang mabuti yung lalaking pakakasalan niyo.
"Kasi iba yung lalaking makakasama niyo 24/7 sa bahay, iba yung nagde-date lang kayo, hinahatid ka pa sa bahay.
"Lalabas lang yung tunay na ugali niyo sa isa't isa kapag magkasama na kayo sa bahay."
Naisip ni Katya na baka raw mas napabuti kung nag-live in muna sila ni Anton at hindi diretso sa kasal noon.
"So alam ko, siyempre, maraming mga magulang na di pumapayag sa mga live-in.
"Kasi ako di ako pinayagan, e. So nung nagpakasal ako, dun lang ako first time na may makasamang lalaki 24/7. So iba yung na-experience ko.
"Pero kung nabigyan ako ng chance na mas nakilala ko pa siya na magkasama kami, baka di nangyari sa akin dun sa marriage ko."
- Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey already married
- Pinoy mailman in Los Angeles retires after 22 years: "This is it. I’m done."
- VIRAL: Video of priest using sprayer to sprinkle holy water on churchgoers
KATYA SANTOS ONGOING ANNULMENT
Kuwinento rin ni Katya sa PEP Live na nasa proseso ng annulment ang kasal nila ni Anton.
"Hindi ko naman sinasabi na di na ako magpapakasal, pero kung puwede ko lang baguhin sana di ako nagpakasal para di ako nahirapan.
"Sana hindi ako dumaan sa mahabang proseso, sa annulment, kasi ang hirap pala.
"Hindi lang siya basta case na maghiwalay kayo.
"It requires a lot of emotion, so mahirap siya pagdaanan. So kung kayo kayo niya wag pagdaanan, wag na niyo pagdaanan."
Nilinaw naman ni Katya na sa kabila ng breakup nila ni Anton ay nirerespeto niya ito bilang ama ng anak nilang si Tala.
Diin niya, "Basta ok kami. Hindi kami magkaaway. Siguro dumating sa point na ayoko nang merong grudge sa puso ko.
"Gusto ko siya i-forgive sa lahat ng nangyari, and I also accept na siguro may fault din naman ako kaya naging ganon siya.
"It takes two to tango. Di ko naman binibigay lahat sa kanya kung bakit kami nagkahiwalay."

NO FINANCIAL SUPPORT FROM ANTON?
Tinanong din ng PEP.ph si Katya kung may natatanggap siyang financial support para sa 14-year-old daughter nila ni Anton.
Sagot ni Katya, "In terms of pagpo-provide, pinili ko na lang na wag na lang para di na ako ma-stress mag-require.
"Kasi minsan nakaka-stress din maghintay. Since kaya ko naman, ok na ako. Ayoko na Mag-waste ng energy.
"Kung magbigay siya, thank you. Kung wala, it's ok. Iintindihin ko na lang."
ON MAKING A RELATIONSHIP WORK
Natutunan ni Katya na hindi lang basta kilig ang nagpapatakbo sa isang relasyon.
"Di mo kasi masasabi kung yun na yung right one. Kahit five years, ten years na kayo magkasama, di pa siya yung right one, di ba?" saad ng aktres.
"So para masabi mo yung right one, I think it's partnership na dalawa kayong gagawa nun para masabi niyo na kayo na yung para sa isa't isa.
"Di puwede sabihin na, 'Ay, eto na yung right one for me.' Dapat tulungan kayong dalawa na tama kayo para sa isa't isa."
ADVICE TO YOUNG LADIES
Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Katya na hindi talaga minamadali ang pagpasok sa pagpapakasal.
"Girls, wag magmadali at kilalanin ang mga lalaking ide-date. Enjoy your youth. Magpakasawa muna kayo sa buhay. Magpayaman muna kayo.
"And darating din ang love life. Di yan mawawala. It will always be there," payo ni Katya.
Importante rin daw na kumikita ng sariling pera ang babae.
Katuwiran niya, "Hindi naman sa hindi aapihin, pero, at least, you have your confidence. May panghahawakan ka sa sarili mo na whatever happens, mahal ko yung sarili ko.
"Dapat mahal mo muna sarili mo bago sila, kasi di mo mamamahal yung tao na yan kung hahayaan mo lang na mabuos ka palagi."
WATCH FULL INTERVIEW OF KATYA SANTOS & MAUI TAYLOR ON PEP LIVE:
