PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Antoinette Taus on 'hiding' her kids

Antoinette Taus reveals reason for deciding to live in the U.S.
by Bernie V. Franco
Published May 4, 2023
Antoinette Taus
"Grabe, pumunta lang naman ako ng States kasi may pangarap din ako," Antoinette Taus says about past rumors that she migrated to the U.S. to hide pregnancy.
PHOTO/S: YouTube (Camille Prats Yambao)

Aminado si Antoinette Taus, 41, na hindi pa rin mamatay-matay ang isyung tinalikuran niya ang showbiz noon at nanirahan sa U.S. para itago umano ang kanyang panganganak.

Taong 2001 nang iwan ni Antoinette, na noon ay GMA-7 artist, ang showbiz upang mag-migrate sa U.S.

Nabahiran ng intriga ang kanyang pag-alis at pangingibang bansa para itago umano ang kanyang pagbubuntis.

Pero paglilinaw ni Antoinette, walang katotohanan ang akusasyong ito.

Lahad ng aktres, 2001 nang sabay-sabay na nagtapos ang kanyang mga proyekto at nagdesisyong subukan ang kapalaran sa U.S.

“Andami talagang di makaintindi bakit ako umalis,” sabi ni Antoinette sa YouTube vlog ni Camille Prats nitong May 3, 2023.

“Kaya nung time na yon andami nilang iba't ibang mga theories and chismis na hanggang ngayon… na may mga taong nag-iisip na nagkaroon ako ng kids before.”

Kung totoo man daw na nagkaanak siya ay hindi niya iyon ikahihiya.

“There’s nothing wrong with that. My only point is, kung meron ako [kids] I would be proud of my children and share it with the world.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang alegasyon pa ay hindi lang siya minsan nabuntis.

“Hindi lang daw isa, kasi every time na babalik ako sa States, sinasabi nila magkakaroon na naman daw ako [ng anak].

“Typical nung '90s yun ang mga theories, every time na mag-iibang bansa ka. Yan ang mga dating usong-usong mga chismis.

“And I was like, ‘Grabe, pumunta lang naman ako ng States kasi may pangarap din ako.’”

DEEPER REASON FOR STAYING IN THE U.S.

Nang nagdesisyong lumipat sa Amerika si Antoinette ay sumama na rin sa kanya ang kapatid na si Tom Taus, na sikat na child star noon.

Nagkaroon daw ng mas malalim na dahilan ang pananatili sa U.S. nina Antoinette.

“Actually, what happened was right after we moved, we found out na nagkasakit nga yung mom ko sa cancer.

“So it kind of became something na, buti na lang din we did, kasi we were able to be with her throughout her whole treatment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi yung parang we had to move during that difficult time. Nandun na kami.

“We got to spend the last eight months talaga with her, and that’s really when I kind of stopped doing the work that I was doing after that, kasi hindi ko na-realize na I went into depression.”

Hindi raw napagtanto ni Antoinette na dumadaan na siya sa depresyon noon at itinatago ang kanyang pinagdaraanan.

“I was 23 years old, akala ko I’m so strong kasi I’m moving through, e.

“Hindi ko na-realize what I was doing was covering up my pain with happy moments.

“Yung always trying to find ways to be with friends, with people, always trying to find ways to be in a happy setting.”

Paglalarawan ni Antoinette sa pagtira niya sa U.S.: “The whole moving to the States was part of a big dream.

“And at the same time, the part of the transition of what’s happening to my life din today in a very big way.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos pumanaw ang kanyang ina noong 2004, lumipas pa ang isang dekada bago nakauwi si Antoinette sa Pilipinas.

Ang plano nga niya pagbalik sa Pilipinas noong 2014 ay magbakasyon lamang at babalik uli sa U.S.

Subalit nakumbinsi siya ng mga kamag-anak na manatili muna sa Pilipinas.

Sa ngayon ay abala si Antoinette sa pagiging bahagi ng isang non-government organization, ang Planet CORA (Communities Organized for Resource Allocation).

Ang NGO na ito ay focused sa pagsusulong ng sustainable programs para sa mga kabataan at kababaihan at pag-address sa environmental issues.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Grabe, pumunta lang naman ako ng States kasi may pangarap din ako," Antoinette Taus says about past rumors that she migrated to the U.S. to hide pregnancy.
PHOTO/S: YouTube (Camille Prats Yambao)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results