PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes' exes and new love.

Who were the actors that Cristine Reyes dated in the past?
by Mark Angelo Ching
Published May 3, 2023
Cristine Reyes ex-boyfriends
PEP.ph traces Cristine Reyes's dating history — the man she married, her ex-boyfriends from showbiz, and her newfound love Marco Gumabao (center).
ILLUSTRATION: Igi Talao

Naging tampok ng usap-usapan si Cristine Reyes at ang bagong kasintahan nitong si Marco Gumabao nang mailantad ang relasyon nila.

Natuwa ang fans sa balitang ito, at lumabas pa ang lumang panayam kay Cristine kung saan tinawag niyang “tropa” lamang ang mestisong aktor.

Sinabi rin ng aktres sa TV interview, na umere noong 2019, na magiging friends lamang sila ni Marco. Saad ni Cristine, "Ang bata pa ni Marco. Ano ako, cougar?"

Read: Cristine Reyes's 2019 interview resurfaces after relationship reveal with Marco Gumabao

Cougar ang bansag sa mga babaeng may edad na nagde-date ng mga mas bata.

Ngunit ayon sa Online Etymology Dictionary, mas nararapat itong gamitin sa mga babaeng 35 years old and up. Thirty-four years old lamang si Cristine, at 28 si Marco.

May sagot agad si Cristine sa nag-viral na video.

Sa post niya sa Facebook, sinabi niyang hindi na lang kaibigan si Marco. “Definitely not Tropa anymore,” sabi niya sa caption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang ito ang unang beses na pinag-usapan si Cristine dahil sa kanyang buhay-pag-ibig.

Ito ang ilan sa mga matunog niyang nakarelasyon:

DENNIS TRILLO

Unang umalingasngas ang relasyon ni Cristine kay Dennis Trillo dahil sa isang engkuwentrong naganap sa isang taping.

Noong November 2007, kinumpronta umano ng isang beauty queen si Cristine sa taping ng All Star K, dating game show sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang beauty queen ay si Carlene Aguilar, Bb. Pilipinas World 2005, na may anak kay Dennis.

Para protektahan ang career ni Dennis ay isinikreto ni Carlene ang kanyang pagbubuntis at nanganak siya sa Amerika.

Akala ni Carlene na sila pa rin ni Dennis habang nasa Amerika siya, ngunit na-link ito kay Cristine.

Sa nasabing taping, nagkaabot umano sina Carlene at Cristine.

Dalawang bersiyon ang lumabas na kuwento noon.

Ang unang bersiyon, base sa ulat ng PEP.ph noong November 2007: Nagpakilala umano si Carlene kay Cristine at binulungan ito ng mga salitang ikinasama ng loob ng aktres. Sinasabing naringgan din si Carlene na sinisiraan umano si Cristine sa isang staffer ng show.

Ang ikalawang bersiyon, base sa TV interview noong November 18, 2007: Umalma si Carlene sa kumalat na video kunsaan nakunan ang eksena matapos niyang bulungan si Cristine.

Ayaw sabihin ni Carlene kung anuman ang ibinulong niya kay Cristine nang magkita sila sa All-Star K, pero idiniin ng beauty queen na hindi niya sinugod ang aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi napigilan ng eksenang ito ang namumuong Cristine-Dennis relationship.

Naging on-off relationship ang set-up nila,

February 2008 nang maiulat sa PEP.ph na nag-post Valentine date sina Cristine at Dennis, kahit na maituturing na mag-ex na sila noon.

Hanggang sa May 2009 ay tuluyan nilang tinuldukan ang pagsinta sa isa't isa.

Pahayag ni Dennis noong July 2009: "Since the start ng relationship namin, parang wrong timing, on and off ang relasyon namin.

"Tuwing maghihiwalay kami, dahil may problema na hindi namin nabigyan ng solusyon. Kaya nag-decide na kaming tapusin talaga ang relasyon namin."

Dagdag ni Dennis, hindi third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Cristine, at pinipili niyang alalahanin ang magandang pinagsamahan nila ng dating nobya.

Cristine Reyes and Dennis Trillo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RAYVER CRUZ

Isa sa mga pinakamalaking balita noong 2010 ang relasyon nina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Nadawit sa kontrobersiya si Sarah Geronimo, na ex-girlfriend ni Rayver.

December 2010 nang ibunyag ni Cristine ang away nila sa publiko nang pasaringan niya ang Popstar Royalty sa Twitter.

Napikon umano si Cristine dahil tingin niya ay pinasaringan siya ni Sarah sa rehearsal ng ASAP.

Sa sunud-sunod na tweets, ibinunyag ni Cristine na nagkaroon ng relasyon sina Sarah at Rayver, pero hiwalay na rin noon.

Nagulat ang fans sa rebelasyong ito dahil hindi naman naisapubliko ang naturang relasyon nina Sarah at Rayver.

Nailathala sa YES! Magazine March 2011 issue ang buong kuwento ng pag-iibigan nina Sarah at Rayver, pati na ang kontrobersiyal na simula ng ugnayan nina Rayver at Cristine.

March 2011 nang ihayag naman ni Sarah sa isang TV interview na humingi siya ng paumanhin kay Cristine para sa gulong nangyari sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalaunan, naging masaya si Cristine sa piling ni Rayver.

Sa panayam niya with YES! noong May 2012, ipinagmalaki niya ang mga ginagawa ni Rayver para sa kanya.

Nahanap daw niya kay Rayver ang katangian sa isang nobyo na sobra ang pagiging proud sa kanya at todo rin kung um-effort para makilala ang pamilya niya.

Nagkatambal din sina Cristine at Rayver sa defunct Kapamilya prime-time series na Reputasyon (2011-2012).

Gayunpaman, hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa. Nag-break sila noong huling bahagi ng 2012.

Cristine Reyes and Rayver Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEREK RAMSAY

Samantala, naging tahimik naman ang relasyon ni Cristine kay Derek Ramsay.

August 29, 2013 nang maging magkasintahan ang dalawa.

Sa isang panayam kay Derek noong 2021, inamin nitong nagkalapit sila ni Cristine noong shooting ng movie nilang Trophy Wife, na ipinalabas noong 2014.

"Nagkasama kami every day kasi ginagawa namin yung pelikula na Trophy Wife, na ilang beses ni-reshoot," sabi ng aktor.

"So, umabot ata ng two years yung pelikulang yon. And galing din siya sa break, galing din ako sa break.

"So, alam mo yung dalawang magkaibigan na sobrang komportable sa isa’t isa, na naisip na may nangyari lang, na tapos, 'Dapat siguro bigyan natin ng chance to kasi sobrang kilala na natin ang isa’t isa.'"

Kaka-break lang ni Derek kay Angelica Panganiban noong panahon na iyon.

Dagdag pa ni Derek, isang buwan lang tumagal ang relasyon nila ni Cristine at mutual silang nag-decide na maghiwalay.

"Pero yun nga, dahil sa sobrang kilala na namin ang isa’t isa, after one month, napag-usapan namin na, 'Alam mo, hindi talaga tayo pang boyfriend-girlfriend. Pangkaibigan lang talaga.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam naman kay Cristine noong 2013, sinabi nito ang regret niya sa natapos na relasyon.

"Hindi ako masyadong um-effort, so yun ang medyo nagsisisi ako. Si Derek kasi sobra sa akin," sabi ng aktres.

Cristine Reyes and Derek Ramsay

ALI KHATIBI

Ang relasyon ni Cristine kay Ali Khatibi, isang MMA fighter, ang pinakaseryoso dahil humantong ito sa kasalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una silang nagkakilala noong 2005, ngunit nagkamabutihan lamang noong nagkita silang muli noong 2012.

Nagka-crush si Cristine kay Ali nang magpaturo siya rito ng Brazilian Jiu-Jiutsu. Noong 2013 naman ay nagkita sila sa Iloilo at na-develop sa isa't isa.

Pero hindi pa agad sila naging opisyal na magkarelasyon dahil may iba pang girlfriend noon si Ali.

Sampung buwan ding lumayo sa isa't isa sina Cristine at Ali.

Si Cristine ang kumilos para muli silang magkausap, at sa pagkakataong ito ay tuluyang naging magkasintahan sila.

November 2014, lumabas ang balitang buntis si Cristine. Isinilang niya ang anak nila ni Ali na si Amarah noong Febrary 2015.

At finally, nagpakasal sila noong January 2016.

"Napi-feel ko every time I'm with Ali yung comfort na hinahanap ko matagal na, and siya yung nag-fulfill nun.

"Parang yung emptiness sa heart ko, nung dumating siya sa buhay ko, na-fill yon," saad ni Cristine sa isang TV interview noong October 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pagsapit ng 2018, umugong ang balitang nagkakalabuan na ang mag-asawa.

Nakumpirma ang hiwalayan nila noong 2019.

Kahit tuluyan na silang magkahiwalay ay may connection pa rin sina Cristine at Ali dahil pinagtutulungan nilang palakihin si Amarah.

Noong April 2023, si Cristine pa ang nag-post na pareho silang um-attend ni Ali sa isang school program ng kanilang anak.

Cristine Reyes and Ali Khatibi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP.ph traces Cristine Reyes's dating history — the man she married, her ex-boyfriends from showbiz, and her newfound love Marco Gumabao (center).
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results