Pinasinayaan ng Quezon City Government, katuwang ang Sentro Artista Art Hub, ang bagong art installation sa pedestrian underpass na nagkokonekta sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle last April 26, 2023.
Tinawag na “QC Underparadisso,” ang malalaking artworks ay nagtatampok sa endangered Philippine flora and fauna.

Read also: Art piece worth PHP2.3M, aksidenteng nabasag ng isang ale sa exhibit
Para mas maraming matuklasan tungkol sa mga species, ang mga tumatawid ay maaaring i-scan ang QR code na nasa entrance ng underpass.
“We recognize that all walks of life can learn so much through art,” ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.
“We hope that the QC Underparadisso will be able to raise the awareness of the public, especially the youth, and inspire them to do their share in protecting the environment.”
Kabilang sa mga species na itinampok ang Philippine Eagle, Tamaraw, Pangolin, Warty Pig, Negros Bleeding Heart Pigeon, Tarsier, Waling-waling, at Alocasia.

Read also: Pagbiyahe ng mga turista papuntang Camotes Island, mas pinadali
Dagdag ni Belmonte, “We want our QCitizens to look forward to walking along a beautiful, colorful, and enjoyable underpass where they can take pictures and learn more about nature.”
Ang malaking artwork ay isang buwan na magkakatuwang na iginuhit ng internationally acclaimed muralist na si A.G. Saño, at ng Art Atak team, Cosmic Clint, at RKTRS Art Collective.
Tinulungan din sila ng volunteers mula sa Boundless Possibilities Foundation—na dinala naman ang Gentle Giants, isang grupo ng mga kabataang artists na may special needs.
Read also: Meet Joneil Severino, the amazing giant-leaf artist

Read also: Mekaniko sa Pangasinan, nagagawang amazing artworks ang scrap metal
Nagbahagi rin ng talento ang mga art students mula sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology, University of the Philippines College of Fine Arts, at Central Colleges of the Philippines.
Ang pagpapasinaya sa QC Underparadisso ay bahagi ng pakikiisa ng Quezon City sa selebrasyon ng Earth Day.
Ang QC Underparadisso ay isang paraan din ng lokal na pamahalaan upang ipaalala at ipaunawa sa mga mamamayan ang kagandahan ng kalikasan at kung bakit ito kailangang pangalagaan.
