Inamin ng Kapuso actor-TV host na si Dingdong Dantes na sumagi na sa isip niyang pasukin ang mundo ng pulitika.
Bukod sa pagiging aktor, hindi kaila ang interes ni Dingdong pagdating sa usaping pagtulong, pagseserbisyo, at paglilingkod sa kapwa Pilipino bilang isang philanthropist.
Read: Dingdong Dantes firm in shunning politics while continuing public service
Isa sa mga pruweba ang pagsisilbi niya bilang chairman ng National Youth Commission (NYC) sa ilalim ng administrasyon ni yumaong Pangulong Noynoy Aquino noong 2014 at pagiging founder ng non-govermental organization na Yes Pinoy Foundation (YPF).
Read: Will Dingdong Dantes enter politics in 2019?
Sa panayam ni Dingdong sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes April 21, 2023, muling inungkat ang posibilidad na pagpasok ng Family Feud host sa pulitika.
Lalo na't simula pa noong 2016 ay usap-usapan na ang diumano'y pagtakbo niya bilang senador.
Tanong sa kanya ni Boy Abunda: "Laging may usapan na papasok si Dong sa pulitika, pero hindi naman natutuloy. What is your story?"
Mabilis na sagot ni Dingdong, "Sa tingin ko po ay lahat po ito nag-uugat sa pagmamahal natin sa Inang Bayan, at higit sa lahat pagmamahal sa kapwa.
"We recognize na iba-iba naman ang paraan natin ng pagpapakita nito.
“Ako, gusto ko po aminin na may panahon na I really thought na sana may [opportunity] for me to do more for the Filipino people over and beyond my work here in the industry."
Alam daw ni Dingdong na malaking responsibilidad ang pagiging lingkod-bayan kung kaya't hindi pa siya dumarating sa punto na desidido siyang pasukin ito.
Aniya, "Never umabot pa sa punto na sinabi kong, 'Sige, gagawin ko to.'
"It’s because I have high regards for public office, especially kapag sinabing public office, ibig sabihin, ayun dapat ang topmost priority.
"With that recognition, alam ko na hindi siya ganun kadali.
“I recognize that it’s not that easy, it will require much of your time, energy, love, your passion, yourself.
"It takes much sacrifice para ma-achieve yan.”
Nais daw ni Dingdong na ituon ngayon ang atensiyon sa kanyang pamilya lalo't higit sa dalawa niyang anak na sina Zia, 7, at Sixto, 4.
Saad niya, “Isang bagay ang malinaw sa akin ngayon that I have multiple roles to fulfill—literally and figuratively.
"Because I want to be the best father to my children, I want to be the best husband to Marian [Rivera], be a good son, and responsible member of this beautiful industry, while striving to be a good citizen every day."
Read: Dingdong Dantes focuses on family and work; dismisses talks about entering politics
Alam daw ni Dingdong na ang lahat ay may kanya-kanyang papel na dapat gampanan sa lipunan.
May posisyon man o wala, gagawin daw niya ang kanyang buong makakaya para makatulong sa bansa.
Aniya, "Lahat tayo may kanya-kanyang papel na kailangang gampanan sa lipunan para mapaganda at mapabuti.
"Ako naman ang parte ko diyan, I remain committed doing my part in whatever the way I can."
Sundot na tanong ni Boy, "Pero hindi ka nagsasara ng pintuan [para pasukin ang pulitika]?"
Sagot ni Dingdong, "I think it’s not for me to say but the circumstances."
Read: Dingdong Dantes not closing his doors to politics; happy with his status in showbiz
