PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Klaudia Koronel's Caregiver Struggles

Klaudia Koronel learns to appreciate her past as a showbiz personality.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2023
klaudia koronel caregiver
Klaudia Koronel admits that she used to be ashamed of her screen name: "Dati kasi ikinahihiya ko yung pangalan ko. Sa totoo lang, nahihiya talaga ako. Pero dahil sa pag-accept sa akin ng INC, okay, tatanggapin ko na si Klaudia dahil tinanggap nila. Ang mahalaga ngayon sa akin, naka-survive ako at patuloy akong naglilingkod sa Panginoong Diyos."
PHOTO/S: Klaudia Koronel Facebook

Hindi naging madali para kay Milfe Dacula—nakilala sa showbiz bilang Klaudia Koronel—na mag-umpisa ng solong pamumuhay sa Amerika matapos nilang maghiwalay ng kanyang mayamang asawa, ang Chinese-American businessman na si Andy Zhang.

Read: Former actress Klaudia Koronel recalls painful divorce from husband

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Klaudia, ibinahagi niya ang mga pang-aapi at diskriminasyong pinagdaanan niya nang magtrabaho siya bilang caregiver.

Naranasan daw ng dating sexy actress at Seiko Films contract star na masabunutan, maitulak at awayin ng mga pasyenteng kanyang inaalagaan, pero nagtiis siya alang-alang sa pamilya sa Pilipinas na binubuhay niya.

“Sa ten years, ang dami kong nasagupa na hirap bilang caregiver at nursing aide. Ang layo sa naging trabaho ko sa showbiz.

"Pinag-igihan ko na lang talaga,” simula ng pagbabalik-alaala ni Klaudia sa kanyang malungkot at makulay na karanasan na lalong nagpatatag sa pagkatao niya.

Pagpapatuloy ng dating aktres, “Naranasan kong masabunutan, naitulak, matakot sa gabi kasi biglang may wandering na pasyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Inaaway ako ng family, kaya sa trabahong ito, natuto akong magpakumbaba.

“Noong artista ako, kailangang i-please ako. Kailangan palaging maganda ako.

“Sa trabaho ko ngayon, talagang hahabaan mo ang pasensiya mo. Kailangan mong maging matalino sa documentation, makisama sa mga katrabaho, maging mabuti sa kapwa, sa pasyente at sa family nila."

Ibinahagi rin ni Klaudia ang sakit ng katawang naranasan niya dahil sa kanyang trabaho bilang caregiver.

“I think ang pinakamahirap na naranasan ko, hanggang ngayon, parang nasira ang likod ko kasi nag-try ako na magtrabaho sa malaking facility.

“Binubuhat ko yung mga bedridden patient. Malakas kasi ako pati ang mga braso at kamay ko.

“Yun ang pinakamahirap dahil, physically, pagod ka talaga.

"Pero ngayon, I decided na hindi na ganoong karaming pasyente ang aalagaan ko. Private nursing assistant na lang ako ngayon."

Nakaranas din umano ng diskriminasyon si Klaudia mula sa ilan niyang mga pasyente.

Saad niya, “Yes, marami akong naranasang discrimination mula sa mga Amerikano, sa mga nurse, sa mga doktor. Pero tandang-tanda ko ang itinuro sa akin noon ng ex-husband ko na, ‘Huwag kang magpapaapak sa kanila. Tao rin sila.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang tinandaan ko. So, kapag nararamdaman ko na parang nadi-discriminate ako, hindi ako yung typical Filipino na parang yes or no lang.

“Siyempre, galing din naman ako sa showbiz. Alam ko rin kung paano makipag-usap sa mga tao. Kaya kong humarap nang maayos at full confidence sa mga Amerikano.

"Pero kapag nakuha mo naman ang tiwala at pagmamahal ng family ng pasyente, yun ang trophy ko."

HOW KLAUDIA KORONEL BECAME A CAREGIVER

Natutong maging caregiver si Klaudia dahil sa mga Pilipinong TNT—tago nang tago dahil illegal ang pamamalagi sa Amerika—na naging kaibigan niya noong nagsasama pa sila ni Andy.

Sa kagustuhan ni Klaudia na makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya sa Pilipinas na hindi manggagaling sa bulsa ni Andy, lihim siyang nagtrabaho bilang caregiver.

“May mga na-meet akong mga Filipino caregiver sa Amerika na TNT. Hindi maayos ang kanilang mga pamumuhay dahil tine-take advantage sila ng mga boss nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi sila pinagde-day off at nagtatrabaho sila ng 24 hours. Natutulog sila sa sahig, sa sofa.

“Sa kakatulong ko sa kanila, tinanong nila ako kung gusto ko ba raw na i-train nila akong caregiver.

“Sabi ko, kaya ko, pero ang hirap palang mag-alaga ng matandang Amerikano."

Ayon pa kay Klaudia, “Inosente ako noon sa dollar. Forty dollars lang ang ibinabayad sa akin para sa 24 hour na trabaho. Tuwang-tuwa na ako noon, yun pala niloloko na kami.

“Twenty-four hours silang nagtatrabaho, hindi nakakalabas ng bahay, forty dollars lang ang ibinibigay sa kanila.

“Ganoon ako nag-start bilang caregiver. Hindi pa ako CNA [Certified Nursing Assistant ] noon.”

Hindi nagtagal, natuklasan ni Andy ang inililihim na trabaho ni Klaudia dahil sa mga natatanggap nitong tawag sa telepono tuwing madaling-araw.

Nagsuspetsa si Andy na nagtataksil sa kanya si Klaudia kaya napilitan itong aminin ang katotohanan.

“Nalaman ng asawa ko ang trabaho ko dahil nagtataka siya, may mga tumatawag sa akin sa telepono kapag madaling-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Akala niya, nagtsi-cheat ako, kasi mga lalake ang tumatawag sa akin. Pero mga gay sila.

“So, inamin ko sa kanya na nagtatrabaho ako kapag wala siya.

“Sabi niya, ‘You don’t have to do that. Hindi pa ba enough ang allowance na ibinibigay ko sa yo? Kung gusto mo, mag-business ka.’

“Dun nag-start yon, nagkaroon ako ng care home then nag-aral ako ng CNA sa Arizona at nakapagtapos ako.

“Yung mga tinulungan ko na Filipino TNT, nag-aral sila at mga nurse na sila ngayon. Naayos nila ang papers nila at nadala nila sa U.S. ang kanilang pamilya. Marami akong natulungang TNT noon.”

Read: WHERE ARE THEY NOW: Pinoy sexy stars of the '90s to early 2000s

HIDING HER PAST AS AN ACTRESS

Nang maging full-time nursing assistant si Klaudia, hindi nito inaamin sa kanyang mga American employer na dati siyang artista sa Pilipinas.

Pero hindi niya maikubli sa matagal na panahon ang katotohanan dahil mismong ang mga kababayan natin sa Amerika ang nagkukuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayokong sabihin na ako si Klaudia Koronel kasi ang daming mga tanong sa akin. 'Bakit nandito ka, bakit ito ang pinili mong trabaho?' Ang daming explanation kaya ayokong-ayoko na maraming company na pinapasukan," paliwanag ng dating aktres.

“Naiintindihan ko naman ang mga kababayan natin, proud sila na dating artista ako, pero hindi nila alam ang side at ang nararamdaman ko.

“Hindi naman masamang pag-usapan pero iniiwasan ko yung depressing emotion.

“Ang hirap ng trabaho ko ngayon para i-compare sa dating trabaho ko sa Pilipinas dahil kapag inisip ko, made-depress lang ako.

“Hindi niyo lang alam kung gaano ko ka-miss ang showbiz. Miss na miss ko nang umarte.

“Grabe pati ang dinanas ko dito. Talagang parang ikinahiya ko ang pangalan ko kasi parang malaking disappointment sa akin yung nangyari na na-divorce ako ng asawa ko.

“Ang pakiramdam ko, I’m not a good example to everyone. Sinikap ko naman na magkaroon ng pamilya pero wala, e…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuluyan nang napaiyak si Klaudia dahil nailabas niya ang matagal nang kinikimkim na saloobin.

Saad niya, “Napapansin ko lang, kung dati parang tinataguan ko ang showbiz , ngayon nakadikit na talaga sa akin.

"Minsan nga, kilala pa nila yung pangalan na Klaudia Koronel kesa sa akin. Sasabihin nila, ‘Kilala ko yon,’ pero hindi nila alam na ako yon.

“Hindi na talaga maalis sa akin ang pangalan na yon, kaya ngayon, unti-unti, natatanggap ko na.

“Like, nakatanggap ako ng award dito sa U.S. na All Time Favorite Actress sa Philippines.

“Na-realize ko, oh God, kailangan ko talagang yakapin si Klaudia Koronel kasi ang laging iniisip ko noon, hindi na ako artista.

"May bago na akong career o trabaho. Ito na yung gusto ko. Ayoko na ang nakaraan, ayoko na, pero idinidikit pa rin sa akin."

Pinarangalan si Klaudia bilang 2023 All-Time Favorite Movie Actress of the Philippine Movies sa 4th Annual AmerAsia International Awards na ginanap sa Hollywood, California, noong April 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Klaudia, “Ngayong na-receive ko na ang award ko, from now on, yayakapin ko na ang pangalan na yon. Hindi ko na tatalikuran ang pangalan na ibinigay sa akin ng showbiz.

“Ia-appreciate ko na lahat-lahat.

"Kung anuman ang dinanas ko sa showbiz, mas lalo ko palang dapat ipagmalaki yung pangalan na Klaudia Koronel dahil sa tingin ko, marami ang nagmamahal sa akin, lalo na yung mga churchmate ko sa Iglesia Ni Cristo.

“Salamat talaga. Naramdaman ko ang pagtanggap nila sa akin. Dati kasi ikinahihiya ko yung pangalan ko. Sa totoo lang, nahihiya talaga ako.

"Pero dahil sa pag-accept sa akin ng INC, okay, tatanggapin ko na si Klaudia dahil tinanggap nila.

“Ang mahalaga ngayon sa akin, naka-survive ako at patuloy akong naglilingkod sa Panginoong Diyos.

"Yun na lang ang mahalaga sa akin—ang mahalin ko ang sarili ko, makapag-provide sa pamilya ko sa Pilipinas, pipiliin ko na lang maging masaya at, higit sa lahat, kung ano ang tingin sa akin ng Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Klaudia Koronel admits that she used to be ashamed of her screen name: "Dati kasi ikinahihiya ko yung pangalan ko. Sa totoo lang, nahihiya talaga ako. Pero dahil sa pag-accept sa akin ng INC, okay, tatanggapin ko na si Klaudia dahil tinanggap nila. Ang mahalaga ngayon sa akin, naka-survive ako at patuloy akong naglilingkod sa Panginoong Diyos."
PHOTO/S: Klaudia Koronel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results