Binuweltahan ni Geneva Cruz ang isang basher na sinita siya tungkol sa pagpu-post ng kanyang sexy photos sa social media.
Sa Facebook ngayong araw, April 19, 2023, nag-post si Geneva ng larawan kung saan kasama niya ang kanyang anak na babae na si London Cruz at ilang kaibigan mula sa recent vacation nila.
Ani Geneva sa caption, “With my long legged baby girl @londonleecruz and our friends. #islandgirltravelerph”
Sa comments section, tila binungangaan siya ng isang basher tungkol sa kanyang palagiang pagpu-post ng sexy photos sa Instagram at Facebook.
Pasaring ng basher (published as is): “Buti ang anak mo hindi nag babandera ng katawan niya. Hindi nagpapakita ng puwit sa madlang people.”
Hindi ito pinalampas ng singer-actress.
Ayon kay Geneva, manalamin muna ang basher at magmuni-muni kung ang ugali nito ay mas nakakaangat kumpara sa pagpapakita ng singer-actress ng kanyang magandang pigura na pinaghirapan niya.
“Aww… Putting me down because it makes you feel good. Look at yourself in the mirror and try to realize if your attitude is better than my flaunting of the body I work hard for.”
Feeling daw ni Geneva ay nakakaawa ang basher. Ang pagkukumpara raw nito sa kanyang anak ay “lowest of the low.”
Aniya, “I feel sorry for you. Compassion is an important trait to have in this world.
“Shaming me and comparing me to my 8-year old daughter is the lowest of the low. I feel sorry for you.
"Have a good life. I mean it.”

Hindi pa rito nakuntento si Geneva.
Ini-screenshot pa niya ang komento ng basher at ibinahagi sa kanyang Facebook account.
Mas nasaktan daw siya sa komento ng basher dahil death anniversary ng ina niyang si Marilyn Cruz.
Ani Geneva, “Aww… Lani L. Lazo, nanay ka? It’s my mom’s death anniversary today… you could’ve been more compassionate kasi unnecessary yung comment mo. God bless you.”
