Saksak-puso, tulo ang dugo ang pelikulang Five Break-ups And A Romance na bida sina Alden Richards at Julia Montes.
May pinaghuhugutan ba sila sa mga mapanakit na eksena?
Read: Julia Montes surprised by offer to star in a movie opposite Alden Richards
Pahayag ni Alden sa mediacon nitong Abril 18, 2023, Martes, sa B Hotel, Sct. Rallos St., Quezon City, “I don’t know, for some reasons, sakit ko na ito noon pa, e. When I play a character, I am the character.
“So… sometimes nga, pag pinapasok ko pa yung mga personal inventory ko sa character ko, doon pa ako nadidiskaril, e.
“So it helps sometimes. Ako lang ito, yung process ko lang ito bilang aktor. It doesn’t mean na this will be applicable to everyone.
“Pero yun, e. When I play a character, I am the character. So, hindi si Alden yun, hindi si RJ yun, hindi si Richard yun. So that’s how I do my job.
“So, with you question… parang hindi naman. Parang wala. Nakahiwalay siya.”
Susog ni Julia, “Mahirap din kasing laging ire-relate mo in real life. Mauubos ka. And mahirap ding iano kasi kada character po na pine-play namin, iba sa totoo naming buhay.
“Siguro, may mga part na similar o parang masasabi mo sa sarili mo or kami, personally na, ‘Ahhh ako ‘to! Yung mga moments na to, ako to!’
“May mga ganun ka din, hindi maiiwasan. Pero hindi mo pupuwedeng sabihin na, ‘Ito yung gagawin ko kasi ito ang ginawa ko noon.’
“Hindi! Kasi, hindi ikaw yun, e. Iba yung ginawa mo noon, iba yung na-feel mo noon, iba yung karakter mo. So, yun ang mag-iiba.
“Pero at least, you have the idea kung ano yung na-feel mo. So, meron kang tulong. Meron kang tool na parang eto yung kahit papaano, ito ang magiging reaction mo pag nangyari talaga ito in real life.
“So iti-tweak mo na lang based on your character kung who you are dun sa role.
“Siguro yun din po ang gift ng pagiging artista. Ako personally, kaya ko nagustuhan ang pagiging artista — before nasabi ko na ito sa interbyu, hindi ko pangarap maging artista.
“Pero ni-love ko yung pagiging nasa industriyang ito po. Kasi para na rin siyang naging… escape.
“Kasi may mga times siyempre, we’re trying to be strong, and hindi mo alam kung OK ba to share.
“Or OK ka pa ba? So may times na minsan sa mga eksena, sinasabi nila, ‘Uy! Ang galing, ha?! Nagawa mo yun!’
“Hindi mo masabi na, ‘Kasi, release yun, e!’ So in a way, nakakatulong din siya sa amin.
“So, oo, para siyang therapy sa amin. Puwede nga naman talaga. Enjoy yung journey ng pagiging nandito sa industriyang ito,” pagmumuwestra pa ng Kapamilya actress.
JULIA MONTES ON HER ROLE
Unconventional ang structure ng Five Break-ups And A Romance, na isinulat at idinirek ni Irene Emma Villamor.
May meet-cute sa umpisa ang characters nina Alden at Julia na sina sina Lance at Justice, pero mas dinalirot ang dissection ng relasyon ng couple — ang epekto ng kanilang pamilya, mga kaibigan, at kalagayan ng bansa.
Pagmamatuwid ni Julia, “Siguro I can say, challenging ito sa akin… Kasi, bigyan mo ako ng nanay role, bigyan mo ako ng asawa na ganito, asawa na ganyan… OK, e.
“Parang medyo nasanay na. Kasi coming from 16 years old, nag-play na ako na may asawa. Parang nakasanayan ko na po siya eventually.
“Pero ito kasi, parang magta-tackle ka sa relationship and love, medyo overwhelming for me.
“And challenging siya in a way, kasi hindi ko pa ito nagagawa, e. So, parang ako din personally, napu-push ako nung kung papaano ko siya gagawin.
“And nae-excite ako every time kung ano yung mangyayari for that specific moment. Kasi talagang… clueless ako.
“Hindi siya yung tipong pupunta ako sa set na parang, in a way, planado ka na, or alam mo na yung gagawin mo, kasi medyo sanay ka na.
“Ito talagang bago po lahat sa akin. So exciting! Talagang parang kasabay ko sa journey si Justine. Yun yung overwhelming feeling and happy ako sa project na ‘to.
“And proud ako sa project na ‘to!”
Right project ito para sa kanya…
“Yes! Super-yes! Kasi nung sinabi pa lang sa akin, medyo may moment… ganito akong tao, e.
“Pag may sinabi ka sa akin na kailangan kong pag-decide-an, kailangan ko pa yang pagnilay-nilayan, pagdasalan.
“Yung imo-moment ko pa na, ‘Tama ba ito? Lord, please give me a sign.’ May ganun pa ako, e.
“Pero ito, parang may feeling ako na hindi, eto yun. May ganun ako! Naniniwala talaga ako sa project.
“And with this team-up, sobrang tama na nag-yes ako!” bulalas ni Julia.
WHAT MADE ALDEN RICHARDS SAY YES TO THE PROJECT
Ang huling movie ni Alden ay ang Hello, Love, Goodbye (2019) with Kathryn Bernardo. Ito ang pinakamalaki ang kinita sa takilya sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino (hindi adjusted sa inflation).
Read: Is Hello, Love, Goodbye now the highest grossing Filipino movie of all time?
Ano naman ang ikina-excite ng Asia’s Multimedia Star sa movie project niya with Julia?
“Siguro, what I’m very excited about this film is yung mga scenes na gagawin ko na hindi ko pa nagawa,” sambit ni Alden.
“Na binigay ko yung trust ko kay Direk and Julia para sa project na to because ahhmm… how do I say this?
“Ang safe ko kasi with the roles that I’ve played. So, ayoko nang maging safe. It’s about time. I’m not getting any younger with roles.
“Kasi yung being not safe does not necessarily mean nag-o-all out. Being not safe anymore means break out of the usual. More open.
“Parang aalisin ko na yung sarili ko, kasi I’m really an actor by heart — na more than anything, more than businessman whatsoever et cetera.
“Ahhmm ito yung feeling kong gagawin ko for the longest time. Kasi parang I think Julia and I share the same sentiments na yung acting kasi sa akin, food for the soul, e.
“Parang masaya kami na nabibigyan namin ng buhay yung iba’t ibang kuwento ng tao sa mundo. I guess that’s the beauty of filmmaking, of doing projects for ahhh media is reliving moments of life in different projects that we make.
“So siguro isa yun. And of course grateful din po ako to my GMA family — Tito Joey [Abacan], Miss Annette [Gozon-Valdes], Miss Joy [Marcelo], and of course to Sir Erickson [Raymundo] and Miss Malou [Santos] for letting me be part of the production.
“My company Myriad is co-producing this film. So, yun din yung isang part na excited ako.”
Ang multimedia production company na Myriad ay kabahagi sa matagumpay na reunion concert ng Eraserheads, at sa Myriad Esports Cup.
