PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana on Voltes V: Legacy

In real life, she is six years older than one of her character's children.
by Rommel Gonzales
Published Apr 22, 2023
Carla Abellana with her son in Voltes V: Legacy, Miguel Tanfelix,  Raphael Landicho, Matt Lozano
Carla Abellana (L) with her sons in Voltes V: Legacy (Right photo, L-R) Miguel Tanfelix, Raphael Landicho, and Matt Lozano.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa pagganap ni Carla Abellana bilang Mary Ann Armstrong sa Voltes V: Legacy, tatlo ang kanyang anak—sina Steve, Big Bert, at Little Jon.

Hindi ba na-overwhelm si Carla sa kanyang mommy role lalo't sa tunay na buhay ay wala pa siyang anak?

During the Zoom pocket presscon for the anime series held on March 13, 2023, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at press si Carla.

Tumawa muna siya bago sumagot.

“Nakakatuwa, lalo na kasi iba-iba sila ng personalities, yung tatlong Armstrong boys, iba-iba ng special abilities or ng talents, kanya-kanya, iba-iba po.

“Medyo extremes, may isang napakakulit, may isang napakasobrang talino, may isa namang medyo matikas or yun bang very stern, very ano siya… serious, yung ganun, serious si Steve Armstrong.

“So iba-iba sila and nakakatuwa kasi tama lang yung blend. Tama lang actually yung combination of the three Armstrong boys and Mary Ann Armstrong, so hindi po ako nahirapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-enjoy pa nga raw ang 36-year-old actress dahil ka-vibes niya ang tatlong actors na sina Matt Lozano, 30; Miguel Tanfelix, 24; Raphael Landicho, 10.

“Siguro as a real-life Mary Ann Armstrong, kahit sino mahihirapan po sa ganung role. Pero ako sobrang na-enjoy ko po yun, talagang super favorite ko sila.

"And iba-iba din po kasi sila in real life, and I really enjoyed working with the three boys.

READ:

Voltes V: Legacy premiere, dinaluhan ng Kapuso stars; Direk Mark Reyes, naging emotional

Carla Abellana asked if she regrets getting married: “Yes… nagsisisi ako.”

thoughts on lock-in taping

Samantala, ilang beses nang naranasan ni Carla ang lock-in taping noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“Opo, pero kung tutuusin po, hindi ko na po naabutan yung lock-in sa Voltes V: Legacy.

“That was the time na medyo lumuwag na po yung restrictions in terms of sa production, sa taping."

Hindi rin daw siya required mag lock-in taping para sa kanyang bagong teleserye na Stolen Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito naman pong aking bagong teleserye na kasama po ako, yung Stolen Life, hindi na din po required ang lock-in, so back to ano na po kami… yung uwian na po.

“Uwian na po every taping day, so although mostly daily pa din ang taping, nakakauwi pa rin naman po kami sa mga bahay po namin gabi-gabi, and we have more than enough time to rest po in between taping days.”

Ano ang mas gusto ni Carla: ang lock-in or yung uwian na taping?

“Yung totoo po, parang mas wala pong problema sa akin yung lock-in. Mas ano po, parang napansin ko na, yes, may sacrifices po, medyo nakakalungkot na we’re away from our families ng medyo mahaba-haba pong length of time.

“Pero parang mas ano po, mas na-enjoy ko siya. Mas na-appreciate ko kasi mas na-observe ko po na mas efficient po ang lahat ng tao kumilos, mas may energy, mas may lakas, mas mabilis pong natatapos yung buong show.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi na po kailangan manghula sa takbo ng kuwento. Mas may time po na mailatag in terms of production yung mga eksena, kung anu-ano pong mga kukunan, kung saan-saan and yun nga po, mas mabilis pong natatapos.

“Kaya though mahirap po being away from our families, at least shorter span of time na lang naman po and worth naman po yung sakripisyo.”

Ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert, at Raphael Landicho bilang Little Jon.

Mapapanood rin sa Voltes V: Legacy sina Martin del Rosario bilang Prinsipe Zardoz, Liezel Lopez bilang Zandra, Gabby Eigenmann bilang Commander Robinson, Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, Epi Quizon bilang Zuhl, Albert Martinez bilang Dr. Richard Smith, Max Collins bilang Rosalia, Carlo Gonzales bilang Draco, at Dennis Trillo bilang Ned Armstrong, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa direksiyon ni Mark Reyes, ang Voltes V: Legacy ay magkakaroon ng isang special edit na Voltes V Legacy: The Cinematic Experience, kung saan ang unang tatlong linggo ng serye ay mapapanood sa SM Cinemas.

Maaring bumili ng ticket para sa Voltes V Legacy: The Cinematic Experience online, sa SM Cinema App, at sa mga SM Cinema ticket booths.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana (L) with her sons in Voltes V: Legacy (Right photo, L-R) Miguel Tanfelix, Raphael Landicho, and Matt Lozano.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results