Labis ang pasasalamat ni Sylvia Sanchez na nakikitang masaya ang kanyang anak na si Arjo Atayde sa piling ng fiancée na si Maine Mendoza.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged
Sa Instagram nitong Linggo, April 16, 2023, tila napa-senti si Sylvia nang ibahagi niya ang video nina Arjo at Maine habang nasa amusement ride.
Sa video, mapapanood ang dalawa na nakasakay sa roller coaster.
Halatang masaya at enjoy na enjoy si Arjo na napapasigaw pa habang si Maine naman ay chill at kalmado lang.
Ayon kay Sylvia, sa tuwing napapanood niya ang video ay bumabalik sa kanyang alaala ang mga panahong siya ang laging kasama ni Arjo sa mga amusement ride.
Mababasa sa caption ng award-winning actress (published as is), "Watching this brings back so many memories [laugh emoji]!
"Dati pag gusto mong mag roller coaster, ayaw mong sumakay mag isa, ako lagi ang niyayaya mo.
"Ganyan ka na bata palang.
"Wala pa ring pinagbago, sigaw at tawa ka pa rin hahaha."
Biro pa ni Sylvia, ngayon ay masaya na siya dahil sa wakas ay nakaligtas na siya sa mga pag-aaya ni Arjo dahil si Maine na ang kasa-kasama nito.
"Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo."
Read: Arjo Atayde finally introduces fiancée Maine Mendoza to his maternal grandmother
Sa huli, buong pusong nagpasalamat si Sylvia kay Maine sa pagiging "constant adventure buddy" nito sa kanyang anak.
Aniya, "Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy!
"Thank you, Maine [red heart emoji].
"My heart is full! Love you both [kiss emoji]."
Read: Arjo Atayde, fiancée Maine Mendoza celebrate 4th anniversary
ARJO-MAINE AND NETIZENS' REACTION
Sa comments section ng post ni Sylvia, bumuhos ang komento ng netizens na natuwa at naantig sa mensahe ng veteran actress kay Arjo at sa kanyang soon-to-be manugang.
Maging si Arjo ay napa-comment ng "Thank you ma!!! I love you more [red heart emoji]."
Gayundin si Maine na nagkomento ng red heart emojis.
Read: Arjo Atayde reacts to fake news about wedding of AlDub
Maraming netizens din ang nagsasabing suwerte ang Eat Bulaga! host na si Maine dahil mabait at suportado sila ng kanyang soon-to-be mother-in-law.
Saad ng former SexBomb member na si Sunshine Garcia," Awww apaka sweet na mother in law."
Hirit ng isang netizen, "Sana lahat ng mother inlaw ganito."
Sabi ni ng isa, "Maine is so blessed to have you as her mother in law, ms. Sylvs."
Saad pa ng isa, "Yung magkaroon ka lang ng ganitong mother in law, yung may mabuting puso nakaka blessed na talaga."
Read: Arjo Atayde defends fiancée Maine Mendoza from "suplada" tag of kababayan in Singapore
