Malinaw pa sa alaala ng Kapuso actor na si David Licauco ang kinasangkutang car accident, noong 2013, na itinuturing niyang "miracle" at "life-changing."
Labis man ang kanyang pasasalamat na binigyan siya ng isa pang pagkakataong mabuhay, hindi raw maalis kay David na sisihin ang sarili sa pagkamatay ng matalik niyang kaibigan.
Read: David Licauco recalls how his life changed after 2013 car accident
Sa panayam ni David sa YouTube vlog ng broadcaster na si Karen Davila nitong Huwebes, April 13, 2023, muli niyang inalala ang mistulang bangungot sa kanyang buhay.
Ayon sa Kapuso heartthrob, kasama niya ang kanyang high school friends nang mangyari ang aksidente na siyang kumitil sa buhay ng kanyang best friend.
"Magbabarkada kami, high school friends, and we decided to go to Tagaytay.
"Yung pag-uwi namin, na-hit namin yung gas truck sa SLEX [South Luzon Expressway].
"I was in the passenger seat in front.
"Parang miracle siya, kasi I remember, yung nagba-backing yung kotse sa Leslie's, di bayung parking boy usually nasa side nung driver? Pero for some reason, nandoon siya sa side ko.
"Sabi niya, 'Sir, seatbelt lang po, ha.' Pero natulog ako kasi I was very sleepy."
Nasa toll gate na raw nang magising si David at maisipang mag-seatbelt.
Pagpapatuloy niya, "Sa may toll gate, for some reason nagising ako bigla, and I remember what that parking boy told me.
"I did, nag-seatbealt ako. And, like, after ten minutes along sa may Parañaque, we hit the gas truck."
Tanong sa kanya ni Karen: "Anong nangyari sa mga kasamahan mo?"
Sagot ni David: "We were five, yung best friend ko namatay siya.
"He was my best friend. He was my neighbor and we grew up together.
"I always play basketball with him."
Inamin din ni David na sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng best friend niya.
Aniya, "Medyo sinisi ko rin yung sarili ko kasi, 'What if I didn’t sleep, what if sinamahan ko yung driver?'
"Puwede siyang maiwasan kung mas naging aware ako, kung mas naging wise ako in that situation."
Read: David Licauco almost quit showbiz before Maria Clara at Ibarra
DAVID'S REALIZATION AFTER THE ACCIDENT
Matapos ang aksidente, mas lalo raw pinahalagahan ni David ang pangalawang buhay na ibinigay sa kanya.
Sabi niya, "Marami akong realization noong na-bedridden ako. Parang na-realize ko yung importance of life.
"Mas minahal ko yung sarili ko, mas minahal ko yung friends ko and family because you never know like life is lent to us."
Naniniwala rin ang Kapuso actor na naligtas siya dahil sa kagustuhan ng Diyos at sa purpose pa niyang maging inspirasyon sa iba.
"God is really amazing, so I'm just so happy.
"Nung time na yon, mas naging thankful lang ako, mas pinapasalamatan ko si God. Kasi kung hindi dahil sa Kanya, baka wala na ako ngayon, e.
"I also thanked Him na parang meron pa akong purpose—maybe kaya ako hindi pa kinuha ni Lord is because I have a purpose pa in life."
Sundot na tanong ni Karen, "Palagay mo, what's your purpose?"
Sagot ni David, "I'd like to think na I wanna serve as an inspiration to the youth, to my fans, friends, and family."
