Katakut-takot na pamba-bash ang tinanggap ni Kira Balinger, 22, mula nang masangkot sa isyung third party dahil kay Kelvin Miranda, 24.
Isinapubliko ng non-showbiz girlfriend ni Kelvin na nagngangalang Roselle ang diumano'y pagtataksil sa kanya ng Kapuso actor at ni Kira.
Ipinost ni Roselle sa social media ang screenshots ng palitan ng mensahe nina Kelvin at Kira noong January 2023.
Sa presscon ng Kuya J Restaurant noong March 27, 2023, muling nilinaw ni Kira na hindi siya third party sa hiwalayang Kelvin at ng girlfriend nito.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kira kung may komunikasyon pa ba sila sa ngayon ni Kelvin at kung paano niya hina-handle ang kabi-kabilang pamba-bash mula sa netizens na nakisawsaw sa isyu.
"No comment, ayoko nang pag-usapan. I've said my part na, okay na ako," pag-iwas ni Kira.
Mas mabuting i-block na raw niya agad para huwag nang maging isyu. Ayaw na raw niyang pag-aksayahan ng panahon iyon.
Saad niya, "Naapektuhan? Hindi, honestly, kung tutuusin, kung tatanggalin ang cellphone ko, social media, wala talagang problema.
"I'm so blessed, I have so many projects. I have a house, car, food on my table, clothes...
"And just to be here in this event, sobrang daming blessings.
"Bakit ko papansinin ang mga hindi importante?"
Para kay Kira, ang matagal na niyang pangarap maging isang aktres ang dahilan kung bakit kinakaya niya ang pambabatikos mula sa iba.
"I just go back to the reason why I do it all—for my family.
"Dream ko naman talaga ito na maging artista and being an actress. I don't like saying being artista, actress talaga.
"I love being in front of the camera, I love being somebody else, experiencing mga problema din nila sa buhay or kung anuman.
"All of those roles, iba-iba rin ang itinuturo nun sa akin about life."
Ayon din sa Kapamilya actress, sanay siyang balewalain ang mga masasakit na sinasabi sa kanya ng ibang tao.
Liban na lang daw sa ganitong sitwasyon: "Pag below the belt siguro, pag involved ang family, hayun."
Read: Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."
IS KIRA DATING someone new?
Nang tanungin ng PEP.ph kung nakikipag-date o may boyfriend ba siya ngayon, tikom ang bibig ni Kira tungkol dito.
"No comment. I think my private life should stay private. Kasi yung mga tao ngayon, when they know about something, gusto nilang sirain.
"If you have something beautiful, you take care of it.
"I mean, I work in the entertainment industry, we all do, pero you know, tao lang din kami, behind the cameras we still have a life.
"And that life, kailangang protektahan namin and yung mga tao na nandun behind those cameras," paliwanag ng aktres.
UPCOMING PROJECT
Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Kira ang pelikulang Maple Leaf Dreams na pagtatambalan nila ni LA Santos.
"Actually, I'm on a break period right now after Darna. But I do have an upcoming movie with LA Santos which will be shot in Canada. Pero wala pa kaming shooting.
"Sobrang naha-happy ako kasi kami ni LA sobrang magtropa kami umpisa ng Ang Sa Iyo Ay Akin tapos Darna, tapos now we have a movie.
"Parang, it's just nice to work with someone na kilala ko na, na may tiwala na ako.
"Si LA, sobrang kalog, there's no dull moment with him, so yun."
Umaasa si Kira na maging maganda ang output ng trabaho nila ni LA.
"I hope that they will give us a chance. Hindi naman kami sobrang sikat or anything, pero management believes in us.
"Sobrang grateful kami na may ganun, that management sees potential sa aming dalawa, so gagalingan namin," sabi niya.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
