PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes Dominates 2023 MMFF Awards

Gladys Reyes wins her first best actress trophy.
by Jerry Olea
Published Apr 12, 2023
gladys reyes mmff gabi ng parangal
Gladys Reyes wins her first-ever best actress trophy for her performance in Apag at the 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: Sany Chua

Nag-best actress si Judy Ann Santos sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 film na Mindanao, na idinirek si Brillante Mendoza.

Read: And the winners of MMFF 2019 are...

Sa 1st Summer MMFF, ang best actress ay si Gladys Reyes para sa Apag na si Brillante Mendoza rin ang direktor. Hindi nagpakabog si Gladys kay Juday!

Read: 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal: Romnick Sarmenta and Gladys Reyes win top acting honors

“Kailangan talaga, ganito, Mara Clara?! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Gladys sa entablado ng New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, matapos ang awards ceremony nitong Abril 11, Martes.

Sina Juday at Gladys ang title rolers sa orig na TV drama series na Mara Clara (1992-1997).

Dalawa ang awards ng Apag sa 1st Summer MMFF — best actress at best original theme song (walang kalaban). Ang isa pang nominasyon ng Apag ay sa kategoryang best float.

“At least naman, may nakuha ang Apag through me… and forever grateful ako kay Direk Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Imagine, siya ang nag-rebrand talaga sa akin. Gustung-gusto ko yung word na ‘rebrand’! Ha! Ha! Ha!”

Read: Lito Lapid, Julio Diaz, Gladys Reyes balik-pelikula sa Apag ni Brillante Mendoza

Ini-reveal ni Direk Brillante na nauna si Gladys kesa kay Juday na mag-request sa kanyang kuning artista. Pero nauna nga si Juday…

Nakangiting bulalas ni Gladys, “E, kasi nga, cabalen. Cabalen siya, nagge-guest siya sa Moments. Nag-usap kaming Kapampangan.

“Sabi ko, ‘Direk, dapat naman magkasama tayo…’ Nagulat ako nung nalaman kong may Mindanao, hindi pa rin ako yun?

“Pero mas bagay sa akin itong Apag. Kapampangan ako. At siyempre, dedicated sa mga Kapampangan.”

First best actress ito ni Gladys sa pelikula. Nag-best supporting actress siya sa Gawad Urian para sa Magkakabaung (2014) na isinulat at idinirek ng Kapampangang si Jason Paul Laxamana.

Title role sa Magkakabaung si Allen Dizon, na gumanap bilang asawa ni Juday sa Mindanao.

“Gaya ng Apag, Kapampangan film ang Magkakabaung. So, may suwerte ako sa Kapampangan film,” saad ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya lang alangan namang laging Kapampangan?!”

GLADYS VS TWO PADILLAS

Dalawang Padilla ang katunggali ni Gladys sa kategoryang best actress: sina Kylie Padilla (Unravel: A Swiss Side Love Story) at Bela Padilla (Yung Libro Sa Napanood Ko).

Read: 2023 Summer MMFF nominees: About Us But Not About Us, Here Comes The Groom, Love You Long Time nominated for Best Picture

“Sinandwich ako ng Padilla!” sambit ni Gladys, na ibinahagi kina Kylie at Bela ang trophy sa kanyang acceptance speech.

“Una talaga, inisip ko — napanood ko yung movies nila pareho, e — sabi ko, ‘Ay! Iba rin yung galing ng Kylie! Iba rin yung galing ng Bela!’

“So, talaga kanina, wala na akong in-expect. Nung una nga, kinakabahan ako, baka hindi ako ma-nominate, e, nung hindi pa lumalabas ang pangalan ko sa listahan ng nominees.

“Wala ako sa best supporting, sabi ko! Wala ako sa best supporting. Andoon pa kaya ako sa best actress?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi siyempre, hindi malinaw sa akin kung ang category ko ba ay best actress o best supporting, di ba?

“Pero gayon pa man… huuuh! Huuuhhh! Huuuuuhhhh!”

Rebranded na talaga siya as a best actress.

Tumikwas nang slight ang kilay ni Gladys, “Rebranded with an award! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Mas mataas na ang talent fee niya?!

“Nay Lolit [Solis, Gladys' manager], ewan ko lang. Ha! Ha! Ha! Ha! Sana naman po, dahil apat po ang anak ko. Baka puwede naman. Ha! Ha! Ha!” paghalakhak muli ni Gladys.

“Pero pinakamasaya ako dahil may one hundred thousand.”

P100,000 ang kaakibat na cash prize para sa best actress. Napo-forfeit iyon kapag hindi um-attend ang winner.

“At hindi ko ine-expect, may pa-havs, di ba?!” sabi ni Gladys.

“Hindi ko rin nabanggit kanina, paulit-ulit kong sinasabi.

“Alam niyo, yung mga kaibigan ko sa press, members of the press… anlaking bagay na mina-mindset nila yung jury?! Ha! Ha! Ha! Ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Feeling ko, ang laking bagay na nagandahan ang press people sa aking ipinakita, di ba? Na wino-word of mouth nila, sinusulat nila.

“Kasi, kung ako siyempre… parang biased ka naman sa sarili mo kung parang nagalingan ka sa sarili mo, di ba?!

“Pero galing sa inyo, e, siyempre parang doon ka lang… ‘Ay! Talaga?!’ Ganun.”

DOLLY DE LEON AS JURY HEAD

Ang head ng jury sa 1st Summer MMFF ay si Dolly de Leon.

Medyo napamulagat si Gladys, “Ayun na nga! Miss Dolly de Leon! Na sabi nga… ‘Wow! Talagang nilaban ka ni Miss Dolly, ganyan-ganyan!’

“Alam ko naman, very tight talaga yung ano namin. Sa totoo lang, wala na talaga dapat akong balak na um-attend.

“Wala akong balak um-attend pero nakabagong outfit?! Ha! Ha! Ha!

“Sabi kasi ni Moises [Fernande], yung TC [talent coordinator], ‘Mag-present ka naman! Ilalagay kita sa category na main ano…’

“Kaya sabi ko, ‘Okay.’ Kasi sayang naman, ginawan na ako ng damit ng sponsor ko… para mai-showcase ko. Sige, red carpet! Saka presentor ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kung a-attend lang ako na nakatungangey lang ako diyan, wah na, hindi na ako pupunta sana.

“Buti pala, um-attend ako!!! Kasi, nanghinayang ako kay Keempee, ha?!”

Si Keempee ang tinanghal na best supporting actor para sa Here Comes The Groom. Hindi naka-attend si Keempee dahil sa back pain. Forfeited ang kanyang cash prize.

Noong una ay OK lang daw kay Gladys na hindi manalo dahil magagaling ang dalawang kalaban niya.

“Nung nakita ko na may P100,000, ay! Teka lang! Naging competitive ako! Kaya gusto ko sanang lapitan si Miss Dolly, ‘Miss Dolly, ako ba yun?! Baka naman?! Miss Dolly, ibigay mo na sa akin. Apat yung anak ko, e!’” pagbibiro pa ng premyadong aktres.

gladys reyes dolly de leon mmff gabi ng parangal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gladys Reyes with Dolly de Leon

ONLY THREE NOMINATIONS FOR APAG

Dahil tatlo lamang ang nominasyon ng Apag, hindi na um-attend ang ibang taga-produksyon.

“Iyon na nga, sobra namang kawawa ang Apag kung hindi pa ako pumunta, di ba?” hirit ni Gladys.

“Andiyan ang ibang staff namin. Si Direk Brillante, may sakit, sa totoo lang. Ka-message ko siya, e. Sabi ko nga, ‘Get well soon po.’

“Sabi niya sa akin, ‘Best actress ka!’ Parang dine-declare na niya sa akin. Siyempre, ako naman, love your own, e.”

Sa presscon noon ng Apag, sinabihan siya ng co-star na si Jaclyn Jose na magpagawa na ng gown….

“Kaya love na love ko si Ate Jane, e! Pero hindi nga gown. Kasi, summer daw, e. So cocktail dress.”

Bakit hindi siya sinamahan ng asawa niyang si Christopher Roxas?

“Hindi. Si Christopher kasi, sinasabi niya, yung kaba niya, alam mo yun… at alam niyong mahiyain si Christopher,” salaysay ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung kaba niya yung, ‘Kaya mo na yan! Pero bebe, alam kong mananalo ka!’

“Ako naman, hindi! Win or lose, sabi ko, basta pupunta ako dun. Magpapaganda ako at ano. Bahala na, di ba?

“Pero nung lumabas ang pangalan ko sa best actress nominees na tatlo kami, dun pa lang, sobrang natuwa ako.

“Kasi kinakabahan nga ako nung hindi ko pa nakikita yung pangalan ko Parang… sila [press people] lang yata ang nagagalingan sa akin. Hindi yata nagagalingan ang jury.

“Wala naman ang pangalan ko sa supporting, sabi kong ganun.”

gladys reyes christopher roxas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON WORKING WITH JUDY ANN AND ROMNICK

Sana, magkatrabaho muli sila ni Juday sa pelikula…

“Sana. But I also wish to work with Kuya Nicko, with Romnick Sarmenta,” pakli ni Gladys.

Si Romnick ang best actor sa 1st Summer MMFF para sa About Us But Not About Us na idinirek ni Jun Robles Lana.

Pagpapatuloy ni Gladys, “Kanina, I was talking to Direk Jun Lana. Siyempre, beybi-baby rin ako niyan, Barber’s Tales [2013], mga ginawa namin dati.

“So sabi ko, ‘Sana we can work together,’ because siyempre, ang galing-galing naman ni Kuya Nicko. Kuya ko talaga siya, isa sa mga kuya ko sa industriya. Keempee and Romnick. Sila ang naabutan ko.”

Hindi na matandaan ni Gladys kung saang short series sila nagkatrabaho noon ni Romnick.

Pagbubunyag pa ni Gladys, “Bata pa ako tapos siyempre, siya ang childhood crush ko, di ba? Sila ni Keempee, ganyan. Aside from Gabby Concepcion.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes wins her first-ever best actress trophy for her performance in Apag at the 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results