PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What happened to the children of murdered domestic helper Delia Maga?

Delia Maga children says there's still no justice for their mother's death.
by Jojo Gabinete
Published Apr 7, 2023
delia maga  children
Ronald (left) and Roldan (right) Maga recall the tragic death of their mother, domestic helper Delia Maga, in May 1991. Roldan says, "Hindi pa nagkakaroon ng hustiya ang pagkamatay ng nanay namin. Nagamit lang ng mga pulitiko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / File

Pagsasaka at pangingisda sa kanilang bayan sa Victoria, Laguna ang mga ikinabubuhay nina Roldan, 46, at Ronald, 43, ang dalawa sa tatlong anak ni Delia Maga.

Si Delia ang domestic helper na pinatay sa Singapore, sa edad na 35, noong May 4, 1991.

Kontrobersiyal ang kaso ng pagkamatay ni Delia dahil may dalawang bersiyon ang kuwento.

Una, ang Singaporean employer ni Delia na si Wong Sing Keong ang pumatay sa kanya.

Pangalawa, ang kapwa Pilipino at domestic helper na si Flor Contemplacion ang may kagagawan ng krimen dahil, diumano, may lihim itong inggit kay Delia.

Read: Flor Contemplacion's daughter remembers executed domestic helper on her 28th death anniversary

Huwebes Santo, April 6, 2023, nang puntahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sina Roldan at Ronald sa kanilang tahanan sa Barangay San Benito, Victoria, Laguna para makapanayam tungkol sa kasindak-sindak na pagpanaw ng kanilang ina sa Singapore, tatlumpu't dalawang (32) taon na ang nakalilipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahalagang malaman ng publiko ang panig ng mga naulila ni Delia dahil ang pagkamatay niya ang naging dahilan para ituring si Flor bilang bagong bayani sa kabila ng mga masalimuot na kuwento, pinagdududahang resulta ng imbestigasyon at testimonya ng mga saksi.

Masakit na katotohanan ang ipinagtapat ng magkapatid Roldan at Ronald na naungkat at napag-usapan lamang noong 1995 ang pagpatay sa kanilang ina noong May 4, 1991 dahil sa bitay na hatol ng korte ng Singapore kay Flor, ang pangunahing suspek sa krimen na pinag-usapan sa buong mundo.

Ang ama nina Roldan at Ronald na si Conrado ang nakakaalam sa buong detalye ng mga naganap mula noong May 1991 hanggang sa araw na bitayin si Flor noong March 17, 1995.

Pero pumanaw na si Conrado noong June 4, 2017 dahil sa asthma.

conrado maga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Conrado Maga

“Mabait at napakasipag po ng nanay namin,” sabi ni Roldan, na 14 years old lamang nang mamatay si Delia.

Dahil siya ang panganay, siya ang higit na nakakaalala sa nakaraan.

Pagpapatuloy ni Roldan, “Ang nanay po namin, tubong-Tarlac pero dito [Victoria] na sila nagkakilala ng tatay namin.

“Apat na taon na po siyang nagtatrabaho sa Singapore nang mangyari ang pagpatay sa kanya."

Ayon kay Roldan, uuwi na dapat ang kanyang ina noong May 5, 1991, ngunit pinatay siya isang araw bago ito, noong May 4, 1991.

Lahad pa niya, “Ang kapatid niya na tiyo po namin ang tinawagan ng kanyang employer na pinatay nga po raw ang nanay namin.

“Yung tiyo po namin ang dapat na susundo sa kanya sa airport noong May 5. Excited pa naman po kami sa pagdating niya.

"Pero May 15, 1991 nang dumating sa Pilipinas ang kanyang bangkay at ibinurol siya dito sa bahay namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang sabi po sa amin, huwag nang galawin ang kanyang bangkay dahil bago naman ang damit na suot niya."

Habang dinumog ng mga tao at maging ng mga personalidad at pulitiko ang burol ni Flor nang iuwi ang mga labi nito noong March 1995, sinabi ni Roldan na walang mga pulitiko na nakiramay noon sa kanilang pamilya.

Habang nagsasalita si Roldan ay tahimik lamang na nakikinig si Ronald, na labing-isang taon ang edad nang maulila ni Delia.

roldan and ronald maga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ronald (left) and Roldan (right) Maga

MEETING FLOR CONTEMPLACION

Hindi pa uso noong dekada '80 at '90 ang mga cell phone kaya maliban sa mga recorded voice tape, walang ibang komunikasyon kay Delia ang kanyang asawa at tatlong anak.

Pero malinaw sa alaala nina Roldan at Ronald na nakilala nila nang personal si Flor Contemplacion, na naging kaibigan daw ng kanilang ina.

Salaysay ni Roldan, “Yung Flor na yon, nakarating na rin po dito. Nakita ko po siya kasi po yung mga tiyahin namin, nagtrabaho at nanggaling din sa Singapore.

“Naging magkaibigan po sila ng nanay namin kasi ang daming tagarito po na nanggaling sa Singapore.

“Ang mga tiyahin po namin, nagtrabaho rin sa Singapore kaya nakapunta rin po roon ang nanay namin.

“Hindi na namin nakausap ang nanay namin bago siya umuwi sa Pilipinas. Hindi pa uso ang cell phone noon. Kalimitan po yung voice tape niya ang ipinapadala sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa imbestigasyon ng Singapore Police, natuklasan nilang si Flor ang pumatay kay Delia dahil sa mga nakasulat sa diary ng nasawi.

Si Flor din ang pinaghinalaang pumatay kay Nicholas Huang, ang three-year-old boy na alaga ni Delia at anak ni Wong Sing Keong, ang employer ni Delia.

Namatay si Nicholas sa pamamagitan ng pagkalunod sa isang kulay pula na balde na puno ng tubig.

Nang dakpin si Flor, inamin niyang siya ang may kagagawan ng krimen.

Pero nagkaroon ng ibang anggulo ang kuwento dahil sa paglantad ni Virginia Parumog.

Si Virginia ang kababayan nating nakulong sa Changi Women’s Prison and Rehabilitation Center, at nagkasama sila ni Flor sa selda.

Inilahad ni Virginia sa sinumpaan nitong salaysay na napilitan lamang si Flor na akuin ang kasalanan. Bukod sa pinahirapan umano si Flor, may ipinaiinom din sa kanyang gamot ang mga imbestigador kaya parang wala siya sa sarili sa tuwing bumabalik sa kulungan pagkatapos ng interogasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binalewala ng Singapore Police ang testimonya ni Virginia, pati na ang kuwento nitong ipinagtapat sa kanya ni Flor na ang amo ni Delia ang tunay na salarin.

Diumano, nagdilim ang paningin, sinakal, at napatay ni Wong Sing Keong si Delia dahil napabayaan nito ang kanyang epileptic na anak na nalunod sa timba ng tubig.

FLOR CONTEMPLACION'S WAKE

Sa interbyu ng PEP.ph sa anak ni Flor na si Russel Contemplacion noong March 17, 2023, sinabi niyang nakiramay si Conrado at ang mga anak nito sa kanilang pamilya nang iuwi sa bahay nila sa San Pablo City Laguna mula sa Singapore ang bangkay ng kanyang ina noong March 1995.

“Kahit naman po mismo yung asawa ni Delia Maga, sinasabi niyang naniniwala siya na walang kasalanan si Mama.

“Saka nung nakita niya yung bangkay ng asawa niya, sinabi niya na hindi kayang gawin ng isang babae ang sinapit ng asawa niya,” lahad ni Russel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The sad plight of Flor Contemplacion's children after her execution in 1995

Kinumpirma nina Roldan at Ronald na totoo ang kuwento ni Russel na nagpunta sila ng kanilang ama sa San Pablo City para makiramay.

Pero hindi gaya ng kanilang ama, naniniwala ang magkapatid na si Flor ang tunay na pumatay sa nanay nila.

“Pare-pareho naming hindi alam ang tunay na nangyari. Pero yung nanay po namin, may kaibigan na nagpunta rito at sinabi niya na si Flor talaga ang pumatay sa nanay namin.

“Tomboyin po si Flor, malaking babae siya. Ang nanay po namin, maliit lang,” sabi pa nina Roldan at Ronald.

Nakita raw ng magkapatid nang personal si Flor nang bumisita ito sa tahanan nila sa Victoria, Laguna.

Sabi ni Roldan, “Hindi na po namin nakita ang diary ng nanay namin. Ang huli po naming nakita yung mga picture ng nanay namin.

"Siya ay sinakal, may tali sa leeg at nakagapos po. Basag din po yung bungo niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ronald, walang mga pulitiko na pumansin sa kaso ng nanay nila noong 1991, pero may mga madre na Singaporean ang tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera.

“Pinadadalhan po nila kami ng P1,500 buwan-buwan.

“Ilang taon din po na tumagal yon. Bata pa kasi kami noon kaya hindi ko alam kung gaano katagal.”

DELIA MAGA MOVIE

Ang ingay na nilikha ng pagbitay kay Flor noong March 1995 ang nag-udyok sa Regal Films at Golden Lions Films na isalin sa pelikula ang kuwento ng buhay ni Delia Maga.

Si Gina Alajar ang gumanap na Delia, samantalang binigyang-buhay ni Joel Torre ang karakter ni Conrado.

Si Carlo J. Caparas ang direktor ng proyekto na may pamagat na Victim No.1 : Delia Maga (Jesus, Pray For Us) at ipinalabas sa mga sinehan noong May 17, 1995.

delia maga movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Caparas sa kanyang proyekto ang aktuwal na eksena ng paghukay sa bangkay ni Delia dahil muli itong sumailalim sa autopsy.

Isinama ni Carlo sa pelikula ang mga larawan ni Delia nang bigtiin ito sa leeg ng salarin na magpapaalaala sa lahat na pinatay rin si Flor sa pamamagitan ng pagbigti sa kanya.

Nang umalis si Delia sa Pilipinas para magtrabaho sa Singapore noong 1987, gawa sa sawali ang tahanan nila sa Victoria, Laguna.

Pero naging kongkreto ang kanilang maliit na bahay dahil sa perang ibinayad ng mga producer para sa story rights ng pelikula na malinaw na mapapanood ang kabuuan sa YouTube Channel ng Regal Entertainment, Inc.

delia maga's house

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggap din ng tulong pinansiyal ang Maga family mula kay dating PCSO Chair Manoling Morato.

Ayon kay Roldan, “Nag-shooting po sa Liliw, Laguna at Bulacan ang mga artista. Dun po kinunan yung mga eksena.

“Napanood po namin yung pelikula, lumuwas kami at dumalo sa premiere night."

Kumbinsido si Roldan na hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang pagpatay sa kanyang ina.

Himutok niya, “Epekto po ng pulitika kaya parang si Flor ang lumabas na biktima.

“Hindi pa nagkakaroon ng hustiya ang pagkamatay ng nanay namin. Nagamit lang ng mga pulitiko.

“Wala pong nakiramay noong 1991, pero nung pumutok po ang balita noong 1995 na bibitayin si Flor, marami na po ang lumapit na pulitiko. Napansin na po nila kami.”

May panawagan ba sila sa pamahalaan?

“Wala po. Maayos at tahimik na po ang buhay namin,” matibay na pananalita ni Roldan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronald (left) and Roldan (right) Maga recall the tragic death of their mother, domestic helper Delia Maga, in May 1991. Roldan says, "Hindi pa nagkakaroon ng hustiya ang pagkamatay ng nanay namin. Nagamit lang ng mga pulitiko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results