Naayos na ba ang problema sa pagsasama ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles?
Ito ang tanong ng publiko matapos makita ang Instagram post ng aktor ngayong Biyernes Santo, April 7, 2023.
Nagbahagi si John ng dalawang intimate photos nila ng misis na si Priscilla.
Sa isang larawan ay makikitang hinalikan ni John sa pisngi ang asawa na nakapikit ang mga mata, samantalang sa isa naman ay nakatingin silang dalawa sa camera na nakangiti.
Tila nakahiga sa kama ang mag-asawa nang kunan ang mga larawan.
Sa caption, sinabi ni John na si Priscilla lamang ang kanyang “one and only Queen.”
Ang hashtags din ng kanyang post ay tumutukoy sa masayang pagsasama nila.
Buong caption ni John, “The love of my life, my wife, my one and only Queen.
#happytogether #j [heart emoji] p #naturalbeauty #happywifehappylife”
View this post on Instagram
MARRIAGE ON THE ROCKS?
Ang post na ito ni John ang tila kasagutan niya sa lumabas na isyu na may problema sa pagsasama nila ni Priscilla.
Natunugan ng publiko na may problema sa pagsasama nina Priscilla at John dahil sa makahulugang posts ng Brazilian beauty queen sa kanyang Instagram Story bago matapos ang buwan ng Marso.
Malinaw na may kinalaman sa isyung third party ang mensaheng nais iparating ni Priscilla.
Lalo pa itong umingay dahil sa inilunsad niyang poll question sa Instagram Story.
Ang poll question: What to call a female that entertains married man?
Read: Why is Priscilla Meirelles asking what to call a woman who entertains a married guy?
Kasunod nito ang pagkalat ng screenshots ng alleged convo ni Priscilla kay Chiyo dela Vega, isang internet star mula Cebu, noong March 30, 2023.
Ayon sa netizens, si Chiyo mismo ang nag-post ng Viber conversation nila ni Priscilla pero binura rin umano niya ito kaagad.
Yun nga lang, na-screenshot na ng ibang netizens ang ipinost ni Chiyo at ito ang kumalat sa social media.
Mababasang caption ni Chiyo, sa wikang Bisaya, sa burado na niyang post: “hoy ante abe nakog okay nata…. igo ramn ko nitilaw gd kaisa rajd very light rajd kaayu to ay wala nako muusab kay way lami”
Ito ang Tagalog translation: “hoy auntie, akala ko okay na tayo… tumikim lang ako isang beses, very light nga lang, hindi na ako umulit kasi hindi masarap”
Sa isang screenshot, sinabi ng babae na nakilala niya si John sa isang event sa Cebu at itinanggi nitong nag-uusap sila sa Viber.
Mariin ding pinabulaanan ng babae na nag-uusap sila ni John. Hiningi lang daw ng aktor ang kanyang numero para sa isang event, pero hindi na umano sila nag-usap pagkatapos.
March 31, 2023 nang kumpirmahin ni Priscilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may pinagdadaanan ang pagsasama nila ni John.
Bahagi ng mensahe niya: “I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons.
“And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako.”
Read: Priscilla Meirelles confirms marital problems with John Estrada: “Napuno na ako.”
Hanggang ngayon ay hindi pa nagpapaunlak ng panayam si Chiyo kahit makailang beses na siyang kinontak ng PEP.ph para sa kanyang panig ukol sa isyu.
