PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Family of 5 in Pozorrubio, Pangasinan dies in fire

Na-overcharged na e-bike ang sinasabing sanhi ng sunog
by KC Cordero
Published Apr 4, 2023
Scene of fire
Nakikidalamhati ang netizens sa mga naiwan ng pamilyang naging biktima ng sunog sa Pozorrubio, Pangasinan. Hinihinalang ang pinagmulan ng sunog ay ang na-overcharged na electronic bike.

Bumuhos ang pakikidalamhati ng netizens sa mag-anak na nasawi dahil sa sunog na naganap sa Poblacion, District IV, Pozorrubio, Pangasinan noong madaling-araw ng April 3, 2023.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal ng higit dalawang oras bago idineklarang fire out.

Sa ulat ni Senior Fire Officer IV Randy Fabro, ang acting municipal fire marshal ng Bureau of Fire Protection Pozorrubio, nakilala ang mag-asawang nasawi na sina Mark at Dixie Villanueva.

Ang higit na nakalulunos, nasawi rin tatlong anak ng mag-asawa na ang mga edad ay anim, tatlo at isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay SF04 Fabro, magkakayakap ang pamilya nang kanilang matagpuan.

Na-trap sila sa attic ng kanilang tahanan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sa garahe ng bahay ng mag-asawa nagmula ang apoy.

Hinihinalang sa electronic bike na itsina-charge at hindi nabunot mula sa saksakan ang naging sanhi ng sunog.

Read also: Interested na maging bumbero? Magkano suweldo?

Dahil sa insidente, ilang netizens ang nagpaalala sa mga may e-bike na hindi ito dapat iniiwan habang itsina-charge.

Heto ang ilan sa mga komento sa post ng Facebook page na Leknaan Ya Pozorubio, Inc.

Ayon kay Ma. Luisa Onodro na nakabase sa Singapore, delikado talaga ang e-bike dahil may pagkakataong nag-o-overheat ito.

May insidente aniya na isinakay ng may-ari ang e-bike nito sa elevator, ilang minuto lang ay sumabog na.

Pagbabahagi naman ni Nona Rose Tolentino, hindi niya hinahayaang unattended ang pagtsa-charge niya ng kanyang e-bike, at hindi rin niya ino-overcharge.

Aniya, "Nakalagay naman iyan sa manual na 30 minutes lang after the green light that indicates full charge ang allowance na dapat ma-unplug na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: New teacher loses mom the day before oathtaking: 'Nauna pang isabit ang tarpaulin mo sa funeral'

Anni Jeffrey Baciles Oliveria Decena, “Maging aware tayo sa mga appliances na hindi ginagamit, pero naka-plug in pa rin.

“Maski charger ng cellphone na hindi ginagamit, unplug natin para sa safety ng ating pamilya.”

Dagdag pa niya, ugaliing i-check lahat ng appliances sa bahay kung maayos pa ang cord lalo na kung my kalumaan na ito.

Payo pa niya, “Sa mga bahay na walang fire escape, paglaanan po natin ng kaunti para na rin sa ating kapakanan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakikidalamhati ang netizens sa mga naiwan ng pamilyang naging biktima ng sunog sa Pozorrubio, Pangasinan. Hinihinalang ang pinagmulan ng sunog ay ang na-overcharged na electronic bike.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results