PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chito Miranda apologizes for refusing selfie at NAIA

Chito: "Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 4, 2023
Chito Miranda issues apologizes over NAIA incident with fans
Chito Miranda of Parokya ni Edgar humbly issues public apology to his fans: "Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture pag lapag natin sa NAIA..."
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram

Humingi ng paumanhin ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa mga fans na nabigong makapagpakuha ng larawan kasama siya.

Sa Instagram nitong Lunes, April 3, 2023, ipinost ni Chito ang screenshot ng kanyang tweet kung saan ipinaliwanag nito kung bakit hindi niya nagawang pagbigyan ang fans na humingi raw ng pabor na makapagpa-picture sa kanya.

Mababasa sa kanyang tweet: "Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture pag lapag natin sa NAIA [Ninoy Aquino International Airport]."

Galing si Chito sa U.S tour ng bandang Parokya ni Edgar kasama ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa singer, naging "aligaga" sila ng asawang si Neri Naig dahil kasama nila ang tatlo nilang anak — sina Pia, Miggy, Cash.

Marami rin daw silang dalang gamit na kailangang asikasuhin kaya't hindi na niya nagawang pagbigyan ang kanyang fans.

"Medyo aligaga lang kami ni Neri kasi tulog si Cash at ang dami namin kelangang asikasuhin, bitbitin na gamit, along with pag-alaga kay Miggy and Ate Pia," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHITO FAN'S REACT

Sa comments section ng IG post ni Chito, inihayag ng ilan sa kanyang fans at followers na nauunawaan nila ang sitwasyon ng singer na dapat unahin ang kanyang pamilya.

Marami rin ang bumilib sa inasal ng singer dahil sa agaran nitong paghingi ng dispensa sa fans, lalo na't makailang beses nang may naiisyung celebrities na hindi pumapansin sa kanilang fans habang sila ay nasa pampublikong lugar.

Read: Kim Atienza reacts to Choco Mucho volleyball team fans snub

Read: Choco Mucho Flying Titans management issues statement about Deanna Wong, other players alleged snubbing incident

Komento ng isang fan: "Oh! no need to say sorry. If meron ako nakikitang artista na kasabay sa flight or hotel, I always respect their personal space. They deserve it. Tao lang din kayo. God bless you."

Saad pa ng isa: "Chito always remains humble af! Mann [I] wish everyone is like you. Idol talaga!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng isa: "Hindi naman talaga need mag sorry, inunahan lang ni sir Chito dahil sa naglipana ang mga pa-woke at cancel culture na walang basis. Personal space at tao lang din sila katulad natin."

Komento ng isa: "So humble of you. You still manage your apologies that you don't owe to? I salute you for all your humbleness. Now me and all people here should learn what is being a level headed. I have worked with a lot of people, but you are one of my greatest admires."

Kung mayroong nakakaunawa ay mayroon din namang nagtaas ng kilay at kumukuwestiyon sa ilang segundong puwede umanong ibigay ni Chito para pagbigyan ang kanyang fans.

Comment ng isang netizen, "It just takes a second! Why not?"

Agad naman itong nireplayan ni Chito.

Paliwanag niya, "Kasi po sobrang dami naming bitbit na gamit (gamit namin, gamit ng mga bata, stroller, baby bag, si Cash, etc...) tapos yung 1 second na po na yun, magmu-multiply po since madami po yung gustong magpa-picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko naman po paghintayin family ko kasi hindi naman po convenient at comfortable yung area."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chito Miranda of Parokya ni Edgar humbly issues public apology to his fans: "Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture pag lapag natin sa NAIA..."
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results