Ikinagulat ni Lianne Valentin ang tanong sa kanya ni Carmina Villarroel.
Nag-guest si Lianne sa Kapuso morning show na Sarap, ‘Di Ba? nitong April 1, 2023, kung saan host si Carmina at ang kambal niyang anak na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi.
Parte ng naturang show ang cooking segment kung saan ipinamalas ni Lianne ang talento niya sa pagluluto kasama ang komedyanteng si Boobay.
Sa una ay kalmado pa si Lianne habang inihahanda at ipinapaliwanag ang ingredients ng niluluto nilang chicken and lemongrass skewers curry nang biglang tanungin siya ni Carmina.
Saad ng Kapuso TV host, “Since first time ka lang nag-guest dito, Lianne, di ba?”
Sagot ni Lianne, “Yes po.”
Sundot na tanong ni Carmina: "Totoo ba na nagkarelasyon kayo ni Zoren?"
Sandaling napahinto si Lianne sa kanyang ginagawa na halatang nagulat sa biglaang tanong ni Carmina.

Napatawa rin si Boobay sa reaksiyon ni Lianne.
Paglilinaw sa kanila ni Carmina: "Sa show! Sa show! Hindi pa ako tapos!"
Ani Boobay: “Nabigla din siya [Lianne] Ms. Mina.”
Natatawang sagot ni Lianne: "Nagulat ako sa tanong, grabe po!"
Dahil sa pagkabigla ay hindi na nagawang sagutin ng aktres ang tanong sa kanya ni Carmina at nagpatuloy lang siya sa pagluluto.
Sabi sa kanya ni Carmina, "Teka lang, sagutin mo yung tanong ko."
Sagot sa kanya ni Lianne, "Po, sa show po?"
May pagbabantang tugon ng Sarap, 'Di Ba? host: "Sana. Dahil kung sa totoong buhay, ay naku! Baka mamaya ipa-guest na kita kay Boy Abunda."
Natatawang sagot ni Lianne: "Sa show po, opo."
Nakatranaho ni Lianne ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi sa Kapuso afternoon drama series na Apoy sa Langit (2022).
Read: Zoren Legaspi will miss the set of Apoy Sa Langit: "Dito, nakikipag-usap ako, nakikihalubilo ako."
Gumanap dito si Lianne bilang si Stella, ang kabit ni Cesar (Zoren).
Read: Lianne Valentin reveals how Apoy sa Langit changed her career
Kasama rin nila sa teleserye sina Maricel Laxa (Gemma) at Mikee Quintos (Ning).
Read: Lianne Valentin moves on from "kabit" character; her new role is babaeng iniwan
