Inamin ni Aljur Abrenica na totoo ang iniisip ng ibang tao na siya ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kanyang asawa na si Kylie Padilla.
Inako ni Aljur ang mga ibinabatong batikos at akusasyon ng netizens na isa siyang “cheater” o manloloko.
Read: Ex-couple Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagtagpo sa 1st Summer MMFF Parade of Stars
Sa panayam ng aktor sa Toni Talks nitong Linggo, April 2, 2023, tinanong siya ng host na si Toni Gonzaga: "Alam mo bang ang iniisip ng mga tao, the reason why your marriage fell apart is because you cheated?
"Ano ang reaksiyon mo pag yun ang iniisip ng tao? The reason why your marriage fell apart is because ikaw ang may kasalanan. You cheated."
Diretsong sagot ni Aljur: “Yeah, totoo naman, totoo naman yun.
"On my part, oo. Ina-admit ko yun, may pagkakamali ako."
Iyon ba ang masasabi niyang biggest mistake niya sa relationship?
Saad ng aktor, "The biggest mistake na naano ko ay hindi ako nagkaroon ng time sa kanila [family].
"Noong nagkaroon ako ng takot to provide. Nawalan ako ng oras, so nawala yung komunikasyon."
Ginawa naman daw ni Aljur ang lahat upang isalba ang relasyon nila ni Kylie ngunit hindi na talaga ito nag-work.
"Mahirap kasi hindi na talaga magwo-work.
"Mare-realize mo na 'I have to accept' kasi hindi na talaga.
"Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin, ginawa na rin niya lahat. In fairness to her."
Nang tanungin siya kung sino ang unang nakipaghiwalay, ang sagot ni Aljur: "It's mutual. Kaming dalawa."
Read: Kylie Padilla answers dad Robin's question: "So, wala na talagang pag-asa?"
ALJUR CRIED OVER A GIRL
Naniniwala si Aljur na kapag may ginawa kang mali sa iba ay babalikan ka ng tadhana para sa iyo naman ito iparanas.
Sabi niya, "Everything you do is may kapalit... at wala kang takas dun.
"Kahit hindi in the same way, pero pagbabayaran mo [yung ginawa mo], darating at darating siya."
Naranasan na ba niyang ma-heartbroken, mapaiyak, at pagtaksilan ng babae?
"Maraming beses na," sagot ni Aljur.
"Ang sakit, sobrang painful.
"Naalala ko na parang there's no life, hindi ka na magising nang maaga.
"A part of you dies. Iyong worth mo, mawawala.
"It's just the worst talaga."
Wala mang binanggit si Aljur na pangalan kung sino ang naging karelasyon niyang nagtaksil sa kanya, hindi ito maiwasang maikonek sa naging pahayag niya noong October 19, 2021.
Isiniwalat kasi niya noon na si Kylie ang unang nangaliwa at siyang sumira umano ng pagsasama nila.
Read: Aljur Abrenica claims wife Kylie Padilla cheated on him first: "Please tell them the truth."
"SAPAT AKO, OKAY AKO"
Hindi rin nakaligtas si Aljur na mapag-usapan ang bago niyang pag-ibig.
Tanong sa kanya: "Ano ang status ng puso mo ngayon?"
Mabilis na sagot ni Aljur: “Sapat.
"Sapat lang. Sapat sa pagmamahal sa sarili ko, sapat sa pagmamahal ko sa Panginoon, sa mga anak ko, sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko.
"Sapat. Hindi labis, hindi kulang.”
Sundot na tanong ni Toni: “Sapat ba yan for the new love of your life?”
Ang tinutukoy ng host ay ang girlfriend ngayon ni Aljur na si AJ Raval.
“Sapat ako, okay ako," maikling sagot ng aktor.
Alam din daw ni Aljur na pinagpipiyestahan siya ng mga tao sa mga nakalipas na buwan at taon.
Sa totoo lamang ay nagsasawa at pagod na rin daw siyang ipaliwanag pa ang kanyang sarili sa publiko dahil sa mga pinili niyang desisyon.
Saad niya, "Yung energy ko, ibinibigay ko na lang sa what's more important.
“Iniisip ng mga tao, manhid ako. Pero hindi. Maramdamin talaga ako.
"Lahat ng nababasa ko, masakit yan. Kaya hindi ako nagbabasa.
"Kilala ko yung sarili ko. So, I just put my effort and time sa mas importante sa tingin ko.”
"I'M DOING MY BEST"
Sa lahat ng mga pinagdaanan ng pamilya ni Aljur, aminado siyang may kaunti siyang takot na nararamdaman pagdating sa dalawa nilang anak ni Kylie — sina Alas Joaquin, 5, at Axl Romeo, 2.
Hindi man daw niya naibigay sa mga ito ang isang masaya at buong pamilya, hindi naman magbabago ang pamamahal niya sa mga ito.
Read: Kylie Padilla, Aljur Abrenica post separate dedications to son Alas Joaquin on his 5th birthday
May nais din siyang ipaalam kina Alas at Axl kung sakaling dumating ang pagkakataon na kuwestiyunin siya ng mga ito.
Ani Aljur: "Ang daddy nila ay hindi perpektong tao.
"Ang daddy nila, nagkakamali, pero ang gusto kong malaman nila na every moment of my life, I always give my 100 percent when it comes in making decisions.
"I'm doing my best, the best way that I can give my life sa mga anak ko.
"Na kahit mali yung mga naging desisyon ko, I did my best and constant na yung Papa nila hindi siya magiging stagnant."
Dagdag pa niya: "I will always be better.
"Be the hero that you can look up to, pero hindi ako perpekto."
ALJUR-KYLIE BREAKUP
Nakumpirma noong July 2021 ang hiwalayan nina Kylie at Aljur dahil sa rebelasyon ng ama ng aktres na si Robin Padilla kung saan sinabi nitong third party ang dahilan ng breakup.
Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party
Dito na rin nasangkot ang Vivamax actress na si AJ Raval na pinaghinalaang third party sa hiwalayang Aljur at Kylie.
Read: AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa matinding bashing
Ito'y dahil makailang beses na silang naispatan ni Aljur na magkasama matapos isapubliko ni Robin na hiwalay na ang aktor at ang kanyang anak.
Read: "Getting-to-know stage?"—AJ Raval, Aljur Abrenica spotted HHWW at a mall
Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay AJ noong October 2021, inamin ng sexy star na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur.
Saad ni AJ, "Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita.
"Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.
"Well, totoo naman na nag-uusap kami."
Umamin din si AJ na si Aljur ang sinasabi niyang manliligaw na boyfriend-material.
Sabi pa ni AJ, "Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other.
"Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know..."
Dahil dito mas lalong pinutakti si AJ ng bashers at tinawag siyang "home wrecker" at "kabit."
Read: AJ Raval reveals real score with Aljur Abrenica: "We care for each other."
Hanggang nitong February 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon.
Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts
Samantala, mayroon na rin ngayong napapabalitang "boyfriend" si Kylie na kasama niyang nagbakasyon sa Thailand.
Read: Aljur Abrenica wants to meet Kylie Padilla's boyfriend; reacts to Kylie defending AJ Raval
Inabsuwelto naman ni Kylie si AJ sa mga akusasyon ang Vivamax star ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Aljur.
