Kumpiyansa si Carlo Aquino, 37, na ang current girlfriend na si Charlie Dizon, 26, ang nakikita niyang "The One" para sa kanya.
Kung dati ay tikom ang bibig ni Carlo kapag may karelasyon siya, ngayon ay isinapubliko niya agad ang espesyal na turingan nila ni Charlie.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo sa presscon ng Love You Long Time noong March 30, 2023.
Sabi ni Carlo tungkol sa pagiging bukas niya sa love life ngayon: "Di ko alam, siguro di naman siya sinasadya.
"Okay naman. Kung may pumalag or kung may magalit, ano ang gagawin ko, di ba?
"Opinyon nila yun, opinyon niyo yan. Pero buhay ko ito."
Abala man sa trabaho ay nabibigyan niya raw ng oras ang personal na buhay.
"Ngayon may lock-ins pa rin, may time pa rin sa ibang bagay," maiksing komento ni Carlo.
Kapareha ni Carlo sa Love You Long Time ang baguhang aktres na si Eisel Serrano.
Nang tanungin kung naging isyu kay Charlie na mas nauna pa niyang makatrabaho ang ibang aktres bago siya, sagot ni Carlo: "Ang immature. Di nakaka-professional."
Nakapanayam si Carlo sa presscon ng Love You Long Time, na ginanap sa Kamuning Bakery sa Quezon City, noong March 30, 2032.
- Did Carlo Aquino just confirm his relationship with Charlie Dizon?
- Instagram official? Carlo Aquino flexes Charlie Dizon on Instagram
- Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon
CO-PARENTING WITH TRINA CANDAZA
Open book na nauwi sa hiwalayan ang halos tatlong taong pagsasama ni Carlo at dating live-in partner na si Trina Candaza.
May two-year-old daughter silang si Mithi.
Noong January 2023, nagkaisyu sa pagitan nina Carlo at Trina dahil umalma si Carlo na dalawang buwan na niyang hindi nakikita noon ang anak kahit na patuloy raw ang sustento niya rito.
Kontra-pahayag noon ni Trina, hindi niya ipinagdadamot ang anak kundi si Carlo ay sadyang hindi bumibisita sa anak.
Nilinaw rin noon ni Trina na may sarili siyang trabaho at hindi lang si Carlo ang tumutustos sa pangangailangan ng anak nila.
Tila nagkaayos naman na sina Carlo at Trina, dahil nabibisita na raw ng aktor ang anak.
"As much as possible, siyempre present ka. Napupuntahan ko si Mithi kapag walang trabaho. Napupuntahan ko siya sa school," saad ni Carlo sa kanyang daddy duties.
Patuloy niya, "Kami ni Trina, we're on speaking terms. Pinag-uusapan namin kung ano ang makakabuti kay Mithi.
"At the end of the day, siyempre magkatrabaho kami, ginagawa namin ito para sa bata."
ON EX-GIRLFRIEND ANGELICA PANGANIBAN
Inakala noon ng iba na magkakabalikan si Carlo at ang dating reel-and-real-life sweetheart na si Angelica Panganiban.
Pero noong first quarter of 2019 ay nabuwag ang tambalan nila pati na rin ang pagkakaibigan nila.
Hiningan si Carlo ng reaksiyon ngayong engaged na si Angelica at may baby na rin sa fiancé na si Gregg Homan.
READ: The star-studded baptism party of Angelica Panganiban's daughter Amila Sabine
Masaya raw si Carlo na malamang masaya si Angelica sa binuo nitong sariling pamilya, at kung gaano ito ka-hands-on sa sariling anak.
"Ever since naman ramdam na yun, kita na yun, at alam naman natin na matagal na gusto niya yun.
"Pero huwag na nating pag-usapan ang ibang tao kasi baka sabihin nila ginagamit natin sila."
Wala na raw silang komunikasyon sa ngayon ni Angelica.
ON OVERCOMING ANXIETY
Maraming tao ang dumaraan sa anxiety noong kasagsagan ng pandemya, at dumaan din daw dito si Carlo.
"Hindi ko lang siguro siya pinapakita, pero nandun talaga. Di ko alam kung paano ko hina-handle.
"Siguro sa edad mas naitatago ko na, lalo na sunud-sunod ang mga ginagawa ko, mga pelikulang lumalabas.
"Nandiyan palagi yan, parang hinahabol lang ako, kailangan mong unahan."
ON TEAMUP WITH EISEL
Sa kabilang banda, ibinahagi ni Carlo ang paghanga para sa leading lady na si Eisel, na nakitaan niya ng potensiyal sa pag-arte.
"Ang sarap lang makita sa isang baguhang artista na nagtatrabaho nang maigi. Na nararamdaman mo talaga na gusto niya ang ginagawa niya at di siya napipilitan.
"Kung uulit ang eksena, okay lang, alam mo na gusto niyang pagandahin yung end product nung pelikula."
Kuwento pa niya sa first impression niya kay Eisel, "Nagkakilala kami sa look test. May potensiyal ito, sabi nga kanina ng mga producers namin, may potential. Saka iba ang nagagawa ng hard work."
More hot stories on PEP.ph:
