Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos si Pokwang sa kanyang mga pasaring sa dating partner na si Lee O’Brian.
Sa Twitter ngayong Linggo, April 2, 2023, ibinahagi ng comedienne-host ang tila sumbong sa kanya ng netizen na nakakita kay Lee sa isang Mexican bar sa BGC (Bonifacio Global City) sa Taguig.
Laman ng tweet ni Pokwang na diumano'y may ibang babae nang kinikita ang dati niyang boyfriend.
Mababasa sa kanyang tweet (published as is): "susme e ano naman kung may naka kandong na waitress sa kanya dyan sa isang mexican bar sa bgc?
"Hayaan nyo siya, masaya sya dahil sa wakas natagpuan na nya pangarap niyang babae at deserve niya yan."
Nagawa pang batiin ni Pokwang si Lee sa bago raw nitong nakitang pag-ibig, kalakip ang makakahulugang hashtag na ginamit niya sa kanyang tweet.
"Yeheeeyy congratulations po [clap emojis] ang saya-saya...[laughing in tears and pray sign emoji].
"#diakobitterha #happy4U."
Agad naman siyang sinang-ayunan ng kanyang followers sa Twitter kalakip ang payo na hayaan na ito ng aktres.
Komento ng isa, "Hayaan mo na mamang. Baka achievement sa kanya ang may nakakandong na waitress [laugh and peace sign emoji]."
Saad pa ng isa, "You are so bless poks! You have works, pretty kids and not giving you headache. Look around your house, just say thank you God!"
Reply sa kanya ni Pokwang, "Im thankful everyday po kasama na ang pagkakaalis ni God sa buhay ko ang lalaking walang kwenta."
Sabi naman ng isa, "Hayaan mo na siya, mommy pokssss! ang mahalaga eh masaya ka na ngayon sa buhay mo at unti-unti ka ng nag-hi-heal. hugs!!!!"
Biro pa ng isa, "Mamang araw ng palaspas today, hahaha palaspasin mo na [laugh in tears emoji]."
Read: Pokwang thanks bashers for encouraging her to strive harder
Kinumpirma rin ni Pokwang sa kanyang Instagram story na may nagsumbong nga sa kanya tungkol kay Lee.

POKWANG AND LEE BREAK-UP
Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, pero noon lamang July 2022 naisapubliko ito.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
Noong February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Mula noon ay makailang beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa break-up nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
Meron silang limang taong gulang na anak, si Malia O'Brian.
Noong March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay tila may balak na ituloy ni Pokwang ang pagsasampa ng kaso sa kanyang dating partner.
Ito'y matapos niyang ipost sa Instagram ang kuhang litrato nila ng makipagkita siya sa abogadong si Atty. Ralph Calinisan, ang nobyo ng sexy actress na si Dawn Chang.
Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?
Dito rin kapansin-pansin ang makahulugang mensahe niya sa kanyang caption.
Aniya, “Thank you atty. @ralph_calinisan [face blowing a kiss, heart emojis] #tuloylanglabanparasakinabukasan
“Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian kung naitaguyod ko si ate ng mag isa mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo [face blowing a kiss, praying hands emojis] #letsdothis”
Read: Pokwang not done yet with tirades against Lee O’Brian: "Wala syang katahimikan!"
