Tahimik pa rin ang Internet celebrity na si Chiyo dela Vega sa pagkakadawit ng pangalan niya sa marital problems ng mag-asawang Priscilla Meirelles at John Estrada.
Pero patuloy siyang nagsi-share ng inspirational messages sa kanyang Instagram Story.
Ngayong Sabado, April 1, 2023, bumati pa si Chiyo sa kanyang followers ng magandang araw.
Aniya, “HAVE A BLESSED DAY [heart emoji]
“Sometimes happiness looks like staying home, cancelling plans, listening to a guided meditation, ignoring several text messages and doing you.”

Pinuri rin niya ang mga kababaihang nakikita niya sa kanyang feed.
Saad ng Cebu-based influencer: “You females on my feed are so freaking gorgeous, bunch of queens [smile, raising hands emojis]”

Ngunit binura rin niya ito agad.
THE VIRAL CONVERSATION
Nalantad sa publiko ang pagkakasangkot ni Chiyo sa isyu nina Priscilla at John dahil din sa kanya.
Bagamat hindi siya pinangalanan ni Priscilla sa makahulugang post at Instagram poll ng beauty queen tungkol sa babaeng nag-e-entertain ng lalakeng may asawa na, si Chiyo mismo ang nagbahagi sa publiko ng screenshots ng palitan nila ng mensahe ng misis ni John sa Viber.
Read: Why is Priscilla Meirelles asking what to call a woman who entertains a married guy?
Medyo may pang-uuyam pa ang tono ng caption ni Chiyo dahil sinabi niyang isang beses lamang daw niyang tinikman at hindi na inulit dahil hindi masarap.
Caption ni Chiyo, sa wikang Bisaya, sa burado na niyang post: “hoy ante abe nakog okay nata…. igo ramn ko nitilaw gd kaisa rajd very light rajd kaayu to ay wala nako muusab kay way lami”
Ito ang Tagalog translation: “hoy auntie, akala ko okay na tayo… tumikim lang ako isang beses, very light nga lang, hindi na ako umulit kasi hindi masarap”
Mababasa sa ilang sipi ng kanilang pag-uusap na sinita ni Priscilla si Chiyo dahil bakit daw may palitan ito ng mensahe sa asawa niyang si John.
Ayon kay Priscilla: “I came across a viber conversation between the 2 of you that it is not appropriate. You know he is married right? That’s how I got your #.”
Mariin itong pinabulaanan ni Chiyo.
Mababasa rin sa isang screenshot na sinabi ni Chiyo na aware siyang may asawa si John at wala itong intensiyong pumatol dito.
Binura ni Chiyo ang kanyang post ngunit marami nang netizens ang naka-screenshot nito at kumalat na sa social media.
Sa exclusive report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 31, 2023, tuluyan nang inamin ni Priscilla na may problema nga sa pagsasama nila ni John.
Bahagi ng pahayag ng Brazilian beauty queen: “I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons.
“And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako.”
Read: Priscilla Meirelles confirms marital problems with John Estrada: “Napuno na ako.”
Wala pa ring pahayag si John ukol dito. Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa mga nais sabihin ukol sa isyu ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.
