Nagpaparinigan ba ang beauty queen-model na si Priscilla Meirelles at ang influencer mula Cebu na si Chiyo dela Vega sa pamamagitan ng cryptic messages?
Ito ay sa gitna ng pinagdadaanang problema ni Priscilla at asawa nitong si John Estrada, kung saan nadadawit ang pangalan ni Chiyo.
Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang matalinhagang posts nina Priscilla at Chiyo ngayong Biyernes, March 31, 2023.
Unang nag-post si Chiyo sa kanyang Instagram ng isang photo message na may nakasulat na “CALM IS A SUPER POWER.”
May kalakip itong larawan ng isang kamay niya na kita ang mahahaba nitong kuko habang nakaturo sa araw.
Naka-off ang comments section ng post niyang ito.
View this post on Instagram
Makalipas ang isang oras, si Priscilla naman ang nag-post ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram account.
Nakasaad dito: “Sometimes you just have to throw on your Crown and remind them who they’re dealing with.”
View this post on Instagram
Isang follower ni Priscilla ang nagkomento sa post niyang ito tungkol sa pangangaliwa.
Ayon sa netizen: “No cheating if walang magpapakita ng motibo”
Sinagot ito ni Priscilla ng flushed face at shocked face emojis.

Makalipas ang tatlong oras, si Chiyo naman ang may post tungkol sa hindi pagpapaapekto sa inaasal ng iba.
Buong post pa niya: “Do not let the behavior of others destroy your inner peace.[heart emoji]"
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram Story, sunud-sunod din ang post ni Chiyo ngayong araw.
Ang una niyang Instagram Story ay tungkol sa pagiging mabuting tao.
Aniya, “Be a good person in real life. None of this social media shit matters."

Pangalawa ay tungkol sa integridad.
Nakasaad dito: “No matter how educated, talented, rich or cool you believe you are, how you treat people ultimately tells all.
“Integrity is everything.”

THE ISSUE
Nagsimulang makatunog ang publiko na may problema sa pagsasama ng mag-asawang Priscilla at John dahil sa malamang posts ng Brazilian beauty queen sa kanyang Instagram Story.
Malinaw na may kinalaman sa isyung third party ang mensaheng nais iparating ni Priscilla.
Lalo pa itong umingay dahil sa inilunsad niyang poll question sa Instagram Story.
Ang poll question: What to call a female that entertains married man?
Read: Why is Priscilla Meirelles asking what to call a woman who entertains a married guy?
Kasunod nito ang pagkalat kahapon, March 30, 2023, ng screenshots ng alleged convo ni Priscilla kay Chiyo.
Ayon sa netizens, si Chiyo mismo ang nag-post ng Viber conversation nila ni Priscilla pero binura rin umano niya ito kaagad.
Pero na-screenshot ng ibang netizens ang ipinost ni Chiyo at ito ang kumalat sa social media.
Mababasang caption ni Chiyo, sa wikang Bisaya, sa burado na niyang post: “hoy ante abe nakog okay nata…. igo ramn ko nitilaw gd kaisa rajd very light rajd kaayu to ay wala nako muusab kay way lami”
Ito ang Tagalog translation: “hoy auntie, akala ko okay na tayo… tumikim lang ako isang beses, very light nga lang, hindi na ako umulit kasi hindi masarap”
Sa isang screenshot, sinabi ng babae na nakilala niya si John sa isang event sa Cebu at itinanggi nitong nag-uusap sila sa Viber.
Pero ayon kay Priscilla: “I came across a viber conversation between the 2 of you that it is not appropriate. You know he is married right? That’s how I got your #.”
Mariing itinanggi ng kausap nitong babae na nag-uusap sila ni John. Hiningi lang daw ng aktor ang kanyang numero para sa isang event, pero hindi na umano sila nag-usap pagkatapos.
Nakatakda raw magbakasyon sa Cebu si Priscilla kasama ang kanyang pamilya sa April 6 at inanyayahan nito si Chiyo na personal silang magkita.
Ayon pa kay Priscilla: “Going to Cebu this April 6, let’s meet. Since you are so friendly [laughing emoji] bringing the whole family including him.
“It’s always nice to have ‘well round’ friends in Cebu. For the meantime, erase his number and keep mine. I will make sure to block yours from his phone. Don’t want to have a problem in the future with you since you are so polite. I will be the one to contact you for future ‘events inquiries’. Have a nice day.”
Sa mga Facebook post ni Chiyo ay naka-save the date na rito ang maraming Cebuanos.





PRISCILLA CONFIRMS MARITAL PROBLEM
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Priscilla ngayong Biyernes, nilinaw ni Priscilla na hindi cryptic ang post niya tungkol sa pakikipag-usap ng isang babae sa isang married man.
Sa madaling salita, kinukumpirma niyang third party ang isa sa pinag-uugatan ng problema nila ngayon ni John.
Mensahe ni Priscilla: “I don’t understand why people are saying my posts are cryptic. The way I see it, I was very direct to the point.”
Kinumpirma rin ni Priscilla na matagal-tagal na ang problema nila ni John at masalimuot ang pinagdadaanan niya.
“I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons,” pagkumpirma ng model-beauty queen sa PEP.ph.
“And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako.”
Labindalawang taong kasal na sina Priscilla at John. Ikinasal sila noong March 2012.
Mayroon silang isang anak, si Sammantha Anechka, 11.
Read: Priscilla Meirelles confirms marital problem with John Estrada: “Napuno na ako.”
Mananatiling bukas ang PEP.ph sa nais ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.
