Hindi pinalampas ni Geneva Cruz ang isang netizen na pinagsabihan siyang walang respeto sa sarili dahil sa kanyang sexy bikini photo.
Miyerkules ng gabi, March 29, 2023, nag-post si Geneva sa kanyang Facebook account ng mga larawang kuha mula sa bakasyon niya sa Boracay.
Ngayong araw, March 30, isang netizen ang tila pinagsabihan ang singer-actress sa comments section ng post ni Geneva.
Sabi ng netizen (published as is): “SAyang maganda Ka Sana bkit ganun ka,respitohin mo nmn satili mo, wag UNG landi pakita ng”
Hindi naman siya inatrasan ni Geneva.
Buwelta niya, porke ba naka-bikini sa isang resort ay hindi na karespe-respeto ang isang tao at malandi na? Ito lang daw ba ang naging basehan ng netizen upang husgahan siya kaagad?
Nakiusap din si Geneva sa netizen na umalis na sa kanyang account.
Buong sagot ni Geneva: “Dahil naka bikini ako sa isang resort hindi ako ka respe-respeto? Landi na agad? So you are judging me based on my bikini?
“You have no idea how much I do to serve my country and my countrymen and how good of a mother I am.
“It is 2023, lawakan mo ang pag-iisip mo. Kindly leave my site; I don't need you here. Respectfully.”

Hindi na bago kay Geneva ang bashing pagdating sa kanyang pagsusuot ng swimsuit.
Noong March 2021, hindi rin pinalampas ni Geneva ang bashers na pinulaan ang kanyang singit at sinabing maitim daw ito.
Tanong ng basher na halatang nang-aasar sa kanya noon: “What is up with the black color in the middle is that pubes or just dark? Looks like a thick pubes. [face with stuck-out tounge and winking eye emoji]”
Ayon sa dating Smokey Mountain member, hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng netizen at sana raw ay ikaganda nito ang tasteless nitong biro.
Saad ni Geneva, “I have no idea what you’re saying, but I think it’s called #IDGAF (I don’t give a fuck) what you’re imagining.
"Hope your gaudy sense of humor makes you pretty. (ghost, kissing face with smiling eyes emojis)”
Pang-aasar ng isa pa, “Ang itim ng singit [face with tears of joy emoji]”
Ayon kay Geneva, “shadow” ang tawag dun. Hindi raw niya na-edit ang picture para ikatuwa ng mga taong tulad ng basher.
“It’s called ‘shadow.’ Pasensya ka na, I forgot to photoshop it for your delight; I’m just a single mother of two, and the groin that you are making fun of is connected to the organ where my two children came out, and although that had happened twice to this body; it is stronger and more beautiful than ever.
"I feel sorry for your mother because she raised a prick. Take care. [slightly smiling face, kissing face with smiling eyes emojis]”
Read: Geneva Cruz replies to "ang itim ng singit," other rude comments of bashers
