PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keempee de Leon on Eat Bulaga! war: "Sana maayos nila."

"Tungkol nga dun, sa isyu, well, management na ang magdedesisyon nun, e."
by Glenn Regondola
Published Mar 30, 2023
Keempee de Leon Eat Bulaga war
Keempee de Leon answers queries about what he knows about Eat Bulaga! war, and if he knows how the Dabarkads feel about the reported shake-up. "Wala, e, management lang talaga ang makakapagdesisyon niyan, kung transition man yan o ano man. Sana maayos, kasi 44 years, hindi biro, e. Kumbaga, dun na rin ako nagkaedad,. Kinalakihan ko na rin yan at naging parte na rin ako nang ganun katagal."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Eat Bulaga Facebook

#EatBulagaWar

Walang diretsahang sagot ang aktor na si Keempee de Leon tungkol sa inaasahang major revamp na mangyayari sa longest-running noontime show na Eat Bulaga!.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Keempee matapos ang premiere para sa pelikulang Here Comes The Groom, Miyerkules ng gabi, March 29, 2023.

Ang Here Comes The Groom ang 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films, Cineko Productions, at Brightlight Productions.

"Actually, wala ako sa posisyon na magsalita tungkol doon," bungad ni Keempee sa PEP.ph.

"Hindi ko alam ang puno't dulo ng pangyayari, but I'm just hoping na maayos nila yan.

"Probably, may mga bagay naman na wala namang perpekto, e. May mga bagay-bagay na misunderstanding lang siguro na hindi napapag-usapan.

"Sana maayos nila, yun lang ang masasabi ko."

Labing-apat na taon ding naging bahagi si Keempee ng Eat Bulaga!, kaya hindi raw maipagkakailang minahal niya ito nang lubos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natanggal si Keempee sa programa noong 2016.

Ang ama ni Keempee na si Joey de Leon ay kabahagi ng TVJ o Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey — na pioneer hosts ng Eat Bulaga!.

Ano ang damdamin ng kanyang ama sa sitwasyon ng show ngayon?

"He's okay. He's back na ata sa Eat Bulaga!. Bihira rin kasi ako makapanood, e," safe na sagot ni Keempee.

THE ONGOING EAT BULAGA! WAR

Sinubaybayan ng PEP.ph ang developments sa Eat Bulaga! war.

Una rito ang pagtutol umano ng TVJ sa desisyong hindi na si Antonio "Tony" Tuviera, kundi ang tatlong anak ni Romy Jalosjos ang mamamalakad sa show.

May mga espekulasyong handa umanong iwan ng TVJ ang programa sakaling mangyari iyon, at saka bumuo ng sariling show sa ibang network.

Naiulat din na may isyu sa talent fee. Diumano, pinagre-resign ang hosts at ire-rehire na lang pero may kaltas sa talent fee.

May iba ring lumutang na impormasyong pili lamang sa current hosts ang ire-rehire, at mayroon din ibang nagsasabing may mga bagong host na ipapasok sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO INSIDE INFO FROM DABARKADS?

Sa parte ni Keempee, hands-off siya sa isyu.

"Tungkol nga dun, sa isyu, well, management na ang magdedesisyon nun, e.

"Wala, e, management lang talaga ang makakapagdesisyon niyan, kung transition man yan o ano man.

"Sana maayos, kasi 44 years, hindi biro, e. Kumbaga, dun na rin ako nagkaedad. Kinalakihan ko na rin yan at naging parte na rin ako nang ganun katagal.

"Sana magtuluy-tuloy pa rin siya, at maayos ang dapat ayusin," giit ni Keempee.

Hindi rin masabi ni Keempee kung ano ang totoong emosyong nararamdaman ng Dabarkads dahil hindi raw niya nakakausap ang mga ito tungkol sa isyu.

Paliwanag niya: "Wala, e. Honestly, wala akong nakakausap sa kanila.

"And for the longest time na wala na ako dun, naging busy na rin ang lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Like si Ruby [Rodriguez], nag-Amerika na. Wala na, wala na akong communication sa kanila.

"Nakaka-message ko lang sina Ryan [Agoncillo], pero wala naman kaming pinag-uusapan about the show.

"Ayokong ungkatin, ayaw ko ring magtanong kung anuman ang nangyayari.

"And I'm just hoping for the best na ma-maintain, o ma-retain sila.

"Hindi biro ang pinagsamahan nila."

KEEMPEE'S CAREER

Pagdating sa sariling karera ni Keempee, aktibo ito sa paggawa ng pelikula ngayon.

Aniya, "Andiyan lang naman lagi ako. Di naman ako nawawala.

"Parang gulong yan, e. Paikut-ikot lang. Minsan may project, minsan wala.

"Ang trabaho lang namin is to wish. Maghintay ng tamang timing. Mga tamang offer."

Katulad dito sa Here Comes The Groom, kunsaan gay role ang ginagampanan niya at kaabang-abang ang twist of fate na bahagi ng istorya.

"As an actor, trabaho natin to portray different kind of roles. Pero, kung yung sabihin natin na trend, na nagti-trend ang mga ganitong movie, ang mga ganitong characters, I guess, we just have to go with the flow, at ibigay natin kung ano ang gusto ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lalo na ngayon, na lahat nanggaling sa pandemya, ngayon lang uli bumabangon.

"So hopefully, muling makabangon ang industriya, para magbigay saya muli sa mga tao. Kalimutan muna ang problema, at isantabi muna natin."

More Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon answers queries about what he knows about Eat Bulaga! war, and if he knows how the Dabarkads feel about the reported shake-up. "Wala, e, management lang talaga ang makakapagdesisyon niyan, kung transition man yan o ano man. Sana maayos, kasi 44 years, hindi biro, e. Kumbaga, dun na rin ako nagkaedad,. Kinalakihan ko na rin yan at naging parte na rin ako nang ganun katagal."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results