PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang's Legal Move Amid Lee O'Brian Dispute

Pokwang on daughters: "Mas lalo ako magsisipag at magiging matapang."
by Arniel C. Serato
Published Mar 29, 2023
Pokwang flexes lawyer for possible court battle
Pokwang posts a picture with lawyer Atty. Ralph Calinisan (left); is she filling a complaint against ex-partner Lee O'Brian (right)?
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kahit kasalukuyang nasa Amerika si Pokwang, hindi pa rin niya tinatantanan ang dating partner na si Lee O’Brian dahil may bago na namang post ang comedienne-TV host tungkol dito.

Sa Instagram kahapon, March 28, 2023, ibinahagi ni Pokwang ang mga larawan niya kasama ang mga anak na sina Mae Subong at Malia O’Brian.

Kasama rin nila sa larawan si Atty. Ralph Calinisan, ang nobyo ng sexy actress na si Dawn Chang.

Kuha ang larawang ito noon pang kalagitnaan ng Marso 2023 kung saan napabalita nga noong nakipagkita si Pokwang sa isang abogado para sa posibleng paghahain ng reklamo labang kay Lee.

Read: Hiwalayang Pokwang at Lee O'Brian, hahantong sa korte?

Makahulugang mensahe ni Pokwang sa caption ng kanyang post: “Thank you atty. @ralph_calinisan [face blowing a kiss, heart emojis] #tuloylanglabanparasakinabukasan

“Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian kung naitaguyod ko si ate ng mag isa mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo [face blowing a kiss, praying hands emojis] #letsdothis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption, isang follower ni Pokwang ang nagsabing dapat ay magsampa siya ng child support complaint laban kay Lee sa Amerika bilang ito ay American citizen.

Saad ng netizen, “File child support here in us... cuz he's a us citizen”

Pagsang-ayon ni Pokwang, “tamaaa!!!!”

Pokwang on filing child support complaint

Pero sa guest appearance ni Pokwang sa Fast Talk With Boy Abunda noong February 3, sinabi niyang wala siyang planong sampahan ng kaso ang dating partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumukonsulta lamang umano siya sa abogado para mabawi ang YouTube at social media accounts na kanilang pinaghahatian noong maayos pa ang pagsasama nila.

Saad niya, “Meron po kaming mga gustong bawiin na, like yung YouTube channel namin. Siya po kasi ang nagmo-monetize nun, siya po ang nagha-handle.

“Ang feeling ko, dapat mabawi na namin yon. Hindi po kami nag-file ng case.

"Inaayos lang po yung sa custody ng bata at saka yung dapat naming mabawi na lang, yung YouTube channel at saka yung social media.

"Saka yung iano namin kay Malia kasi, sa totoo lang, five years kang [Lee] hindi nag-aabot, alam mo yan.

"Pero nanahimik ako… nanahimik ako."

Read: Pokwang, may gustong bawiin kay Lee O'Brian kaya kumonsulta sa abogado

Noong March 2 naman, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"

Ang mga prosesong ito ay nangangailangan ng abogado.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang posts a picture with lawyer Atty. Ralph Calinisan (left); is she filling a complaint against ex-partner Lee O'Brian (right)?
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results