Ipinaliwanag ni Andrea Brillantes kung bakit siya ang nagyaya sa boyfriend na si Ricci Rivero na maging ka-date sa Star Magical Prom sa March 30, 2023.
Ito ay dahil si Andrea ang artist ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, hindi si Ricci.
Ngayong Lunes, March 27, 2023, sinagot ni Andrea ang isang basher na tila binungangaan siya sa kanyang “promposal” kay Ricci.
Naganap ang "promposal" ni Andrea kay Ricci sa mismong concert ng K-pop group na BLACKPINK sa Philippine Arena, Linggo ng gabi, March 26.
Komento ng basher: “Baliktad na pla ngayon panahon. Babae na nagyaya [lauging emoji]”
Sinagot ito ni Andrea.
Paliwanag niya, “It’s for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic [smiling emoji]"
Dagdag pa ng Kapamilya star, panahon na rin upang ihinto ang pamamahiya sa mga babaeng gumagawa ng first move sa lahat ng bagay, gaya nga ng promposal.
Sabi ni Andrea: “Also, it’s high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances [raising both hands in celebration emoji]”

Burado na ang komentong ito sa mga post ni Andrea, pero na-screenshot ito at ni-repost ng social media personality na si Senyora. Ito ngayon ang kumakalat sa social media.
THE TRENDING "PROMPOSAL" ISSUE
Kagabi pa, March 26, trending topic ang “promposal” ni Andrea sa concert ng BLACKPINK.
Sa Born Pink concert sa Philippine Arena, napansin ng mga miyembro ng grupo ang hawak na “promposal” placard ni Andrea, na nakapuwesto malapit sa stage.
Binasa nina Rosé at Lisa ang nakasulat sa placard: “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”
Itinanong din ng grupo kung nasaan ang boyfriend ni Andrea.
Nang lumantad si Ricci, sabi ni Rosé sa kanya, “Please go to prom with that girl.”
Todo naman ang ngiti ni Ricci na sumagot ng “Yes!”
Makikita ring hinalikan nito sa noo si Andrea.
Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero
ANDREA'S SISTER DEFENDS STAR MAGIC ARTIST
May ilang netizens ang nagtaas ng kilay at kumuwestiyon sa estratehiya ni Andrea para mapansin ng BLACKPINK.
Ni-retweet ng isa ang video clip sa BLACKPINK concert kung saan binabasa nina Rosé at Lisa ang placard na hawak ni Andrea.
"The design is very papansin," mababasang caption ng basher.
Hindi naman ito pinalampas ni Kayla Aan Gorostiza, ang nakatatandang kapatid ni Andrea.
Binuweltahan nito kaagad ang netizen na tumawag sa ABS-CBN actress ng "papansin."
Ini-screenshot ito ni Kayla Aan at ipinost sa kanyang Instagram stories, kalakip ang mga pinagdaanan ng kapatid para planuhin ang kanyang promposal.
Mensahe niya sa basher (published as is), "Yes, yun naman talaga point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya mag papansin sa idols niya?
"Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng BLACKPINK, ok??? Umaga palang nasa arena na siya para pumila JUST LIKE EVERYONE ELSE.
"Nagpa print siya ng 6 na banners (both in korean & in English) to do a promposal for her VERY FIRST PROM.
"Nag tiis siya sa init, tumayo ng ilang oras, sure din ako nag tiis siya wag umihi.
"she exerted as much effort as everyone else."
Dagdag pa ni Kayla Aan, hindi porket artista si Andrea ay wala na itong karapatang mag-fangirl sa mga iniidolo niyang K-pop star.
Saad niya, "Artista siya yes, pero hindi ibig sabihin non eh bawal na siyang umasta na parang normal na tao.
"If 'normal fan' yan, y'all would saying 'cute.'
"Gusto niya lang maging super special ng FIRST PROM NIYA. LET HER BE."
Read: Andrea Brillantes's sister defends ABS-CBN star's promposal to Ricci Rivero during BLACKPINK concert
