Labis na nagdadalamhati ang aktres na si Sunshine Dizon sa pagpanaw ng kanyang ama na si Isagani Bengson Dizon Jr.
Pumanaw ang ama ng aktres noong Lunes, March 20, 2023.
Sa Instagram post ni Sunshine kahapon, March 22, ibinahagi niya ang sakit na nadarama sa pagkawala ng pinakamamahal na ama.
Kalakip nito ang litrato nilang mag-ama habang nakangiti at nakayakap siya rito.
Mababasa sa caption ni Sunshine (published as is): "I love you Papa. I never knew this kind of pain and longing.
"I will always be a Papa's girl."
Nasundan pa ang post ng aktres ngayong Huwebes, March 23, nang mag-upload siya ng all-black plain picture.
Ayon sa kanyang post, kasalukuyan siyang nasa flight papuntang United States kung saan naninirahan ang ama.
Saad niya, "About to board the most painful flight i will ever take.
"No more Papa's big smile and warm hug to welcome me."
Hindi binanggit ni Sunshine ang dahilan sa pagkamatay ng kanyang ama.
Humiling din ng dasal si Sunshine mula sa kanyang fans at mga kaibigan, kalakip ng pasasalamat sa mga nagpadala ng mensahe at pakikiramay sa pamilya nila.
"Please whisper a prayer for My Papa Isagani Bengson Dizon Jr. who died peacefully in his sleep March 20, 2023.
"Please pray for strength for my two siblings Sami and Isabel Dizon and the whole family.
"Thank you to those who called, messaged me personally, left messages and to those whom we personally do not know and yet sent their sympathies, thank you."
Sa comments section ng post ni Sunshine ay bumuhos ang pakikiramay ng kanyang mga kasamahan sa industriya.
Mensahe ni Carla Abellana, "I am so sorry for your loss, Ate Sunshine…"
Komento ni Jackie Lou Blanco, "My deepest condolences Nak..."
Sabi naman ni Jake Ejercito, "Safe flight, ate. Yakap nang mahigpit [pray sign emoji]."
Pakikiramay ni Chynna Ortaleza, "Our condolences praying for the whole family… [pray sign emoji]."
