Hindi pinalampas ni Alma Concepcion ang isang netizen na sinadya pa talaga siyang i-message privately sa Facebook upang sabihan ng masasakit na salita.
Sa screenshots na ipinost ni Alma sa Facebook account niya kahapon, March 20, 2023, mababasang diretso siyang nilait ng basher.
Sabi nito sa kanya: “BILASA kana [laughing emoj]”
Hindi naman nag-atubili ang actress-beauty queen sa pagsagot dito.
Ayon kay Alma, mas gugustuhin na niyang tumanda kesa maging mas bata pero walang paggalang sa kapwa.
Siguro raw ay may mapait na buhay ang mga katulad ng basher na walang magawa kundi manglait ng tao.
Buong sagot ni Alma sa private message (published as is): “So? Mas gusto ko maging matanda kesa bata na di marunong mag respeto sa kapwa.
“Parang ang pait ng mga sinapit sa buhay ng mga nag nenegative comments.
“Cguro mas ok na buhos mo yung energy mo para gumanda buhay mo kasi mukhang di ka aya aya ang sitwasyon mo.
"Nakaka awa ka.
“Kaawaan ka nawa ng Puong May Kapal”

Sabi pa ni Alma sa caption, minsan-minsan lang siya pumapatol sa bashers at itinutodo niya kapag may oras at panahon siyang sumagot.
Saad ng The Write One star: “Mga 3x a year lang ako pumatol sa mga nega. Here is a sample. Buti may time ako today at nasa mood ako [laughing emoji] tinagalog ko talaga para sure na sure na sure na maintindihan hehehe”
Ayon pa sa aktres, ang pagkakaedad ng isang tao ay isang prebelihiyo.
“For entertainment purposes [laughing emojis] soooo worthy to share hahahahahaha
“Aging is a privilege and its definitely not a disadvantage. I dont even wanna go back to my younger years!”
