Isa na namang photo reveal ang ibinahagi sa social media ng businesswoman na si Rachel Carrasco, na napapabalitang karelasyon ng real estate magnate na si Victor Consunji.
Si Victor, founder ng real estate company na Victor Consuji Development Corporation, ang estranged husband ng former beauty queen at aktres na si Maggie Wilson.
Si Rachel ay co-founder ng isang gourmet food and beverage business.
Read:
- Maggie Wilson reveals cyber libel case filed by Rachel Carrasco's friend was junked
- Maggie Wilson cries harassment after “authorities” tried to barge into her Taguig home
- Victor Consunji claims estranged wife Maggie Wilson now a fugitive, faces 3 arrest warrants for adultery, 16 for cyberlibel
Sa kanyang IG account, ipinost ni Rachel ang kanyang larawan na hawak-hawak ang isang baby habang sila ay nasa yacht.
“Together forever,” makahulugang caption dito ni Rachel.
Naglabas din siya ng IG Story kung saan makikitang magkatabi sila ni Victor sa yacht, habang hawak ni Victor ang baby.
Sa isa pang IG Story ay nakahiga si Victor habang nasa tiyan niya ang sanggol. Nasa tabi niya si Rachel at napaliligiran sila ng predominantly female friends sa yacht.

Kamakailan ay napaulat sa media ang tungkol sa IG Stories ni Rachel na nag-post ng tinawag na “baby reveal” niya.
Noong lamang February, may Instagram post si Rachel na nagpapakita ng sweet moments nila ni Victor, indikasyong nagkakamabutihan sila.
Read: Rachel Carrasco posts holding hands photo with Victor Consunji
Ito ay sa kabila ng masalimuot na legal battle sa pagitan ng estranged couple na sina Maggie at Victor.
February 10 din nang maglabas ng statement si Rachel kaugnay ng social media post ni Maggie na patutsada umano kay Rachel at sa unborn daughter nito.
Sinabi ni Rachel sa kanyang statement na handa siyang magsagawa ng legal action laban kay Maggie kung hindi raw ititigil ng aktres ang kanyang “attacks” sa social media.
MAGGIE-VICTOR LEGAL BATTLE
Malayu-layo na ang itinakbo ng sigalot sa pagitan ni Maggie at ng estranged husband nitong si Victor.
September 2021, inanunsiyo nina Maggie at Victor ang kanilang desisyong maghiwalay matapos ang halos labing-isang taong pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation
Kasunod nito ang diumano’y pagpapalayas ni Victor kay Maggie sa kanyang tinitirhan sa Taguig.
Ilang araw matapos nito, lumabas ang dokumentong nagsasaad na sinampahan si Maggie at business partner nitong si Tim Connor ng kasong ng adultery o pakikiapid.
Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji
Mariing itinanggi ni Tim na mayroon silang relasyon ni Maggie, at tinawag na basura ang reklamong isinampa sa kanila.
Read: Tim Connor reacts to "rubbish accusations" against him and Maggie Wilson
Nitong nakaraang February 7, 2023, inakusahan ni Maggie ang sinasabi niyang “authorities” na diumano'y umaaligid sa kanilang bahay at nagtangka umanong hainan siya ng warrant of arrest.
Read: Maggie Wilson cries harassment after “authorities” tried to barge into her Taguig home
