Binigyang-laya na ni Vina Morales ang ex-partner na si Cedric Lee na makipag-ugnayan sa anak nilang si Ceana Lee.
Kasunod ito ng rebelasyon ni Vina na nagkaayos na sila ng ex-partner dahil ang namayani sa kanila ay ang kapakanan ng kanilang anak.
Read: Vina Morales now civil with ex-boyfriend Cedric Lee: “Para sa anak namin.”
Malayung-malayo ito sa sitwasyon noong mga nakaraang taon. Inakusahan noon ni Vina ng kidnapping si Cedric matapos lumagpas ng ilang araw ang bonding nito at ni Ceana.
Ngayon, ayon kay Vina, hindi na siya nakikialam kung kailan naisin ni Cedric na makasama ang anak.
Kuwento ni Vina, “Sila nag-uusap. Ayoko nang makialam diyan. You know my daughter, she’s old enough to communicate with her dad.
“So they plan things together, if they want to see each other. Pag puwede siya, walang school, and she’s free, they can do whatever they want.”
Si Ceana ay 13 years old na ngayon at Grade 11 na.
Paano naayos ang co-parenting nila ng nakaalitang ex-boyfriend?
Ayon sa singer-actress, may mga hindi lamang sila pinagkaunawaan ni Cedric dati na blown out of proportion.
Paliwanag ni Vina, “Even naman before, ganun naman talaga. It’s just that may mga pinagdaanan lang kami na minsan napapalaki na hindi na naman dapat. But even before, wala naman akong problema."
Proud na sabi pa ni Vina tungkol sa anak: “Thankful dahil lumalaki yung anak ko na mabait. Hindi naman spoiled ang anak ko, nasa tama lang.
“I don’t’ say no pag need naman. Kaya nga tayo nagtatrabaho para bigyan sila ng mas maluwag na buhay.
“So, you know, I give her what she needs and what she wants. Pero pag sumobra, hindi naman na puwede kay Mommy.
"But she’s really doing well in school. She’s actually top honor, si Ceana.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa labas ng Quezon City-Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 93 kahapon, March 14, 2023.
Naroon si Vina at naghihintay na tawagin sa loob ng hukuman para sa isang lumang kasong kanyang kinasasangkutan.
VINA: 'NEVER AKO NA MAY NAKAAWAY SA TRABAHO'
Lagpas tatlong dekada na si Vina sa industriya, pero hindi pa umano siya nasangkot sa malaking kontrobersiya kaugnay sa mga naging katrabaho niya.
Saad ng Kapamilya actress, “You know, wala naman akong maisip, kasi sa mga nakakatanda na artista sa akin, palagi naman akong gumagalang sa kanila.
“Never ako na... meron ka bang narinig, all these years na may nakaaway ako, wala, di ba? Or tinarayan ko? It’s not me.
“Kaya siguro tumagal ako ng more than thirty years. Thirty years in the business, that’s longevity.
"Kung may attitude problem ka, I don’t think na tatagal ka sa ganitong business, any business."
Idiniin ni Vina ang kahalagahan ng maayos na pakikisama sa katrabaho.
Paliwanag niya: “Maski may talent ka. Kumakanta ako, sumasayaw ako, uma-acting ako, pero kung may attitude problem ka, hindi ka kukunin kasi maraming talented.
“So, I think ang pinakaimportante dito sa trabaho natin is paano ka, is the attitude.
"Kung paano ka makisama on and off camera, para magtagal ka sa business na to or any business.”
Never daw siya nag-inarte sa mga baguhan din sa industriya.
Saad niya, “Sa tagal ko na, wala naman akong naalala kasi nagbibigay-pugay naman sila sa akin.
"Siguro baka naunahan ko sila ng tawa. So, imbes na mahiya sila, lalapit na lang sila.
"Di ba? Wala naman akong pinipili.”
