PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Velarde debuts new beau after loss

Katrina Velarde: "I THANK GOD THAT HE ALLOWS ME TO FALL INLOVE AGAIN."
by Arniel C. Serato
Published Mar 14, 2023
Katrina Velarde introduces new love on social media
Singer Katrina Velarde on her new foreigner boyfriend: "Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat..."
PHOTO/S: Courtesy: Katrina Velarde on Facebook

Pinakilig ng Asia’s Vocal Supeme na si Katrina Velarde ang kanyang followers dahil sa pagbabahagi niya ng larawan nila ng kanyang boyfriend na foreigner sa social media kahapon, March 13, 2023.

Ito ay matapos ang isang taon at apat na buwan mula nang pumanaw ang kanyang asawa, ang American musician na si Mike Shapiro, noong November 14, 2021.

Read: Katrina Velarde's husband Mike Shapiro passes away at 57; singer asks for privacy to mourn

Caption ni Katrina sa una niyang post, “Test flight was successful. Thanks my Captain Pilot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi binanggit ng singer ang pangalan ng dayuhang muling nagpapatibok ng kanyang puso.

Pero kinilig at tinukso si Katrina ng ilang followers na nagkomento sa kanyang post.

Sabi ng isa niyang follower: “Ayyyyy Asias afam hunter paaaaakkk super big notes mamshieee”

Sagot ni Katrina, “z sharp minor”

Katrina Velarde new foreigner boyfriend

Pero may pumuna rin dahil tila naka-move on daw agad si Katrina sa pagkamatay ng asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Wala pang 1 yr nagpakamatay mister mo, pinalitan mo na agad. Wow.”

Tugon ni Katrina, “sana all judgemental.”

Katrina Velarde new foreigner boyfriend

Dagdag pa ng singer, sana ay hindi siya hinusgahan dahil hindi naman sila personal na magkakilala ng netizen.

Aniya, “thank you, but you know what feels weird to me? That you judge me based on what you just see. And you dont even know me PERSONALLY. But godbless! Be kind [heart, praying hands emojis]”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Katrina Velarde new foreigner boyfriend

Kasunod nito ang mahabang post ni Katrina—na kilala rin dati bilang Suklay Diva—tungkol sa kanyang bagong pag-ibig.

Ngayon daw ay kumpleto na ulit ang pagkatao niya. At nagagalak daw siyang ipakilala ito sa publiko.

Paglilinaw pa ni Katrina, hindi ito "afam is life." Ang "afam" ay slang word ng "A foreigner around Manila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong post ng singer: “Hi captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and i was NOT prepared for your ARRIVAL. But here you are with me right now...

“Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat... I THANK GOD THAT HE ALLOWS ME TO FALL INLOVE AGAIN [praying hands, heart emojis]

“It's not afam is life, it's your love that is life...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

November 21, 2021, pumanaw ang musician husband ni Katrina na si Mike.

Ikinagulat ng mga kaibigan at tagahanga nina Katrina at Mike ang balita tungkol sa pagkamatay ng talented musician dahil kakakasal pa lamang nila noong May 2021 sa Tagaytay City.

Read: Mister ni Katrina Velarde ni Mike Shapiro, ex-husband ng jazz singer na si Kevyn Lettau

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Katrina Velarde on her new foreigner boyfriend: "Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat..."
PHOTO/S: Courtesy: Katrina Velarde on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results