PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vina Morales and Cedric Lee reach civil terms

Vina Morales: "Magkaroon ng peace na lang."
by Arniel C. Serato
Published Mar 14, 2023
Vina Morales-Cedric Lee reconciliation
Singer-actress Vina Morales (left) on reconciliation with ex-boyfriend Cedric Lee (right): "Wala nang cases, finally. Both sides, naayos na. We’re very civil. Basta kung ano yung maganda para sa anak namin.”
PHOTO/S: Arniel Serato / File

Nagkaayos na sina Vina Morales at ang nakaalitang ex-boyfriend na si Cedric Lee.

Ayon kay Vina, parang dumating na lamang ang panahong pareho na silang nanawa sa pakikipag-away sa isa’t isa.

“In God’s time, naayos din. Wala nang cases, finally. Both sides, naayos na," saad ng singer-actress.

Dagdag pa ni Vina: "We’re very civil. Basta kung ano yung maganda para sa anak namin.”

Sina Vina at Cedric ay may 13-year-old daughter, si Ceana.

Ayon pa sa Kapamilya star, nakatulong ang nagdaang pandemya upang mapagdesisyunan nilang maging civil na sa kanilang pakikitungo sa isa't isa.

“Kasi ngayon, alam mo naman yung mga realizations natin dahil sa pandemya, parang move on na.

“I think it’s my turn na magkaroon ng magandang pag-uusap. Magkaroon ng peace na lang, yun, yung mga realization mo, e, na maging mabuti na lang sa kapwa.

“Just be kind to everyone,” pahayag ni Vina.

Nakatulong din daw ang usapan nila sa korte na ayusin na lang ang anumang hindi pagkakaintidihan ng magkabilang kampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Vina, “Well, it just so happened na napag-usapan yun sa court, and sayang yung oras at saka siyempre maski papano gumagastos kami.

“Yung oras talaga, yun, yun, e. That time, it was pandemic, either pupunta ka or nag-o-online yung cases. Ano ba yan, parang move on na, tagal-tagal na.

“Yun na siguro, yung pride namin nawala on both sides. So, wala, we have to move on.”

Ano naman ang reaksiyon ng kanilang anak ngayong maayos na ang pakikitungo nila ni Cedric sa isa’t isa?

Tugon ni Vina, “She’s happy of course, makikita mo naman yun, e.

"Basta kami, we're civil and we’re just there for and kung ano yung makakabuti sa future ng anak namin.

"Yun lang naman. Magkaibigan naman kami."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa labas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 ngayong Martes, March 14, 2023.

VINA-CEDRIC COURT BATTLE

Kalagitnaan ng taong 2016, naghain ng reklamo si Vina laban kay Cedric sa San Juan Prosecutor's Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay kaugnay ng sapilitang pagtangay umano ni Cedric sa kanilang anak na si Ceana, na pitong taong gulang pa lamang noon, sa loob ng siyam na araw nang walang pahintulot mula sa singer-actress.

Nangyari raw ito habang nasa bakasyon si Vina sa ibang bansa kasama ang boyfriend nito noon na si Marc Lambert.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vina Morales files complaint against Cedric Lee for forcibly detaining their daughter

Pagkalipas ng ilang araw, noong June 2016, si Cedric naman ang naghain ng five counts of libel laban kay Vina.

Inihain ni Cedric ang reklamo niya laban kay Vina sa Office of the Provincial Prosecutor sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nakasaad sa inihaing reklamo ang tungkol sa pananakot diumano ni Cedric sa yaya ng anak nila ni Vina, na mariin nitong itinanggi.

Mahigpit ding pinabulaanan ni Cedric ang akusasyon ni Vina na binu-bully niya ito pati na ang pamilya ng singer-actress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: PEP SCOOP. Cedric Lee files five counts of libel against Vina Morales in Cabanatuan City

At makalipas ang halos pitong taon, wala na silang kinahaharap na kaso laban sa isa't isa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Vina Morales (left) on reconciliation with ex-boyfriend Cedric Lee (right): "Wala nang cases, finally. Both sides, naayos na. We’re very civil. Basta kung ano yung maganda para sa anak namin.”
PHOTO/S: Arniel Serato / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results