Pinapurihan ng netizens si Maine Mendoza sa social media dahil sa maayos at magandang payo nito sa isang participant sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! noong March 7, 2023.
Sa naturang episode ay tampok ang mga ina na 25 anyos o mas bata pa na mayroon nang limang anak o higit pa.
Kabilang sa mga pinagpilian ang 24-anyos na si Incess na mayroon nang apat na anak.
Ang panganay niyang anak na lalake ay may edad namang pito, na ipinanganak niya noong 17 years old lamang siya.
Sa huling bahagi ng panayam sa 24-anyos na ina ay hiningan siya ng mensahe para sa kanyang seven-year-old son.
Pinayuhan ni Incess ang panganay na anak na mag-aral nang mabuti.
Ito raw ang kasi ang inaasahan niya at ng kanyang asawa na mag-aahon sa kanila sa kahirapan.
Sabi ni Incess, “Ace, sana mag-aral kang mabuti dahil alam kong ikaw ang makakaahon sa amin sa kahirapan.
“Ikaw yung pursigido para gumanda ang buhay natin. Tsaka bata ka pa, kahit bata ka pa may pangarap ka na talaga.”
Dito ay kalmado at mahinahong nagsalita si Maine.
Aniya, “Tsaka ang bata mo pa, Incess, kayong mag-asawa. May pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay.”
Dagdag niya, “Tsaka bata pa si Ace. Huwag nating ipasa sa kanya yung responsibilidad. Marami ka pang magagawa, kayo ni Mister.”
Ibinahagi ng isang netizen sa TikTok ang short clip ng video.
Saad sa caption: “Yung 7 years old ka palang pero ang laki na ng responsibilities na nag aabang sayo #sheknows #mainemendoza #eatbulagabawaljudgemental #retirementfundsph #relationshipmattersph”
@zbnyebe Yung 7 years old ka palang pero ang laki na ng responsibilities na nag aabang sayo :( #sheknows #mainemendoza #eatbulagabawaljudgemental #retirementfundsph #relationshipmattersph ? She Knows - J. Cole
Sa comments section, sunud-sunod ang papuri ng netizens kay Maine.
Saad ng isa, “I REALLY STAN MAINE MENDOZA. She has so much wisdom and it shows. Many are knowledgeable but few can only be vocal and able to speak.”
Dagdag ng isa pa, “Eto yung gusto ko kay maine ehh she knows to call out well talaga hayss”

Papuri ng isa, “galing magsalita ni maine, di masakit pero may laman.”
Payo naman ng uploader, “Mga momshies, Huwag sana naten gawing retirement plan ang ating mga anak at ipasa ang ating responsibilities sa kanila.”

Narito pa ang ilan pang papuri ng netizens kay Maine:





Pinapurihan din si Maine ng netizens sa Twitter.
