PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Yeng Constantino does not feel threatened by newbie artists

"Siguro ngayon medyo may itsura na ako pero maraming mas maganda..."
by Melba R. Llanera
Published Mar 8, 2023
Yeng Constantino
Yeng Constantino on being ready for the chance at stardom: "Kapag nakapasok ka na, yun yung parang, 'At last, nandito na ako, nakasampa rin. Para siyang ganun, para siyang tren, parang tumatakbo everytime at gusto mong makapasok pero maraming nag-uunahan."
PHOTO/S: @yeng Instagram

Sa pagsulpot ng mga mahuhusay na mga baguhang singers, naalarma kaya ang mga popular nang singers tulad ni Yeng Constantino?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), aminado si Yeng na mas mahigpit ang kumpitensya sa OPM scene dahil sa dami ng nadi-discover sa talent search at social media.

Pero hindi raw siya naalarma sa mga baguhang gumagawa ng pangalan sa industriya, lalo pa't dinaanan niya rin ito.

Si Yeng ay nanalong grand star dreamer ng 2006 edition ng Pinoy Dream Academy, ang defunct talent search ng ABS-CBN.

"Alam niyo hindi, hindi talaga. Siguro kasi ako yung tao na alam ko yung suwerte kung bakit ako nandito talaga," pahayag ni Yeng.

"Lagi ko itong sinasabi, siguro ngayon medyo may itsura na ako pero maraming mas maganda.

"Sa audition pa lang namin sa Pinoy Dream Academy napapatingin na ako sa mga katabi ko, 'Makakapasa ba ako dito?'

"Di ako ganun kaganda, di ako ganun katangkad, chubbyhin pa ako, bilugin ang mukha, mukhang siopao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw para isipin niya na mas nakaangat siya sa ibang kasabayan niya noon.

Patuloy ni Yeng: "Kaya alam ko yung suwerte, e, na parang, 'Lord, pag may dumarating go for it. Go, gawin mo kung ano ang gusto mong gawin.'

"Kapag nakapasok ka na, yun yung parang, 'At last, nandito na ako, nakasampa rin.'

"Para siyang ganun, para siyang tren, parang tumatakbo everytime at gusto mong makapasok pero maraming nag-uunahan."

"Kapag nakasakay ka na, gratefulness na lang talaga and you celebrate, I celebrate kung sinuman ang nakakapasok kasi I know how hard it is."

Naniniwala rin si Yeng na iba rin ang hirap ng aspiring singers sa henerasyon ngayon.

Nasaksihan ito ni Yeng bilang hurado ng "Tawag Ng Tanghalan" ng It's Showtime at Pinoy Boyband Superstar.

Paliwanag ni Yeng: "Sinasabi nga nila, 'Grabe, ang hirap ng generation niyo. Grabe ang pinipila niyo. Yung mga bata ngayon nag-a-upload lang sa social media.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, hindi, mas marami silang competition ngayon.

"Sabay-sabay silang naga-upload, sabay-sabay silang nagre-release ng single. Kaya ako pag nakakita ako ng mga bata, 'Uy, nakapasok siya.

"I know na sinala yan na napakatinding suyod, parang ganun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng sa paglunsad sa kanya bilang ambassadress ng Academy of Rock, na ginanap sa Academy of Rock, sa Tomas Morato, Quezon City, noong February 27, 2023.

READ: Yeng Constantino opens up about how she fixed marital issues with Yan Asuncion

ON LONGEVITY IN SHOWBIZ

Mas malaking hamon, ayon kay Yeng, kung paano tumagal sa showbiz.

"Yung mag-stay, maraming mga sumali sa mga reality singing contests na nandiyan.

"Pagkatapos manalo sobrang daming trabaho, sobrang dami ng gig and then poof. It makes me sad na yun ang reality natin.

"Sa side ko, 'Panginoon, sobrang salamat na nandito pa ako.' Kaya pag ako tinatanong more than anything, yun talaga ang grateful ako sa Panginoon, 'Lord, salamat na nandito pa ako.'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagbigay-pugay siya sa kanyang talent management, ang Cornerstone Entertainment, sa paggabay sa kanyang karera.

Aniya: "Thank you sa Cornerstone din, sa manager ko, kay Kuya Ericson Raymundo, kasi minsan sa career na isang artist mako-confuse ka what you really want to do.

"Those times kailangan mo ng voice from outside to give you direction. I have that in my life."

May 17 taon na sa music industry si Yeng. May punto ba sa karera niya na muntik na siyang sumuko?

Sagot ni Yeng, "Hindi, hindi talaga. Wala akong alam ibang gawin kundi ito lamang. Kaya pakiramdam ko, pag wala na ako sa industry, baka mag-apply akong teacher dito sa Academy of Rock. Basta music lang."

Binahagi din ng singer-songwriter kung ano ang natutunan niya sa halos dalawang dekada niya sa showbiz.

"Maging relax lang," saad ni Yeng.

"Minsan nga gusto kong bumalik sa batang Yeng at sabihin ko sa kanya, 'Relax ka lang. Wag kang masyadong kabado, nerbiyoso. Wag ka ring malungkutin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ganun kasi ako nung mas bata ako. I think ngayong seventeen years na ako sa industry, I'm more relaxed.

"Talagang nalalagay ko na ang puso ko sa kapayapaan na everything is gonna work out for my good kung paano nilaan ng Panginoon."

Isa si Yeng sa mga singer na sumikat nang hindi kinailangang bumirit tulad ng iba. Mas nakilala siya bilang singer-songwriter na pop and rock ang genre.

Sabi naman ni Yeng: "Alam mo, I'm so honored kasi sabi mo sa akin yan. Pero I feel na kahit seventeen years na ako sa industry, marami pa akong kakaining bigas.

"For some reason, I still feel that way. Pero di naman ako yung parang disappointed or anything. It's just more on realistic lang ako sa sarili ko na more dreams pa to achieve.

"I'm so grateful na sa tinakbo ng career ko, nagkaroon ako ng opportunity to represent yung ganyang genre sa Philippines."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa raw si Yeng na mas maraming singers ngayon ang experimental sa kanilang music at branding.

"Pero siyempre faney talaga tayo ni Ms. Reg, di ba? Alam naman natin," tukoy ni Yeng sa Asia's Songbird Regine Velasquez.

Sabay paliwanag niya: "It's just that na mayroon talagang katulad namin na di ganun yung way na pagkanta.

"Ang sarap lang sa feeling to see these young artists na parang nagsusulat, gumagawa ng sarili nilang kanta, hindi natatakot maging fierce, anong kulay ng buhok, anong porma ang gusto nila.

"Sobrang happy ko. Parang nakikita ang parang aking mga supling.

"Minsan naiisip ko yun, e. Baka, maaari, nung narinig siguro nila ang music ko, nakita nila ako sa music video, 'Ay, puwede ko rin yang gawin balang araw.'

"It makes me feel so good inside na I can still, till today, na i-encourage ako lalo na i-stretch pa yung boundaries ko kung saan papunta yung music ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Yeng Constantino on cancel culture: "I know how it feels to be scared and to be bashed."

on having an ATTITUDE OF GRATEFULNESS

Nang magsara ang ABS CBN ay naging issue ang loyalty at pagtanaw ng utang na loob ng maraming mga artista.

Marami ang lumipat at umalis na sa Kapamilya network at nakaranas ng pamba-bash mula sa mga loyal viewers ng ABS-CBN.

Tinanong kay Yeng kung gaano ba kahalaga sa kanya ang loyalty at pasasalamat na tila nakakalaimutan daw ng maraming artista.

Idiniin niya na hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad para tumagal sa industriya tulad nina Regine Velasquez, Martin Nievera, at Gary Valenciano.

"Kasi para sa akin, kailangan grateful ka dahil lahat nang nangyari sa career mo ay parte ng kung sino ka ngayon.

"Whether yung mga singles ko na di pumatok, mga kanta ko na sobrang jologs, nakakatawa o mga kanta ko nahasa na ako as songwriter, lahat yun parte ng journey ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I should be grateful sa lahat sa lahat ng season of my career at sa lahat ng mga nakatrabaho ko."

Diin niya, "Grateful ka lang kasi ang ikli ng buhay, ang karera natin sa showbiz, ang suwerte mo kung maging Ms. Regine ka or Sir Martin or Sir Gary V. na talagang kahit may edad na, senior at kagalang-galang, mga bossing natin, mag-i-stay sa industry.

"Maari kasing hindi, e. Maaaring ngayon mentor ako ng Academy of Rock, may opportunity pa akong mag-record ng album, pero baka next three years baka wala na.

"Sa akin dapat grateful lang ako kasi di ko alam kung hanggang saan ang hangganan ng career na ito.

"Ang daming dumarating na mas maganda, mas magaling, mas maganda uli, mas talented."

May mga pagkakataon din naman na pinanghihinaan daw ng loob si Yeng, pero ibinabalik din daw niya sa tama ang kanyang perspektibo.

Paliwanag niya: "Dapat yung disposisyon natin, ako personally, gusto ko lang maging grateful at proud ako to say na—turo yan ng tatay ko sa akin—'Anak, magpasalamat ka.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ko rin naman maitatago minsan, pag sinumpong ako, pero sobrang dalang na naiiyak ako na, 'Pa, ang hirap pantayan ng 'Ikaw.'"

"Napi-feel ko yun, ang kumpetisyon ko ay ang sarili ko. Pag sumulat ako, 'Grabe naman yung kantang yun. Parang hindi ako ang nagsulat,' may ganung feeling.

"Pero papaalalahanan ako ng tatay ko, 'Hindi, grateful ka lang anak, chill.' I'm grateful na may ganun ako."

ON BEING SNUBBED BY OTHER stars

Nang tanungin kung nakaranas siya ng pang-i-i-snab ng ibang mga artista noong baguhan pa lang siya, inamin ni Yeng na hindi raw maiiwasan iyon.

"Oo, siyempre, may ganun talaga, e. Wala, deadma lang din, 'Ay, di ako pinansin,' e di hindi ko rin siya papansinin kasi baka may iniisip, ganyan."

Hindi rin daw siya basta naaapektuhan kapag hindi binabati ng mga baguhang artista.

"Yung ibang bata kasi ngayon, baka di naman nila narinig ang music ko. Parang di ko naman sila pipilitin na o anuhin mo ako, chill lang din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero di naman ako nakaka-feel ng inis. Kundi nila ako pansinin, kebs lang din talaga ako kasi kanya-kanya din kami ng mundo."

Maraming singers ang nakakasalumuha ang isa't isa kapag may appearance sa Sunday noontime show na ASAP Natin 'To.

Dagdag ni Yeng, "Pag tinanong niyo din sila Angeline [Quinto] sa dressing room, di rin naman ako namamansin, nasa sulok lang ako.

"Pag naka-make up na ako, buhay na ako uli, 'Hi!'

"Kanya-kanya kasi personality yan, e, bahala sila, basta galingan nila kasi nandito na sila.

yeng on upcoming ALBUM & academy of rock

Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ni Yeng na isang all original album ang ilo-launch niya ngayong taon na ito.

"Oo, nga nakita ko sa Twitter yung commotion, may thread.

"Nagulat ako recently na yung mga fans pala kinakatok na ako, 'Ate, kailan yung bagong album?'

"Excited ako this year, iti-teaser ko na. Maglalabas ako ng all-original album. At dahil nagpandemiya, marami-rami akong baon, marami akong kantang nasulat," pagbabalita ni Yeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, pumirma si Yeng bilang ambassadress ng Academy Of Rock, isang music school para sa pagkanta, paggamit ng musical instruments, at pag-aaral ng fundamentals ng pop music theory.

Ang founder ng Academy of Rock sa Singapore ay si Priscilla Teo.

Ayon kay Yeng: "Sobrang excited ako kasi si Priscilla, yung boss namin, ninang ko rin siya sa kasal dahil nga yun naging magkaibigan kami.

"After nila akong kunin as ambassador nung first time, sobra kaming naging close. For a time, di sila kumukuha ng ambassador ulit.

"Even so, kahit di pa ako ambassador ng Academy Of Rock sobra akong involved sa mga ginagawa nila, kasi to me Priscilla is a family.

"Talagang kami kahit walang okasyon nagtsi-chikahan kami, pag nandito siya sa Pilipinas nagkakape kami.

"Wala, sobra akong touched kasi hanggang ngayon ako pa rin yung top of her mind when it comes of representing her family."

Unang nilunsad ni Priscilla sa Pilipinas ang music school noong 2012, pero nagsara ito noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bagong co-owners ng Philippine franchise ay sina Enchong Dee, Joshua Garcia, Kristine Lim, Benedict Mariategue, Jacinto Lee Gan Jr., Jonathan Manalo,at Rox Santos.

Dagdag ni Yeng: "Sobrang grateful ako and siyempre sa mga bagong owners ng Academy of Rock sobrang grateful ako, sila Sir Jonathan, sila Kuya Rox, sila Benedict, sila Kuya Junior, salamat."

Bukas ito magbigay ng scholarships sa mga kabataan na kapos sa pinansyal na aspeto, pero may talento sa pag-awit at gustong pasukin ang showbiz.

"Yes, sa mga gusto po diyang tumawid sa industriyang ito, ang Academy of Rock ay open po for scholarships.

"Sana po ay subukan nyo po dahil baka ito ang industry kung saan kayo nababagay and may mga job opportunities din na ibibigay ang Academy Of Rock na they will announce soon."

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino on being ready for the chance at stardom: "Kapag nakapasok ka na, yun yung parang, 'At last, nandito na ako, nakasampa rin. Para siyang ganun, para siyang tren, parang tumatakbo everytime at gusto mong makapasok pero maraming nag-uunahan."
PHOTO/S: @yeng Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results