PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto's Absence at Niece's Wedding

Netizen to Claudine Barretto: "Hindi ka po ba pumunta sa wedding ni Dominique?”
by Arniel C. Serato
Published Mar 7, 2023
Claudine Barretto mum on netizens questions about her absence from Dominique Cojuangco's wedding
Eagle-eyed netizens noticed that Claudine Barretto (left) was missing at niece Dominique Cojuangco's wedding to Michael Hearn (right) last Saturday, March 4, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram / Ana Abiera Del Moral on Facebook

Engrande ang wedding ng unica hija nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco sa asawa nitong si Michael Hearn.

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Dominique at Michael sa San Agustin Church sa Maynila nitong nakaraang Sabado, March 4, 2023.

Ginanap naman ang bonggang reception sa National Museum of Natural History.

Read: Dominique Cojuangco now married to Michael Hearn

Maraming netizens ang nagtaka kung bakit wala sa kasalan ang ilang miyembro ng Barretto family, katulad ng tita ni Dominique na si Claudine Barretto at maging ang maternal grandmother ng bride na si Inday Barretto.

May hidwaan man si Gretchen at ang kapatid nitong si Marjorie Barretto, hayag namang bati na sila ng bunsong si Claudine at ng inang si Inday na nakaalitan din ni Gretchen noon.

Dahil dito, ang netizens na mismo ang nang-urirat kay Claudine kung bakit wala siya sa kasal ng kanyang pamangkin.

Tanong ng isang netizen (published as is): “Hi po.! Hindi ka po ba pumunta sa wedding ni dominique?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen ang sumagot na hindi raw yata invited si Claudine.

Ipinagtaka naman ito ng isa pang netizen dahil, sa pagkakaalam niya, okay naman ang relasyon ni Claudine kay Gretchen.

Netizens ask Claudine Barretto about her absence at Dominique Cojuangco's wedding

Netizens ask Claudine Barretto about her absence at Dominique Cojuangco's wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng isang netizen, “I understand Marjorie not invited kasi they’re not on speaking terms. But why is Claudine and her mom not invited? Odd”

Sagot ng isang netizen (published as is), “ayAw daw ni Dominique. Walang Barretto family member na invited”

Netizens ask Claudine Barretto about her absence at Dominique Cojuangco's wedding

Wala pang sagot si Claudine sa mga pang-uusisa na ito ng netizens.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CLAUDINE CIVIL WITH GRETCHEN, MARJORIE

Maayos pa rin ang pakikitungo sa isa’t isa ng magkapatid na sina Claudine at Gretchen, sa kabila ng civil relationship ni Claudine sa isa pa niyang ate na si Marjorie.

Maraming followers ang Barretto sisters na natuwa nang makita nilang magkasama sina Claudine, Marjorie, at iba pang mga kamag-anak na nagdiwang ng Bagong Taon noong 2022 sa Olongapo.

Samantala, hindi pa rin maayos ang ugnayan nina Gretchen at Marjorie. Wala rin si Gretchen sa nasabing family event.

Sa digital media conference ng Deception noong January 24, 2022, tinanong kay Claudine ang pagsasama nila ni Marjorie sa pagsalubong sa pagpasok ng Bagong Taon.

Related Story: Claudine Barretto spotted with estranged sister Marjorie in family reunion; have they reconciled?

Saad niya, “My mom just got out of the hospital two days ago because of COVID.

“Yes, we had a great New Year. Sinalubong namin ang bagong taon na sobra-sobrang masaya dahil magkakasama kami ng pamilya, ng buong pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was such a touching experience. Nakaka-miss yung mga pamangkin ko, nakasama ko ulit.

“Si Marjorie at ako, we were civil naman, pero alam mong wala na... wala nang gulo. Alam mong may peace na."

Dagdag ni Claudine, "It was, I think, the best New Year of my life. I’m sure, may dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat.

"I was just able to enjoy my nephews and nieces again, after two years nung nagkagulo sa wake ng dad ko."

FAMILY FEUD IN 2019

Muling sumiklab ang alitan ng Barretto sisters nang pumanaw ang ama nilang si Miguel Barretto noong October 2019.

Sa burol noong gabi ng October 16, 2019, naganap ang pagkakaayos ng mag-inang Inday at Gretchen na ilang taon ding may malalim na hidwaan.

Pero noong gabi ring iyon, nangyari ang mainit na kumprontasyon sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie na may hiwalay na hidwaan mula pa noong huling bahagi ng 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gretchen at Marjorie Barretto, nagkumprontahan sa burol ng kanilang ama?

Nang sumunod na gabi, October 17, 2019, sina Marjorie at Claudine naman ang nagkainitan at nagkasakitan dahil sa away pa rin nina Marjorie at Gretchen.

Read: Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama

Mula noon ay hindi na nakitang magkasama sina Gretchen at Marjorie.

Read: A Timeline: The Barretto Family Feud

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eagle-eyed netizens noticed that Claudine Barretto (left) was missing at niece Dominique Cojuangco's wedding to Michael Hearn (right) last Saturday, March 4, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram / Ana Abiera Del Moral on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results