Nagbabalik ang The Manila Film Festival (TMFF), na naglalayong mas pasiglahin ang panonood ng mga pelikula, lalo na ng mga baguhang filmmakers, sa buong Kamaynilaan.
Ang pinakakontrobersiyal na Manila Film Festival ay nangyari noong 1994.
Ang iskandalong iyon ay kinasangkutan noon nina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez, na ipinanalong Best Actor at Best Actress gayung ang talagang winners ay sina Edu Manzano at Aiko Melendez.
Ang manager noon ni Gabby na si Lolit Solis ang nagmanipula ng resulta.
Sa pagbabalik ng TMFF ay katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions, producer ng Tatlong Bibe (2017), Damaso (2019), Suarez: The Healing Priest (2020), Ayuda Babes (2021), at Yorme: The Isko Domagoso Story (2022).
Ang magbibigay ng grant ay producer at president ng Saranggola Media Productions na si Edith Fider.
Walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival ang makakatanggap ng at least three hundred thousand pesos.
Ang TMFF ay bukas sa qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad, kolehiyo, at senior high school.
Ang screenplay entries ay maaring ipadala via email sa themanilafilmfesival@gmail.com at ang deadline ng submission ay sa Marso 10, 2023, sa ganap na 11 p.m.
Sa March 20 gaganapin ang announcement ng selected eight entries, awarding ng first tranche of production grants, at assignment of mentors.
Ang submission ng completed film at teaser ay sa June 2, at magkakaroon ng promotion period mula June 3-24.
Mapapanood naman ang selected entries sa film screening na gaganapin sa June 17, at magkakaroon din ng awarding of prizes at a later date.
Ilan sa mga magsisilbing mentor sa The Manila Film Festival ay ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos.
