Naiintriga sina Xian Lim at Ashley Ortega na lihim umanong nagkikita dahil may namamagitan sa kanila.
Dawit pati ang figure skater coach ni Xian na inakusahan umano ng isang netizen na kinukunsinti sina Xian at Ashley.
Ang akusasyon pa ng netizen, niloloko umano ni Xian ang girlfriend na si Kim Chiu.
Base ito sa natanggap na direct message ng figure skater coach na si Ronan Capili.
Sabi pa raw ng netizen kay Coach Ronan, "Coach ka na din pala ng panloloko ngayon.
"Paano mo naatim na tulungan ang Xian Lim na yan na lokohin si Kim?
"Paano mo nagawang maging daan para patagong magkita yan si Xian Lim at Ashley Ortega na yan at lokohin si Kim?
"Wag sana kumite yan show niyo, mga manloloko."
Tinuldukan nina Xian at Ashley ang isyung may namamagitan sa kanila.
"Naku, wala po," natatawang sabi ni Ashley.
Humarap sina Xian at Ashley sa mediacon ng Hearts on Ice, na ginanap sa GMA Coop Building kahapon, March 4, 2023. Sila ang bida ng bagong Kapuso serye.
Paliwanag pa ni Ashley sa pagiging magkatrabaho nila ni Xian: "Kami ni Xian, we’re just friends.
"Siyempre, nakakatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero dedma na lang ako.
"Si Xian din naman, he’s aware of it."
Totoo raw na may mga netizen na pinararatangan siyang may relasyon umano kay Xian.
“Actually, hindi lang ako, pati siya, e,” lahad ni Ashley.
Sa puntong ito, sinabi ni Xian na dapat yata ay siya ang sumagot sa isyung may ugnayan sila ni Ashley nang higit sa pagiging magkatrabaho.
Bahagi raw ng preparasyon niya sa Hearts On Ice ang pag-e-ensayo niya ng figure skating.
Gumaganap kasi silang figure skaters sa serye.
Ayon kay Xian, "The coach that you’re talking about is Coach Ronan, my coach since I started being on ice.
"Since day one, siya talaga ang naka-witness ng paghulog ko. And Coach Anna Bermudez, she’s here. She’s our consultant for Hearts on Ice.
"Actually, ang requirement po rito, ang sabi po nila sa akin from the beginning of the show, 'O, Xian, maybe you can do some hockey, a little bit of skiing.'"
Kinarir daw ni Xian ang paghahanda sa show kaya siya nagpa-coach.
Ngayon lang kasi nakasubok ng figure skating si Xian, habang si Ashley ay talagang figure skater at nakapag-compete na sa ilang Asian countries.
Paliwanag pa ni Xian: "Siyempre, baka kailanganin ni Direk and mga writers also na makasama ko po si Ashley sa mga scenes.
"Kaya sabi ko, 'Sige, mag-training tayo.' So, we’re really preparing for the time that I get to a certain level na...
"I did post in Instagram our journey in ice skating. May mga levels po kasi yan. There’s five basic levels.
"So finally, noong nakuha ko na ang certificate, puwede na kaming magsama ni Ashley sa ice.
"Because mahirap naman po na isasabak na kami agad at masagasaan namin ang isa’t-isa.
"Lalo na po ako. Si Ashley, stable na stable na yan."
Posible raw na nakikita sila ni Ashley na nagte-training at nagte-taping kaya naugnay sila.
Sabi pa ni Xian, "Yung mga choreography namin ni Ashley. Siyempre, on ice, we’re dancing.
"Kita niyo naman sa material namin, we’re very much kumbaga, we played on the theme of love.
"We’re expressing love with each other, yung mga character namin."

BEING SEEN TOGETHER IN PUBLIC
Ayon pa kay Xian, siguradong marami raw ang nakakita sa kanila ni Ashley.
"So, wala, e, public. Public yung skating rink. Hindi naman namin puwedeng ipasara kahit gusto namin for safety rin, baka makasagasa kami ng mga bata.
"So, we’re skating in public. So yung mga emote-emote namin nakikita ng public.
"Siyempre, nagtataka sila, 'Bakit yung dalawa, nag-e-emote-emote rito?'
"I think, that’s where it came from. And unlikely na sabihan nila is si Coach Ronan."
Ang bintang ng netizen kay Coach Ronan, kinukunsinti niya ang patagong relasyon nina Xian at Ashley.
Kinumpirma ni Xian na ipinaabot ni Coach Ronan sa kanya ang mga galit na messages ng ilang netizens.
Paglilinaw ni Xian tungkol kay Coach Ronan, "Siya kasi ang nagko-choreo.
"Hindi naman sa ano, but he’s the one in-charge of the choreo.
"He will send me [screenshots], may nagse-send sa kanya. Siyempe yung coach, nagulat din siya because he’s just doing his job, di ba?"
At para na rin mas klaro at ikatatahimik ng concerned netizens, siniguro ni Xian na magkatrabaho lang sila ni Ashley.
"Yes, of course," mabilis na sagot ng binata na natawa na lang.
More hot stories on PEP.ph:
- Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?
- Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?
- Tito Sotto reacts to rumored goings-on in Eat Bulaga!: "Who says we’re splitting?"
- Joey de Leon unfazed amid reported rebranding of Eat Bulaga!
- Willie Revillame, nadadawit sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!; napipisil umano na pumalit sa TVJ?
