Naiintindihan ni Keanna Reeves ang mga personalidad na pinapasok ang escort service o kaya ay gumagawa ng adult content dahil sa pinansiyal na pangangailangan.
Ang escort service ay negosyo kunsaan binabayaran ang isang male o female companion para sa pagsama nito sa isang date.
Dating nagtrabaho bilang escort girl si Keanna.
"Kasi ako, nung dati kasi… ahhh parang… ang sitwasyon kasi, kailangan mong mag-survive," pag-amin ni Keanna sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Pero aminado rin siya na may epekto ang desisyon niya noon na maging escort girl.
Paliwanag niya, "Pero kung may choice ka, hindi mo siya gagawin dahil nakaka… yung respeto...
"Hindi tayo nagdya-judge. Pero huwag din tayong maging hipokrito!
"Kasi dun natin nakukuha yung respeto ng tao na… alam mo yung nakikita mo silang ganyan na, parang nababawasan yung respeto mo.
"Totoo yun! Kahit naman sa akin, nararamdaman ko yon! Na tingin nila, nag-e-escort ako. Na feeling nila, ganun.
“Kaya hindi ko siya iniisip dahil maaano ka, e. Maapektuhan ka kung iisipin mo. Deadmahin mo na. Kasi wala silang alam sa buhay mo."
Sa kaso niya, pinili ni Keanna ang talikuran ang pag-e-escort.
"Pero gagawa ka ng maganda para hindi ka nila mabastos. Dahil andun na yun e, hindi mo na yun mababago.
"So yun ang ano, kung may choice lang sana sila, gumawa sila ng ibang paraan. Kasi marami namang paraan, e.
"Ako nga, nagtitinda-tinda, e."
Punto pa ni Keanna: "Actually mas ano ako… mas may respeto ako sa lalaki or babae, tayong lahat, na kahit anong bagay, kikita lang kaysa maghubad.
"Promise! Oo, na-realize ko, makakuha ka pala ng respeto kung magbanat ka ng buto sa magandang paraan."
Nakapanayam ng PEP.ph si Keanna sa birthday party ng movie producer na si Marc Cubales, nitong Marso 2, 2023, Huwebes ng gabi sa Villa Matilde, Quezon City.
- Keanna Reeves, pinagbayaran ang pagmumura sa social media
- Keanna Reeves breaks up with 20-year-old boyfriend: "Nalaman ng mudra!!!"
- Keanna Reeves apologizes for admitting sexcapade with an actress' ex-boyfriend
STARS ENGAGING IN ESCORT SERVICE?
Sa halos dalawang dekada niya sa show business, naniniwala si Keanna na marami umanong artista, mapa-lalake o babae, ang "pa-booking."
"Naman! Oo naman," bulalas ni Keana.
Ang tinutukoy ni Keana na "booking" ay may kinalaman sa escort service.
Sinasabing puwedeng oo o puwedeng mauwi sa higit sa pagsama sa date ang escort service.
Ipinaliwanag ni Keana ang aniya'y kalakaran sa escort service.
Lahad niya sa PEP.ph, "The more kasi may pangalan, the more umaakyat ang presyo. Market value, ganun.
"Kasi, di ba, iba kasi ang dating pag nasa showbiz ka, kung nagpepelikula ka o nakasama mo ang mga artista or belong ka na sa showbiz, tumataas din ang market value mo.
"Either indecent proposal man yan o mga raket-raket sa commercial or endorsement, ganun na, given na yun.
"Pero pag wala ka pang pangalan, kahit gaano ka kaguwapo, kahit gaano ka kaganda, mababa talaga ang market mo kumpara sa nakita na sa TV."
Diin pa ni Keana, "Totoo yun! In reality. So nasa kanila naman yun kung paano nila gamitin ang pangalan nila.
"Ano ba, magpaano ba sila? Papa-booking ba sila? Mapapakinabangan talaga nila ang pangalan nila. Totoo yun."
Sinasabing puwedeng oo o puwedeng mauwi sa higit sa pagsama sa date ang escort service.
Nang tanungin si Keana kung may mga artistang lalaki ang "bumu-booking" sa gay customers, diretsahang tumugon si Keanna na naniniwala siyang marami ang ganoon.
Mayroon din daw mga personalidad na ginagamit ang "booking" para magkaroon ng koneksyon sa maimpluwensiyang tao sa showbiz para sumikat.
"Matagal nang lakaran yan, e! Dati pa yan. Ngayon, talamak na yan," pananalig ni Keanna.
"Kasi hindi na sila nahihiya, e. Parang open na sa kanila na… na parang proud pa sila pag may presyo sila.
"Kasi parang diyan ang basehan ng level nila na mas guwapo sila, mas mahal sila, mas angat sila. Parang ganun. Parang in demand sila.
"So dati, tago. Nahihiya sila, idedemanda ka pa nga. Ngayon parang pag pa-booking sila, alam na ng marami na pa-booking.
"They don’t care. Parang practical way. Parang ganun."
Tingin niya ay mas naging open ang iba sa ideya ng "booking" nitong pandemya?
Sagot ni Keanna: "Actually, actually isa din yung rason, dun sa pandemic, na ang mga tao, parang hindi na nahihiya din," pagtango ni Keanna.
"Na i-reason out nila na, 'Pandemic, e.' Parang you need to survive. So nakasanayan na lang din, hanggang ngayon, na ganun na ang kalakaran."
ON SELLING ADULT CONTENT ONLINE
Kaibigan ni Keanna si Jervy de los Reyes na sumabak sa pagiging adult content creator noong 2021.
Si Jervy ay finalist ng "BidaMan," isang male talent search contest ng It's Showtime, noong 2019.
READ: BidaMan finalist Jervy delos Reyes explains what drove him to engage in online sex
"Nag-promote siya sa Twitter. Tapos may registration, mag-subscribe ka," komento ni Keanna ukol kay Jervy.
Sabay napatanong din si Keanna, "May bago pa ba siyang videos? Ano naman ang mangyayari sa ano niya?"
Nilalabas ng adult content creators ang kanilang videos sa "OnlyFans" or "Just For Fans," na mga uri ng self-subscribed sites kunsaan makakakita ng uncensored photos at videos.
May creators na yumayaman dahil sa paggawa ng ganitong content.
"Kasi tinatangkilik sila ng mga bakla. E, andami-daming bakla sa buong mundo!” komento ni Keanna.
"E, ang internet, worldwide. Cover iyan kahit ibang bansa. E, yung sa ibang bansa, di ba, medyo ano sila, curious sila sa mga artista dito.
"E, tayo, dedma naman na tayo sa mga artista. Sila, sobrang malaking bagay sa kanila yun.
"Kaya magpapadala at magpapadala ng pera yung mga bakla. Dun sila yumayaman."
Tingin ni Keanna, hindi masyado kikita ang adult content dito sa Pilipinas.
"Pero tayo dito… parang siguro, maka-one month ka na… hindi ko alam kung anong reason mo na mag-register ka pa ulit.
"Kasi ganun lang, hindi naman lalaki iyon!” pagmumuwestra ni Keanna sa private part ng lalaki.
"Ganun lang din naman. Forever na lang ganun! Anong gagawin nun, ta-tumbling ba yun?! Mag-split ba yun?! Magsanga-sanga ba yun?! Hindi naman, di ba?!"
Hindi kumbinsido si Keanna sa online adult content online.
"Hindi nga! Ganyan nga! Paglabas nun… ganun! Parang wala ka nang excitement makita.
"Dahil… ano pa ba ang puwede niyang gawin?!" pagdidiin ni Keanna.
Base sa mga salita ni Keanna, tila ang ibig niyang sabihin ay walang lasting happiness na dulot ang adult content.
“Sige nga! Patayuin mo siya. Hawak-hawak niya. Ano pa ba ang puwede niyang gawin? Ipasok? Saan?! Ano ba ang extreme na puwede niyang gawin?
"Ano ang pinaka na puwede niyang gawin para mag-renew ka ng subscription? Di ba?
"Siguro okey na yung one month. Pero after one month, mag-register ka pa ba ulit?"
Sabay sabi niya sa creators ng online adult content, “Pero sila, actually, dumadaan din sila sa depression.
"Kasi na-realize nila, e. E, wala na silang magawa. Kasi nangyari na.
"At hindi na nila iyan mauulit na iano, i-reformat ang buhay nila. Yun na yun, e."
Read more hot stories on PEP.ph:
- Eric Tai on being axed from It’s Showtime in 2016: “Di na nila kami kailangan.”
- Sarah Geronimo, may mensahe para kina Mommy Divine at Daddy Delfin
- Content creator, multi-millionaire at 16; nakapagpundar ng properties, car, businesses
