Sa 14 years ni Barbie Forteza sa showbiz industry, marami na siyang roles na tumatak sa isip ng kanyang mga fans.
Hindi lang kasi siya magaling sa pag-arte, madali rin siyang maka-develop ng chemistry sa mga aktor na ipinapareha sa kanya.
At kahit pa isa sa mga nakapareha niya—si Jak Roberto—ay naging boyfriend niya in real life, kaya pa rin niyang magpakilig kahit iba ang kapareha niya.
Hindi ba't mainit ang pagtanggap ng TV viewers sa FiLay, ang tambalan nila ni David Licauco na hango sa Fidel at Klay, ang pangalan ng mga karakter nila sa katatapos lamang na seryeng Maria Clara at Ibarra?
Alamin natin kung sino pa ang lucky guys na nakatrabaho niya.
Barbie Forteza loveteams and their projects together
Joshua Dionisio (2009)
Si Joshua ang naging una sa maraming naging mga kapareha ni Barbie nang gumanap sila bilang dalawa sa lead characters ng Philippine adaptation of Stairway to Heaven (2009) bilang younger versions nina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos).
Bukod dito, naging magkatambal din sila sa Pilyang Kerubin (2010), Tween Academy: Class of 2012 (2012), First Time (2010), Ikaw Lang ang Mamahalin (2011), at Nita Negrita (2011).

Derrick Monasterio (2012)
Kilala rin ang kanilang tambalan as DerBie. Aside from Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa (2012), nakapareha ni Barbie si Derrick sa Anna KareNina (the 2013 remake), The Half Sisters (2014), Genesis (2013), at Inday Will Always Love You (2018).

Andre Paras (2016)
Noong 2014, magkasama na sina Barbie at Andre sa The Half Sisters pero hindi pa sila love team during this time. Sa Thats My Amboy (2016) sila naging magkapareha. Dito sila na-label ng fans as AnBie. During this time, tinagurian din sila ng YES! Magazine bilang isa sa mga Fast-Rising Love Teams.
Sa ngayon, hindi na sila working as a love team pero magkasama sila as co-hosts sa Sunday PinaSaya (2015).

Ken Chan, Jai Patel, Ivan Dorschner, and Jak Roberto (2017)
Ang haba ng hair ni Barbie dahil not one, not two, but four guys ang kanyang ka-loveteam sa Meant to Be (2017). Sa romcom TV series na ito, si Yuan Cruz Lee (Ken Chan) ang main ship para sa palabas na ito at nakatuluyan ng character niyang si Billie Bendiola. This gave rise to their loveteam, also known as KenBie.
Sina Jai Patel (Addy Raj), Ethan Spencer-Hughes (Ivan Dorschner), at Andoy dela Cruz (Jak Roberto) ang iba pang guys na nakapareha ni Barbie rito. Gumanap sila bilang mga suitors ng dalaga.

Jak Roberto (2019)
Speaking of Jak Roberto and suitors, naging daan ang Meant to Be para makilala nang masinsinan ng Pambansang Abs ang dalaga. Bukod sa series na ito, sa Kara Mia (2019) nasaksihan ng madlang pipol ang kanilang first formal pair-up as an onscreen tandem, also known as JakBie.
Nachismax ang magkapareha noong 2017 at may mga lumabas pang haka-haka na mukhang nagkakamabutihan na sila at marahil ay mag-on na. Nabisto ang kanilang pagsusuyuan dahil sa co-hosts ng dalaga sa Sunday PinaSaya.

Rob Gomez (2022)
Love triangle naman ang peg nina Rob Gomez, Barbie Forteza, at David Licauco when they starred in lead roles sa Mano Po Legacy: the Family Fortune (2022).
Sa kabila ng pagiging ka-love triangle ni Barbie sa dalawang binata, masasabi naman niyang masaya siya sa kanilang pagsasamahan.
"I admire their willingness to learn and I’m happy to have shared some of my experiences with them," saad ng dalaga sa kanyang panayam with PEP (Philippine Entertainment Portal) noong February 2022.
Mainit ang pagtanggap ng audience sa tambalang Barbie at Rob.
“For people to see the work that we put in always feels good. To receive positive comments [is] always good. Thankful ako na napapansin nila that we can work together really well and I am honored to be paired with such a great actress," ang sabi naman ni Rob nang makausap siya ng PEP.ph noong January 2022.

David Licauco (2022)
Naging hit naman ang tambalang Barbie at David sa Maria Clara at Ibarra,(2022), isang fictional series based on Jose Rizal’s Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Gumanap si Barbie bilang si Klay while David gave life to Fidel. This gave rise sa kanilang tambalang nakilala bilang FiLay.
Hindi naman papipigil ang ibang netizens na mistulang nagnanais na maging reel to real romance ang kanilang match-up. At dahil dyan, nabuo ang Team BarDa.
Lalo pang umigting ang kagustuhan ng kanilang fans na maging real couple ang dalawa dahil sa February 6, 2023 episode ng Fast Talk with Boy Abunda kung saan natanong si David kung liligawan niya si Barbie if ever na single siya.
Pambungad na tanong ni Tito Boy, “Halimbawa lamang, David, hypothetical, single si Barbie, liligawan mo ba siya?”
“Tito Boy, I like smart, go-getter na babae, [and I like] cute girls, simple lang. Ganun si Barbie,” ang indirect na sagot naman ni David.
Hirit ni Barbie, “Hindi niya sinagot kung yes or no.”
To which ang reply naman ni Tito Boy, “Oo nga, David, it is a yes or no?”
Mabilis na sagot ng aktor, “Yes.”
