Engaged na ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Angelie "Lie" Reposposa, 19, sa kanyang non-showbiz British boyfriend na si Paul Joshua Marsden, 19.
Read: Lie Reposposa posts foreigner boyfriend on social media
Nitong Biyernes, February 24, 2023, inibihagi ni Lie ang balita sa kanyang Instagram account kasama ang ilang litrato kung saan makikita ang engagement ring na bigay ng kanyang boyfriend.
Caption ni Lie sa kanyang post, "It’s a YES. Parents approved."

Umani ng congratulatory messages ang comments section ng post ni Lie mula sa kanyang Instagram followers at mga batchmates nito sa Pinoy Big Brother, kabilang sina Lou Yanong at Kaori Oinuma.
Ngunit ilang oras matapos ibahagi ni Lie sa kanyang Instagram ang mga litrato ay binura na niya ito.
Nitong Martes, February 23, 2023, unang nagpahiwatig si Lie na siya ay engaged na sa kanyang British boyfriend.
Sa vlog nito sa YouTube na may titulong "A DAY IN OUR LIFE #1," makikita ang thumbnail na may nakasulat na "swimming vlog with my fiancée."

Sa vlog, makailang beses tinawag ni Paul na "my wife" si Lie.
Sabi pa nito, "I'm gonna marry her in about approximately one year. Less than a year, probably."

Unang ibinahagi ni Lie ang kanilang relationship status noong December 2022 sa Instagram.
Caption nito: "Your my sun and moon your everything between in the middle of the stars collide with you."
Nilagyan niya ito ng hashtag na #rodtoo4ever (road to forever).
READ MORE:
