Nagpaalala ang National Museum of the Philippines (NMP) sa publiko na irespeto at igalang ang artworks sa loob ng museum.
Ipinost ang paalala at iba pang general guidelines kasunod ng pag-viral ng kuhang video ng ilang kabataang bumisita sa museo.
Ginawa nilang sandalan ng cellphone ang isang artwork para gumawa ng TikTok video.
Read: VIRAL: Artwork sa loob ng National Museum, ginawang phone stand para sa TikTok video
Mariin ding ipinaalala ng museum management na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng videos sa loob ng establishment.

Ipinost ng NMP ang paalala sa verified Facebook account nito noong February 22, 2023.
Bahagi ng post nito: “The NMP would like to urge all visitors and museum-goers to adhere to our Visitor Guidelines, and treat works of art and specimens on display with utmost care and respect, especially during National Arts Month.
“The NMP would also like to encourage all guests to serve as stewards of our collections and do their part in the protection, preservation, and dissemination of the Legacy of Filipino people.”
Kalakip ng post ay ang screenshot ng visitor guidelines at binigyang-diin dito ang reminders ukol sa pagkuha ng videos at photos.
Paalala sa picture-taking: “Taking of pictures is allowed inside the museum premises. However, using of camera flash is not allowed.”
Pagdating sa pagkuha ng videos: “RECORDING OF VIDEOS IS STRICTLY PROHIBITED.”
Dagdag nito: “The National Museum of the Philippines will remain committed to providing a safe, accessible, and educational environment for all visitors to enjoy.
“We hope that these guidelines impart a meaningful visitor experience to all our museum patrons.”
VIRAL VIDEO IN THE NATIONAL MUSEUM
Kamakailan, pinag-usapan ang kuhang video ng freelance artist na si Rodney James De Guzman kung saan kinunan niya ng video ng dalawang kabataan na nag-record ng TikTok video sa loob ng museo.
Ginawang phone stand ng isa ang isang artwork para i-record ang kanilang sayaw.
Dismayado ang artist na si Rodney dahil may paalalang nakalagay na bawal hawakan ang artworks.
Ipinost niya ang video sa Facebook, with the caption (published as is): “mag appreciate at matuto, magTIKTOK at patungan ng cellphone ang artwork. FYi that is a marble artwork, nakalagay na do not touch, PINATUNGAN NAMAN!”
Marami sa netizens ang pumanig kay Rodney at pinuna ang dalawan kabataan na walang pagpapahalaga sa gawang sining sa loob ng museo.
Ibinulgar din ni Rodney na marami siyang nakikitang kabataang visitors sa National Museum na gumagawa ng videos para sa TikTok.
