Dahil magtatapos na ang phenomenally successful prime-time series na Maria Clara at Ibarra (MCI) ngayong Biyernes, February 24, 2023, nahaharap sa matinding pressure ang ppapalit dito.
Simula Lunes, February 27, ay ang mythical drama na Mga Lihim ni Urduja, na pinagbibidahan ng mga dating Sang’gres ng Encantadia na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Kylie Padilla.
Kasama rin sa cast sina Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan, Zoren Legaspi, at iba pa.
Ang tanong nitong mediacom ng Mga Lihim ni Urduja, makakamit kaya nito ang viewership at mataas na ratings ng MCI?
Si Zoren, na gumaganap bilang si Marius sa bagong teleserye, ang sumagot sa tanong na ito.
Sabi niya, “Well, it’s the same scenario ng Apoy Sa Langit namin. Ang papalit do’n, sina Carmina [Villarroel], ang Abot Kamay na Pangarap.
"And, at that time, yung production ng Apoy Sa Langit at Aboy Kamay, they we’re worried na, 'Ang taas ng ratings, paano kami?'
“Then, I told them, look guys, meron kayong ibang market. Ibang market ng Apoy Sa Langit, iba ang market niyo.
"And upon seeing no’ng trailer nila, kinongratulate ko na agad si Carmina and the director. Sabi ko, 'I think, you’ll gonna do well kasi yung market niyo.'
"Honestly, I cried do’n sa trailer nila. It made me cry, so lalo na ang mga kababaihan, yung may mga anak.
“So, don’t worry about the ratings. The ratings will be there. Ang importante, you do well. You do well on your work and the ratings are just icing on the cake.”
ZOREN PROUD OF Mga Lihim ni Urduja
Ipinagmamalaki din ni Zoren ang kanyang upcoming series, “Makikita niyo rin sa napanood niyo, I’m so proud of GMA. Kasi hindi sila nagtipid sa project na ito.
“Noong nagkaroon kami ng story conference, I was wondering, ‘Ha, matatapos ba natin ito?’ Kasi, binibilang ko ang taping. Yun pala, sky is the limit ang taping nito.
“It’s not sky is the limit na splurge. Pero, kung hindi matapos, hindi matapos. Wag madaliin.
"As you can see, makikita niyo naman ang result ng gawa. It’s very clean and it’s like a movie-life na appeal ng Urduja.”
Dugtong pa ni Zoren, “Kung sino man ang show na papalitan namin, kudos to that show na mataas ang ratings but, I believe, we have a different market.
“Magpapalit ka lang naman ng market. So ito, it’s an action-adventure na ang kagandahan dito, hindi pa talaga nauungkat ang istorya ni Urduja.
"So ang istorya ni Urduja, we don’t know if it’s real or it’s a myth.”
Valentine's Day with Carmina VILLARROEL
Kinamusta rin namin si Zoren kung paano nila ipinagdiwang ni Carmina ang nakaraang Valentine’s Day.
Ang binanggit nito ay ang anak na si Mavy Legaspi na nakikita naman sa social media kung gaano nga ka-sweet sa kanyang ina at sa nababalitang girlfriend na si Kylene Alcantara.
Natatawang pagbibida ni Zoren, mahirap daw mapantayan ang ginagawa ng anak.
Aniya, “I’m so lucky to have Maverick as my son dahil siya ang bumibili ng flowers, e.
“Although it’s my obligation to give, pero pinaubaya ko na sa kanya.
"Sabi ko, matatalo ko niyan kasi kung mamigay ng bulaklak, pinapakyaw yung buong tindahan.
“E, ako, isa lang ang binibigay ko.”
Sa isang banda, hindi raw talaga sila nakapag-celebrate ng Valentine’s Day ni Carmina noong February 14 dahil may taping ang kanyang misis.
Saad ni Zoren, “Bibisitahin ko sana siya sa set, but, you know, I had things to do.”
Kaya siguro raw, yung hindi na mismong araw talaga ng Valentine’s Day ang magiging selebrasyon nila ng asawa.
