Bukod sa pagkadismaya sa “wild” na indecent proposal na natanggap, pinalagan din ni Albie Casiño ang pang-iinsulto ng banyagang nang-alok na bayaran siya.
Ayon sa aktor, hindi tamang insultuhin ng isang banyaga ang Pilipino dito mismo sa sariling bansa.
Base sa post ni Albie, may indecent proposal sa kanya ang isang foreigner na nagtatrabaho sa Pilipinas.
Saad ni Albie sa kanyang Instagram Story kagabi, February 22, 2023: “IT’S SUCH A SHAME THAT WE AS FILIPINOS WE GET INSULTED AND DISRESPECTED BY FOREIGNERS IN OUR OWN COUNTRY.
“SAYING I COULDN’T AFFORD A HAIRCUT THEN THE INSULTS TRAVEL.”
Ayon sa aktor, nakabiyahe na siya sa iba’t ibang panig ng mundo, ngunit nalungkot siyang dito pa mismo sa Pilipinas siya iinsultuhin.
Kaya may panawagan din siya sa kompanyang nagpapasuweldo sa nasabing foreigner.
Sabi ni Albie: “I’VE BEEN ALL OVER THE WORLD AND IT’S SAD THAT I GET DISCRIMINATED IN MY OWN COUNTRY.
“WE CAN’T STAND FOR THIS AS A PEOPLE WHO EVER EMPLOYS THIS MAN DO BETTER.”

Noong February 21 unang ibinahagi ni Albie na nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa isang Instagram user.
Ipinakita pa ni Albie ang screenshot ng direct message sa kanya ng foreigner.
Nagkuwento ang foreigner ng mga bansang napuntahan niya, na hindi raw maa-afford ni Albie, kaya i-enjoy na lang daw ng aktor ang mga larawan ng foreigner sa ibang bansa.
Sabi pa ng Instagram user kay Albie: “I eat you for breakfast tiny man.”
Mukhang sinakyan lang ito ni Albie dahil sinagot pa niya ito, pero hindi na nakita ang sunod nilang usapan.
Ayon sa matikas na Albie, dati na siyang nakatatanggap ng indecent proposals pero kakaiba raw itong bagong natanggap.
Caption ng aktor: “WHOAH! I’VE GOTTEN INDECENT PROPOSALS BEFORE BUT THIS ONE IS WILD! @_____ YOU WANNA EAT ME THAT BAD MAN? CHILL BROOO”
Read: Albie Casiño calls out Instagram user for indecent proposal: “You wanna eat me that bad man?”
