PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Therese Malvar on Barbara Miguel

"Ha? Paano’ng nangyari iyon?"
by Rommel Gonzales
Published Feb 24, 2023
Therese Malvar at the presscon of Oras de Peligro
Natawa na lang si Therese Malvar nang marinig ang intrigang meron siyang kinalaman kaya hindi nagkapirmahan sina Barbata Miguel (not in photo) at Sparkle.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Aware si Therese Malvar tungkol sa isyu na kaya umalis ng Sparkle at GMA-7 ang kaibigan niyang si Barbara Miguel ay dahil diumano sa kanya.

Kuwento ni Therese, “Alam mo, sobrang funny kasi nung day nung presscon nila, I’m not sure kung the day of the presscon or the next day, bumisita po kasi siya [Barbara] sa lamay po ng lolo ko po. Tapos kinuwento niya po sa akin yung nangyari sa presscon.”

Ang presscon na tinutukoy ni Therese ay ang launch ni Barbara at iba pang artists sa ilalim ng Marikit Artist Management, kung saan may nagtanong kay Barbara kung dahil ba kay Therese kaya umalis siya sa management ng GMA-7 at Sparkle.

Sa pagpapatuloy ni Therese, “Sobrang tawang-tawa po kami na, ‘Ha? Paano’ng nangyari iyon?’

“Anyway, ako honestly I’m really happy for her where she is right now, as long as she’s happy.

"She’s receiving projects that she wants always at talagang naipapakita at nakikita ng mga tao ang galing ng isang Barbara Miguel, happy na po ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung saan man siya.”

Bukod sa magkaibigan, sina Therese at Barbara ang maituturing na contemporaries sa showbiz na sa murang edad ay may mga acting awards na.

Madalas nga ay napagkakamalan si Therese na si Barbara and vice versa.

Barbara Miguel (L) and Therese Malvar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Therese, hindi niya itinuturing na rival si Barbara.

“I would say, sa sobrang alike po namin, hindi ko siya tinitingnan as competitor kundi ano, kapatid talaga. Na parang, 'Ito yung na-receive ko, ikaw may na-receive ka na ikaw lang rin,' and proud na proud ako dun.”

working with jaclyn jose

Sa bagong episode ng Magpakailanman na eere sa February 25, 2023, makikipagtagisan ng husay sa pag-arte si Therese sa beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

“Sobrang hirap po ng role namin,” bulalas ni Therese. “Ako po yung anak ni Ms. Jaclyn Jose na ipinambayad sa utang niya.

"Kaya mostly po ang scenes naka-focus sa alitan naming mag-ina. And may mga scenes po na walang dialogue, tinginan lang po talaga namin.”

Pangalawang pagkakataon na ni Therese na makatrabaho si Jaclyn.

Una ay sa pelikulang Broken Blooms (2022), although hindi todong kabugan sa drama ang mga eksena nila sa nabanggit na pelikula, hindi tulad sa Magpakailanman episode nila sa Sabado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglalarawan ni Therese sa upcoming episode, “Eto po parang, finally naka-eksena ko siya ng sobrang dramatic. Sobrang saya, sobrang kinikilig po ako kasi kino-compliment ako lagi ni Ms. Jane [Jaclyn].

“Na parang, ‘Ang galing na bata!’

“Sobrang kinikilig po ako!

“Tapos lagi po kaming take one kahit sobrang bigat ng eksena. Ambilis kasing makakuha ng emosyon sa kanya kaya ko po nadadala rin.

“Sobrang galing niya po.

“Pero mahirap po talaga ang mga eksena namin.”

Sobrang na-drain daw si Therese kaya pag-uwi niya mula sa taping nila ni Jaclyn ng Magpakailanman ay pagod na pagod siya.

“Opo, seryoso! Kasi po si direk Neal del Rosario talagang pinush po ako sa pinaka-capacity ko. Minsan nagte-take two siya sa akin para, sabi niya, ‘Mas itodo mo pa.’

“So sobrang draining but sobrang fulfilling, excited na nga po akong mapanood sa February 25.”

Pinamagatang "Bayad Utang," gaganap dito si Therese bilang si Sally at si Jaclyn bilang si Andeng. Kasama nila si Dennis Padilla bilang si Monching at si Sparkle male star Larkin Castor bilang si Noy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON MOVIE ORAS DE PELIGRO

Hindi umaasa si Therese Malvar na magkakaroon siya ng acting award para sa kanyang role sa pelikulang Oras De Peligro.

Gumaganap si Therese bilang si Nerissa, ang masunuring anak nina Beatrice (Cherry Pie Picache) at Dario (Allen Dizon).

Paglalarawan ni Therese sa kanyang role, “Bilang sinabi ng nanay ko na huwag mag-rally, natakot po ako dun at sumusunod po ako dun. Pero once na na-realize ko at na-realize namin na parang mali yung tumahimik pa, sa huli lalaban po kami,”

Sa tunay na buhay ba ay aktibo si Therese sa mga rally?

“Ako po, hindi po ako active as in monthly, daily sumasali sa mga activities na ganun po. Pero once na may opportunity po ako or may time, like during elections, tumutlong po talaga ako. Nagbo-volunteer po ako.

“Kagaya nung sa elections nag-volunteer po kaming magkapatid to help sa pagka-count ng mga votes.”

Confident si Therese na ang mensahe ng pelikula ay "really strong," mabigat man ang tema nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "My role is very subtle but the whole message of the film is very strong.”

Kaya naman para sa aktres, hindi niya kailangan magkaroon ng acting award para sa pelikula.

Paliwanag niya, "I feel like the message itself sa audience is the award mismo! Talagang mensahe po talaga yung pinaka-main goal namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Therese sa mediacon ng Oras De Peligro na ginanap nitong Linggo, February 12, 2023, sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon sa Quezon City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natawa na lang si Therese Malvar nang marinig ang intrigang meron siyang kinalaman kaya hindi nagkapirmahan sina Barbata Miguel (not in photo) at Sparkle.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results