Engaged na ang Fiipino Olympic skateboarder na si Margielyn Didal, 23, sa kanyang longtime girlfriend na si Jozel Manzanares.
Sa Instagram nitong Martes, February 21, 2023, ibinahagi ni Margielyn ang mga litrato nila ng kasintahan na kuha sa kanyang naging proposal.
Nangyari ang surprise proposal sa isang sikat na wellness center sa Cebu City, ang Soul Sierra, kasabay ng pagdiriwang ng ika-walong anibersaryo nina Margielyn at Jozen bilang magkasintahan.
Mababasa sa caption ng Pinoy athlete (published as is): “Yes or YES ?!!
“Happy 8th Anniversary my bytch and cheers to our new Begingneng [beginning].”
Sa isang interview noong June 24, 2021, sinabi ni Margielyn na malaking bahagi ng kanyang skateboarding career ang nobya.
Ito raw kasi ang isa sa naghikayat sa kanyang bumalik muli sa pag-i-skateboard matapos niyang naaksidente.
Saad niya, "In 2014, I have a fracture in my collarbone. I did not compete for three months or more. I went underground to skating not competing for a while and then I met my girlfriend.
“She motivated me to be back on track.”
Noong 2020 Tokyo Olympics, isa si Margielyn sa kinatawan ng Pilipinas sa Women's street skate kung saan nasungkit niya ang ika-pitong puwesto sa kompetisyon.
Samantala, sa comments section ng kanyang Instagram post ay bumuhos ang pagbati ng ilang mga tagahanga at kaibigan.
Kabilang na sa mga nagkomento ang kapwa niya atleta na si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at ang Parokya ni Edgar frontman singer na si Chito Miranda.

