"Pangmalakasan at pangmayaman."
Ganito ilarawan ng maraming netizens ang kasal ng gamer at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao at asawa nitong businessman na si Christopher Quimbo.
Mismong Valentine's Day, February 14, 2023, ikinasal ang dalawa matapos ang mahigit sampung buwan nilang pagiging magkasintahan.
Read: Alodia Gosiengfiao marries Christopher Quimbo on Valentine’s Day
Bukod sa engrandeng white gown na suot ni Alodia at sa venue na pinagdausan ng kanilang kasal, isa rin sa nagpa-"wow" sa maraming netizens ang mga naging bisita ng dalawa, partikular na ang kanilang mga ninong at ninang.
Nitong Lunes, February 20, 2023, ipinost ni Alodia ang ilang kuhang litrato sa kanyang kasal kasama ang kanilang principal sponsors.
Read: THE WEDDING ALBUM: Alodia Gosiengfiao and Christopher Quimbo's Valentine's Day nuptials
Kabilang kasi sa mga ninong at ninang nila ay kilalang business tycoons sa bansa.
Nandoon sina Telesuccess Productions Chairman and CEO Larry Chan at misis nito at Tatler founder na si Peggy Chan; SM Engineering Design and Development Corp. President Hans Sy at misis nitong philanthropist na si Caroline Sy; Robinsons Retail Holdings Inc. President and CEO Robina Gokongwei-Pe at mister nitong lawyer na si Perry Pe.
Read: Meet the country's richest sisters
Kabilang din sa principal sponsors sina Vista Land and Lifescapes Chairperson Manny Villar at asawa niyang si Senator Cynthia Villar; at ang founder-CEO ng Belo Medical Group na si Dra. Vicki Belo at ang mister nito at managing director ng kompanya na si Hayden Kho Jr.
Read: Sy siblings, Manny Villar remain on top of Forbes Philippines' Richest 2022 list
NETIZENS REACT
Maraming netizens ang hindi nakapagpigil na magkomento sa post ni Alodia.
Anila, pangmalakasan at literal na pangmayaman ang kasal ni Alodia at Christopher dahil sa kanilang mga ninong at ninang.
Komento ng isang netizen, "Grabe…principal sponsors that can lift the Philippine economy."
Saad pa ng isa, “Grabe ang mga principal sponsors! Part ng wealthiest person in PH."
Sabi pa ng isa, "Sinampal na naman tayo ng kahirapan."
May iba pang nagbiro na lang dahil sa kanilang pagkamangha.
Hirit ng isang netizen, “Alodia, hanggang kay Mayor lang ang kaya ko kunin ninong. Alanganin pa kung papayag maging ninong kasi di kami close."
May isa pang humingi ng tips kay Alodia kung paano kunin ang mga ito na mga ninong at ninang.
Aniya, “Hindi pa po ako ikakasal pero pano po sila makuhang ninang din?"
May ilan pang hinamon si Alodia na i-reveal niya ang mga nakuha nilang regalo sa kanilang mga ninong at ninang .
Hamon ng isa, "Alodia, sige nga kung malakas ka talaga pa-reveal ng wedding gifts."
Banat pa ng isa, "Sana all binigyan ng bagong mall at Camella Homes."
Biro pa ng isa, "Wedding gifts: 1 Earth, 1 Mars, 54 stars, 17."
"Ewan ko nalang kung nakatanggap pa ito ng baso at plato,"saad pa ng isa.
READ MORE:
