Hindi napigilang maging emosyunal ng Star for All Seasons na si Vilma Santos nang alalahanin ang pagkatalo ng asawang si Ralph Recto sa senatorial election noong 2007.
Sa kanyang Vilma, Anim na Dekada 60th anniversary special ng ABS-CBN, nagbalik-tanaw si Vilma kung gaano kahirap at kasakit sa kanyang makitang natalo ang mister na noon ay tumakbo bilang senador.
Read: Vilma Santos marks 60th showbiz anniversary with ABS-CBN show
Nagsimula ito nang mapag-usapan nila ng host na si Boy Abunda ang naging karera ni Vilma sa pulitika na nagsimula noong June 30, 1998 nang manalo siya bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Lipa City, Batangas.
Naging gobernador siya ng lalawigan ng Batangas mula June 30, 2007 hanggang June 30, 2016.
Naglingkod din siya bilang House Representative ng 6th District ng Batangas, kung saan natapos ang kanyang termino noong June 30, 2022.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa kanya ay isa ring lingkod-bayan ang kanyang asawang si Ralph, na kongresista ngayon sa Batangas.
Tanong sa kanya ni Boy, "I just wanna go to Ralph, does it sometimes bother you na, halimbawa, magkasama kayo ni Ralph na ang tao ay sa yo pumupunta, Vilma Santos ka, e? And I know how nurturing you are. I know how supportive you are sa iyong asawa. Paano mo mina-manage yon na, nandito ang aking asawa.' How do you do that?”
Sagot ni Vilma, "Not easy, Tito Boy.
"There was the time that Ralph lost the election and then I won as the second-time governor [sa Lipa City], and we were walking in a mall and then..."
Saglit na napahinto si Vilma at humingi ng paumanhin dahil nagsimula na siyang mapaluha at maging emosyonal.
Pagpapatuloy niya, "Yun nga, lalapit sa iyo yung tao congratulating you and mob you.
"'Congratulations,' and then your husband lost. I felt so bad instead of maligaya ako."
Read: Vilma Santos, sinabi ang dahilan ng pagpapahinga sa pulitika after 24 years
Malaking bahagi raw ng kanyang political career si Ralph dahil ito ang nagsilbi niyang mentor simula't sapul.
Madamdaming pagbabalik-tanaw ni Vilma, "I felt so bad for my husband because he's my mentor.
"He's the one who's guiding me. If I made good as a public servant, it’s because of him.
"Tinu-tutor niya ako. Kapag may mga issues [sinasabi niya], 'You need to learn this, Vi.' And kahit abutin kami ng 2 a.m. in the morning, 'You need to learn this and that.'
"He's my mentor. And then when he lost, then yung mga people ako ang mina-mob, nabalewala yung asawa ko.
"Instead of being happy, I felt bad."
Read: Vilma Santos pens sweet message for first grandchild Baby Rosie: "Proud of you!!!"
Labis man ang panghihinayang noon ni Vilma sa pagkatalo ng asawa, napalitan naman daw ito ng saya at pag-asa nang manalo ang kanyang mister sa muli nitong pagtakbo noong 2010.
Saad niya, “The good thing is, God is so good, kasi yung sumunod na election, he won again because he deserves it.”
Naniniwala rin si Vilma na dahil sa magandang hangarin ng kanyang mister para sa mga Pilipino kung kaya’t muli itong pinalad makapaglingkod.
Sabi ng award-winning actress, “Talagang dapat lang [manalo] dahil alam ko yung sincerity ni Ralph to serve the people. At yung intelligence niya sayang kapag hindi nagamit dahil sa kanyang magagandang plano para sa mga Pilipino.”
READ MORE:
- Vilma Santos breaks down when asked about son Luis Manzano's investment issue
- Vilma Santos, naging emotional nang makita sina Christopher de Leon, Claudine Barretto sa kanyang 60th anniversary special
- Mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano, nananatiling loyal sa ABS-CBN kahit walang prangkisa
- Vilma Santos gears up for comeback film with director Erik Matti
