PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino reunites with Vilma Santos

Carlo to Vilma: “Sana makatrabaho kita ulit."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 19, 2023
Carlo Aquino reunites with Vilma Santos
Carlo Aquino (right) pays tribute to Vilma Santos (left) on her 60th showbiz anniversary: “Happy 60th anniv[ersary] sa nag-iisang Vilma Santos-Recto...Sana makatrabaho kita ulit. Love you mommy Vi.”
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook/Screengrab @Cinema One YouTube

Matapos ang ilang dekada, muling nagkita at nagkasama ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang aktor na si Carlo Aquino.

Nagdulot ng nostalgia ang pagkikita ng dalawa matapos nilang gumanap bilang mag-ina sa '90s hit movie na Bata, Bata Paano Ka Ginawa? na hango mula sa nobela ng namayapang nobelista na si Lualhati Bautista, sa direksyon ni Chito S. Roño.

Read: Vilma Santos, Leni Robredo nagbigay-pugay kay Lualhati Bautista

Sa Instagram ngayong Linggo, February 19, 2023, ipinost ni Carlo ang ilang kuhang litrato ng muling pagkikita nila ni Vilma, kalakip ang kanyang pagbati sa ika-animnapung (60th) anibersaryo sa showbiz ng Star for All Seasons.

Read: Vilma Santos marks 60th showbiz anniversary with ABS-CBN show

“Happy 60th anniv sa nag-iisang Vilma Santos-Recto,” pagbati ni Carlo.

Hindi rin niya napigilang sariwain ang unang araw na nagkita sila ni Vilma sa set ng 1998 movie na Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ng aktor, “First day of shoot ko sa Bata bata. Dumating ka sa set na naka artista van. Pinakilala ka samin ni direk Chito [Roño] tapos lumapit ka sakin. Sabi mo ‘ill be your mom for this film, would you like that?’

"Halos matanggal ulo ko sa pagtango. [laugh emoji] Salamat sa pagtanggap sa akin bilang si Ojie.”

Nagpasalamat din si Carlo sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Vilma kahit na matagal na raw natapos ang kanilang pelikula.

Aniya, “Kahit matagal na nagawa ang pelikula natin ganun pa din ang pagmamahal mo sakin.

"Salamat sa mahigpit na yakap pagkatapos ng bawat eksena.

"At higit sa lahat salamat sa ‘Akala mo lang wala.’”

Ang tinutukoy na "Akala mo lang wala" ni Carlo ay ang makabag-bagbag damdaming linyang binitawan niya noon sa pelikula na tumatak sa mga manonood magpahanggang ngayon.

Ang buong linya nito ay "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, hiling ni Carlo na muli silang magkatrabaho ni Vilma.

Saad niya, “Sana makatrabaho kita ulit. Love you mommy Vi.”

Samantala, masaya ring ibinahagi ni Vilma sa kanyang official Facebook account ang naging pagbisita sa kanya ng anak-anakan.

Saad niya, "Sobrang happy to see my son Carlo Aquino!

"What a surprise! Salamat din sa pagbisita Direk Adolf Alix Jr!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NETIZENS REACT

Bukod kina Carlo at Vilma, hindi rin napigilang mapa-throwback ng ilang netizens na nakapanood sa kanilang iconic movie na Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

Read: Instagram official? Carlo Aquino flexes Charlie Dizon on Instagram

Sa comments section ng post ni Carlo ay bumuhos ang komento ng netizens na naghahangad na magsama muli sila sa isang serye o di kaya raw ay magkaroon ng remake ang dati nilang pelikula .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ni Sue Ramirez (published as is), "Iconic [clap and heart emoji]."

Sabi ng isang netizen, "Sana may remake tong movie na to [Bata, Bata Paano Ka Ginawa].Pero kayo pa rin [ang] artista."

Request pa ng isa, "Movie for them [Carlo, Vilma] pleaseeeeeeee [pray and heart emoji]."

Saad pa ng isa, "Sana may karugtong yung movie nila dati hehe yung akala mo lang wala pero meron, meron, meron."

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino (right) pays tribute to Vilma Santos (left) on her 60th showbiz anniversary: “Happy 60th anniv[ersary] sa nag-iisang Vilma Santos-Recto...Sana makatrabaho kita ulit. Love you mommy Vi.”
PHOTO/S: Vilma Santos-Recto Facebook/Screengrab @Cinema One YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results