Masaya raw si Bianca Umali sa naging rebelasyon ni Miguel Tanfelix tungkol sa kanilang naging relasyon noon.
Hindi kasi naging maliwanag sa publiko ang tunay na estado nila noon ng dating ka-love team.
Taong 2014 naging magka-love team sina Bianca at Miguel. Ang huli nilang naging proyekto na magkasama ay ang primetime series na Sahaya noong 2019.
Inamin ni Miguel na naging magkarelasyon sila ni Bianca sa panayam niya kay Boy Abunda sa live episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong February 9, 2023.
Sa panayam ni Bianca sa Updated with Nelson Canlas podcast ngayong araw, February 17, hiningi ang reaksiyon niya sa naging pahayag ni Miguel.
Saad ng aktres, "I don't think I have any comments, kasi, honestly, I saw his interview.
"And what he said kasi... fans, alam mo naman ang mga fans, ang bilis mag-pick up and repost ng clips and have their comments about it.
“But that part that he talked about the both of us, actually, I have nothing to say.
“Actually, partly nga, e, I felt happiness pa for him because, finally, he was able to talk about what happened to us.”
Sabi pa ni Bianca, hindi talaga naging bukas ang relasyon nila noon ni Miguel.
"It was an issue that was never talked about, really. It was never… parang walang assurance at all sa mga tao kung ano ba yung talagang nangyari.
"And I think, by his answer to that question about us, it answered so many delusions... mga theories ng mga fans noon.
"I have nothing else to say kasi, I think, I would answer the same thing na totoo naman, e, lahat ng sinabi niya."
“I HAVE NOTHING AGAINST HIM”
Nausisa naman si Bianca kung magkaibigan pa rin ba sila hanggang ngayon ng ex-boyfriend.
Sagot niya, “Yes.”
Paliwanag ng Kapuso actress, "Well, of course, I couldn't say that we are friend-friends kasi… not as barkada-friends, but we are friends sa loob ng network.
"And we don’t really see each other that often. So, nagkakabatian."
Dagdag pa ni Bianca, hindi naman maitatangging naging bahagi ang isa’t isa sa kanila sa kanilang karera.
Aniya, "And I don’t think that I’m that person who would say na hindi ko bibilangin yun or hindi kasama sa kuwento ko yun.
“Because it is for how many years and it's disrespectful naman din to him na i-disregard yung presence na yun.
"So I have nothing against him talaga. It's more of I'm just happy we both have our own lives, our own partners. We both have grown, he has grown, and I think it shows so much in that interview.”
Sa panayam ni Boy kay Miguel, inusisa rin siya ng TV host kung si Kyline Alcantara ba ang dahilan ng hiwalayan nila dahil naman sa cryptic post ni Bianca tungkol sa “ahas.”
Read: Bianca Umali cryptic tweets about Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara?
Maingat na sagot ng binata, "Siguro, Tito Boy, yung dahilan ng hiwalayan namin, huwag na tayo magdamay ng ibang tao. Parang irespeto natin yung ibang tao.
"Siguro yung sa isyu na lang po namin ni Bianca."
Sa ngayon ay masaya na si Bianca sa piling ng boyfriend na si Ruru Madrid.
Si Miguel naman ay nililigawan ang kapwa Kapuso star na si Ysabel Ortega.
